06 | 16 | 23
Ilang araw na ang nakakalipas, kung hindi ako nagkakamali maiisang linggo narin. Tama nga ang hinala ko, ang buhay ko dito ay isa lang kawalang kwenta. Laging wala si Patrick, laging puro inip at galit lang ang nararamdaman ko. Lagi rin kaming nagaaway, nagbabangayan at hindi ako nagsasalita bukod sa limaban lang sa hindi ko ginugusto lalong-lalo na ang pagpapahayag nya ng pagibig na kahit kaylan hindi ko na maramdaman kasi ang puso at buong buhay ko ay nahulog na kay Rocco. Ang taong pipiliin ko kahit magunaw man ang mundo.
Mahal ko si Rocco ng higit pa sa buhay ko sana maintindihan nya iyon, hindi yung magseselos sya kahit wala naman talaga syang karapatan dahil matagal na kaming walang relasyon, noong sinaktan nya ako doon ko na tinapos ang pagiibigan naming puno ng kasinungalingan.
Matagal ko na syang kinalimutan, sarado na ang puso ko para sa kanya. Dapat nya iyon maintindihan.
Ngayon sa loob ng isang linggo muli nya akong sinamahan sa hapag, hapunan na at may bakal pa syang lisanin ang bahay dahil may importanteng lalakarin sya. Mabuti na nga iyon dahil ibig sabihin lang ay hindi ko sya makikita sa bahay at ayaw ko narin ng gulo.
Matapos ang kainan kinamusta lang nya ako at nagpaalam narin kay nay Jenny. Kasama ang mga ilang utusan nya sabay nilang nilisan ang mansyon. Naiwan kami ni nay Jenny at ibang katulong sa loob kasama ang mga taga-bantay. Tungkol kay Axel, minsan tinitibgnan ko sya pag kinakarga sya ng kanyang ama, may galit parin ang puso o may kirot na nararamdaman ngunit ang makita ang batang walang muwang sa kahayupan ng kanyang mga magulang ay isang pagkasala dahil hindi naman talaga sya sisihin sa hindi nya alam na ginawa ng kanyang mga magulang. Ang pagsisisi ay napunta kay Patrick, dahil sa una palang sya na dapat ang pupukulan ng sisi dahil sya ang gumawa ng sitwasyong pilit nyang buoin kahit na hindi na maaari.
Ganito din ang sitwasyon sa minamahal kong si Rocco, tinanggap ko ang pagsisinubgaling nya dahil mahal na mahal ko sya. Hindi ako nagisip na magagalit ako sa bata dahil alam kong ikakasaya nya ito, ang pananahimik ko ay hindi na importante dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay pipiliin ang kanya mismong kasiyahan at kung masaya sya sa nagibg bunga ng hindi nya sinasadya sapat na itong dahilan upang ikasaya ko rin.
Mahal nya ako, sigurado akong maiintindihan nya kung bakit ganon na lang kabilis ang desisyon kong sumama sa lalaking ito.
Hindi ko matiis na hindi tulungan si nay Jenny sa paghuhugas nang pinggan. Sinamahan ko sya sa lababo at ako na ang nagpupunas ng plato upang patuyuin ito.
"Naku anak, baka mapagod ka nyan hayaan mo na ako at magpahinga ka lang muna." Reklamo nya.
"Nay, wala naman akong ginagawa at may itatanong lang po sana ako sa inyo. Gusto ko kasing malinawan kung bakit at naging mabait na si Patrick sa inyo hindi gaya ng dati na parang hindi nya kayo kilala."
Nagtataka talaga ako, bakit at umiba ang ihip ng hangin sa loob ng utak ng lalaking iyon. Dati wala naman talaga sya g pakialam sa mga katulong, ngayon at sa isang linggong pagmamasid ko halos alam na nya ang pangalan ng lahat, lahat sila ay natutuwa na sa nagbago nilang amo.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomanceHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited