06 | 15 | 23
"Mahal." Inabot nya ang kamay sa akin, pababa na kami ng eroplano at nagpapaka-ginoo sya. Kahit ano pang ikilos nya upang patunayan na nagbago na sya ay hindi ko parin ito matatanggap. Hindi sapat ang pinapakita o pinagsasabi nya sa akin upang mapatunayan ang sarili.
Imbes na abutin ko ang naghihintay na kamay nya humawak ako sa hawakan ng hagdan. Hindi ko na sya hinintay bagkos ay nauna akong bumaba ng hagdan hanggang sa tunguhin ko ang sasakyang magara na naka parada sa aming harapan.
May dalawang utusan ang naka-tayo sa magkabilang gilid ng pintuan at terno ang suot nilang itim na damit.
Akmang bubuksan ng isa ang pintuan upang ako ay maka-pasok sa loob pero pinigilan sya ni Patrick. Mabilis nyang nilapitan ang pintuan at sya na mismo ang bumukas nito.
Inismiran ko lang sya at walang ganang maupo sa loob. Maingat nya itong sinarado at tumungo sa kabila. Tulad ng kanina nasa likod kami naka-upo at mga tauhan nya ang nasa unahan.
"Mahal, gusto mo bang dumaan muna tayo sa pabirito mong starbucks? Diba gustong-gusto mo yung kuly rosas nilang inumin, gusto mo bili tayo?"
Hindi nya ba naiintindihan na ayaw kong makipag-usap sa kanya? Kahit anong ngiti nya sa akin mananatiling galit lang ako sa kanya.
"Boss."
"Diretso na lang tayo ng mansyon at sabihan si yaya Jenny na maghanda na at parating na kami." Sagot nya sa nagmamaneho. Agad namang sinunod iyon ng isa, mabilis na tinawagan nya ang nasa mansyon ay pinaalam ang utos ng boss nila.
Agad na humarurot ang sasakyan paalis ng lugar.
Dahil sa hindi matiis kinapkap ko ang bulsa ng aking pantalon at hinugot doon ang telepono ko, unang pindot palang ay lumabas na ang larawan ng mahal ko sa tabing. Ngumiti ako at hinipo ang tabing sa pagaakalang mararamdaman ko sya.
Nagulat na lang ako ng biglang kinuha ni Patrick mula sa kamay ko ang telepono.
"Ito na ang huling makikita mo ang pagmumukha ng lalaking yun, pinagbabawal kitang makipag-usap o makita man lang ang larawan nya." Saad nya na aking ikinagalit.
Hindi ko na talaga mapigilan, kumukulo na ang dugo ko sa kawalang-hiyaan nya.
"Ano ba Patrick! Ano bang gusto mo ha? Nasa sayo na ako, bakit lahat ng gusto ko kinokontra mo? Sayong-sayo na ako oh, ikaw ang pinili ko sa taong mahal na mahal ko, hindi mo ba naiintindihan ha? HINDI KITA MAHAL! hindi kita mahal Patrick, kaya pakiusap kalimutan mo na ako at hayaan mo akong sumaya..." Gusto ko pang sumumbat pero ang pagkahina ng loob ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ay syang ikina-iyak ko at ikina-baha ng luha ko sa mga mata.
Humagulgol akong umiiyak. Hindi na ako nahihiya, sya ang dapat mahiya dahil sya ang dahilan kung bakit ako ngayon naririto na labag sa kalooban ko at kanyang pinapaiyak.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomansaHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited