05 | 31 | 23
"May nobya na pala si Rocco?" Sambit ko habang tinutulungan ko si Luisa na hugasan ang mga napagkainang pinggan.
Kaninang nalaman ko na may nobya sya bihlang natahimik ako hanggang kaninang tangghalian, ewan ko pero parang nanlungkot ako ng malaman ang bagay na iyon.
"Kung hindi ako nagkakamali sila ni Hailey ay halos dalawang taon nang magkasintahan, bago palang sya dito noon at nagkakilala sila dyan lang sa bayan." Kwento ni Luisa.
Parang pamilyar ang pangalan nya, hindi konlang talaga mapunto kong sino.
"Matanong ko lang, saan ba at anong buhay nya dati bago naging tauhan dito?" Tanong ko, inabot ang basang plato sa kamay ni Luisa at pinunasan ng malinis na pamunas.
Nagpatuloy lang sya sa paghuhugas. "Isa syang militar noon, sa kwento nya magiging kapitan na sana sya kaso may nangyaring hindi nya inaasahan na ayaw naman nyang ilahad pa sa amin na naging dahilan ng pag alis nya sa puwesto. Pinili nyang umalis nalang at mamuhay dito. Alam mo Nile, mabuti syang tao, ewan ko ba pero may pagka-mesteryoso nya kasi pero ang importante ay mabuti sya at naging katulong namin sya dito ng papa mo." Mahabang tugon nya.
So, ganon pala sya dati kaya batak talaga ang katawan nya. Mabuti at umalis sya sa pagiging militar dahil kung hindi wala akong makikilalang kay perpektong lalaking tulad nya.
"Bilisan mo na dyan Nile, at may iuutos ako sa inyo ni Rocco." Sigaw ni Papa.
"Sige na at ako na ang bahalang magtapos nito, salamat nga pala." Tumango ako kay Luisa at nilapitan si Papa sa sala.
"Samahan mo si Rocco na kumuha ng binili kong bagong gamit sa bayan." Sakto din at bumaba na si Rocco sa hagdanan, bihis na bihis ito. Bagong damit at sapatos. "Sige na, pumanaw na kayo baka gabihin pa kayo."
Tumingin sya sa akin at ako ay nginisian. Nananadya ba sya? Kanina pa sya ha. Kung nakakatuwa ang mga nangyari kanina sa kanya pwes hindi para sa akin.
Hindi nya alam kung gaano ako kainis ng ikinuwento nya ang pagkahinamatay ko kanina. Nabuking tuloy ako dahil alam ni papa na hindi talaga ako takot sa dugo, wala naman talaga akong pobya. Napagsabihan ulit tuloy ako ni papa, kung uulitin ko daw iyon baka palayasin nya ako sa bahay. Todo paumanhin naman ako kay papa habang ang lalaking to ngumingisi na parang may nakakatuwa.
Inabot ni Papa sa kanya ang susi. "Ano, tara na. Ang bagal eh."
Sinuot ko ang sapatos sa pintuan at agad na sinundan sya palabas ng bahay hanggang sa kotse ni Papa. Bago ito at ito ang gamit nya kung pumunta sa bayan.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomanceHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited