TBF 009: CHILL

502 41 5
                                    

06 | 06 | 23

Nagising ako ng wala si Rocco sa tabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako ng wala si Rocco sa tabi ko. Kay taas na ng sikat ng araw, tiningnan ko ang orasan sa aking dingding. 8:00, kay sarap ng tulog ko at ang nagyari sa aming dalawa nabibigay ngiti sa labi ko.

Matapos maghugas, magdamit ay bumaba na ako ng hagdan. Naabutan kong napupunas na ng lamesa si Luisa. Binati ko sya at nagtanong kung saan ang dalawa.

"Nagbilin ang papa mong magpahinga ka muna, nasa bayan sya ngayon at mamayang hapon pa uuwi. Si Rocco naman ay nasa sakahan, may iniutos lang papa mo sa kanya."

Matapos kumain ng umagahan, nagpaalam ako kay Luisa na pupuntahan muna si Rocco at baka may iuutos sya. Ayaw ko ring manatili sa bahay lalong wala akong gagawin.

Ang tungkol pala sa lakad namin kasama ulit ate nya at si Lex ay hindima matutuloy ngayong linggo, akin naman iyong ikinasaya lalong hindi ito gusto ni Rocco.

Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad papapuntang sakahan. Naabutan kong nag lalagay ng mga makakain si Rocco sa mga baka. May saya ang puso ko sa tuwing nakikita syang nagtratrabahong mag-isa, ewan ko pero para sa akin isa itong magandang taglay ng mabuting tao. Ginagawa nya ang dapat gawin kahit mag-isa lang.

Tulad ng dati, ang gwapo nyang tingnan sa suot nyang pang-trabahong damit. Kapit na kapit ang tela ng damit nya sa laki ng kanyang maskuladong laman ng katawan.

Hindi ko parin maintindihan kong paano at nais nyang magalaga ng daan-daang baka kaysa sa mabuhay ibang paraan. Naririto parin sa isipan ko ang tanong na ayaw ko nang pagusapan, wala akong karapatan na malaman ang dahilan ng pag-alis nya sa pagiging militar, ang inaalala ko lang ay kung saan sya masaya at kung ano ang pinili nya.

Lumapit ako sa kanya at lum8ngon sya sa akin. "Magandang umaga." Bati ko.

"Ikaw lang tong maganda sa umaga eh." Bumanat pa ang loko. Sarap pukulin. Ako namang natatwa sa sinabi nya parang sira.

Tumabi ako sa kanya habang minamasdan ang mga bakang kumakain. Masayang-masaya ako, kahit papano ang mga bangungot ko ay nawala na parang bula. Sya lang pala ang makaka-alis nun sa isipan ko.

Pinag-krus nya ang kanyang braso sa dibdib. Kampanting nakatayo.

"Hindi naman kita nasaktan kagabi dib?" Mahinahong sambit nya.

"Hindi mo ako masasaktan Rocco, ikaw tong lalaking alam ko na hindi ako gagawan ng masama. Masaya ako sa nangyari sa atin, ewan ko kung ganon din ba sayo." Tugon ko.

"Totoo ang sinabi ko, wlaang halong bitong may pagtingin ako sayo Nile. May bagay lang na dapat kung tapusin, dapat paalisin sa puso ko."

"Kung ano man yang aalisin ko, sana maging masaya ka sa pipiliin. Alam kong mahirap tanggapin na makipag-relasyon sa kapwa, alam kong mas mahirap ito sayo. Hindi kita pipilitin, masaya ako at kung ganun lang yun ay dapat na akong makapanti." Minasdan ko ang buong kapaliguran, kay ganda nito kaysa sa dati kahit na ganon parin ang hitsura nito.

The FarmhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon