He expects this day full of beauty
School? He is ready
His love of helping is unending
Appreciated? Still waitingTHIRD PERSON'S P.O.V
Pareho parin ang nangyari ngayon, gaya kahapon. Ginising ulit si Madarikazio at kumain na. Tinulungan niya ulit ang lola. Sumakay ulit siya sa tricycle at late ulit na nakarating sa eskwelahan.
Sa harap ng kanilang room biglang natapilok ang kaniyang adviser. Nahulog at naikalat ang mga papel na hawak ng guro. Agad niya itong tinulungan at itinayo. Pinulot niya ang mga papel at inabot ito sa guro. Nag mamadali ang kanilang guro kaya umalis ito kaagad.
Nakita iyun ni Chery at humanga ito sa kabaitan ni Kazio. Si Chery ay may malaking pagtingin kay Kazio simula pa noong grade 8. Maganda din naman si Chery, mahaba ang buhok, maputi, maganda ang ngiti, masayahin, matangos, matangkad pero alam nating lahat na si Lisa ang hinahangaan ni Kazio. Kaya baka hanggang kaibigan lang sila ni Chery.
Umupo si Kazio sa kanyang silya at nakinig. "Ok, bring out 1 whole sheet of pad paper." Wika ng kanilang guro. Walang kaalam-alam si Kazio kung anong gagawin at ano ang kanilang topic nila ngayon.
"Pahingi nga ng 1 whole mo." Hiling ng isang babae kay Chery. Binigyan niya naman ito. Sumunod naman na humingi si Bell, tapos si Lisa, tapos si Mark, tapos si Benny, tapos si Kazio, then si Velvet, tas si Melanie, tapos si Juliet, of course nandyan si Romeo, actually lahat ng kaklase niya.
"Tangina niyo."
"Solve for P32, Q2, D6, and P79." Sinabi ng guro habang sinusulat ito sa blackboard. Mathematics is one of the hardest subject among the 8. But for me, the hardest is E.s.P.. Identical twins lahat ng choices mhie, dios mio.
Nag solve ang lahat liban kay bobo. He is just relaxing on his chair with his hands on his head-occipital area. "Mr. Roque! Ba't wala kang ginagawa?" Galit na pagsita ni sir Justin.
"Tapos ko na po." Biro ni Joshua pero hindi natuwa ang guro. Wala pa ngang pangalan 'yang papel mo, bhie.
"Solve for that." Madiin na sinabi ng guro sabay turo sa pisara. Tinitigan lang ni Joshua ang guro. "Mr. Roque, I'm not joking. Kung ayaw mong sumagot wala kang grade. "
"Not interested in your subject." Bulong ni Joshua. "Anong sabi mo?" Nakakunot na tanong ng guro. Pinanood ng lahat sa dalawang nagbabangayan.
"Buti may popcorn ako dito." Bulong ni Chery at kinuha iyun.
"Pahingi." Hiling ng babaeng humingi ng papel kanina. Binigyan ito ni Chery. "Pahingi din." Hiling naman ni Bell, tapos si Lisa, tapos dumami na sila.
"Stop it!" Tumayo si Chery. "Wala ba kayong pera pambili ng pagkain ha? Paano naman ako?! Lagi niyo nalang akong hinihingian. Guys, maawa naman kayo." Seryoso niyang tinignan ang mga kaklase niya. Nakita niyang tinitignan siya ng guro. "Eme. Tuloy mo na sir. Sorry." Ngumiti si Chery at umupo.
"Pahi-" Dumakot si Chery ng popcorn at sinubo lahat sa babaeng humingi. "Saya ka na? Tangina mo."
"You're not interested in my subject?" Wika ni Sir Justin, "Eh, ano pa'ng ginagawa mo dito sa paaralan kung ayaw mong aralin bawat lessons?! Get out of my class." Tinuro niya ang pinto. Dali-dali namang kinuha ni Joshua ang kanyang bag at tumayo.
"Nakaka-antok ka mag turo kagaya mo lang si Jay Riz." Kunot-noo niyang sinabi sabay alis sa room. Naiwan naman ang gurong galit at tila ba'y natulala sa nangyari.
"Class 'wag ninyong gayahin ang batang 'yun. Para siyang sira-ulo." Bigkas ng guro at humakbang pabalik sa kanyang upuan.
"Baka may pinagdadaanan lang sir." Bulong ni Kazio. "Anong sabi mo?" Tumaas ang kilay ng guro. Bingi ba siya?
"Baka may pinag dadaa-"
"Kung may pinag dadaanan ka ba, babastusin mo lahat ng kakausap sayo? "
"Bakit hindi?" Nanatiling naka tingin si Kazio sa kanyang math solution.
"Ano?" Tanong ng guro. Bingi nga siya. "Kazio, alam ko matalino ka. Pero 'di mo ba naisip na nag-aaral siya? Kailangan niyang sumagot. Sa lahat ng mga pinapa-answer naming teachers kailangan niyang sagutan para magka-grade siya. Anong ginawa niya? Hindi na nga nag-answer, sinagot pa ako. Binastos pa ako."
"Edi sana 'di niyo nalang inapproach sir," Tumingin si Kazio sa guro. "Hinayaan niyo nalang sana kasi 'di biro ang mental health. Hindi naman niya gagawin 'yun kung walang rason o problema. Kaya naman niya sigurong i-comply soon 'yang pinapagawa niyo."
"Alam ko kung ano ang nararapat. Alam ko kung ano ang tama." Matalas na tingin ang isinumbat ng guro.
"Pero mali ka." Sagot naman ni Kazio.
"Labas!" Tinuro ulit ng guro ang pinto. Kinuha ni Kazio nag kanyang bag at lumabas. Naiwan niya ang kanyang papel kaya kinuha ito ni Chery at kinopya. "Nice."
"Mga bastos na bata." Galit na bulong ng guro sabay iling. "Ok class, let's check your answers."
__
"Musta pre." Pag bati ni Kazio.
"'Wag mo akong lapitan. I'm allergic to people." Sagot ni Joshua. Arte ha.
"Bakla ka ba?" Biro na tanong ni Kazio. "Ang arte mo." Dagdag pa niya. Umupo siya sa tabi ni Joshua kaya umusog siya palayo.
"Kung may problema ka sabihin mo lang." Ika ni Kazio. Tumingin sa kanya si Joshua. Makikita sa mukha niya ang lungkot, pero iba ang nakikita ni Kazio, loneliness. Ibinalik ni Joshua ang tingin sa lupa. "Ba't ko sasabihin? 'Di naman tayo close." Bulong nito. Choosey.
"'Di mo 'yan kaya ng mag-isa lang."
"Ba't ka ba nangingialam sa buhay ng may buhay, ha?" Galit na bigkas ni Joshua sabay tingin kay Kazio. "Kung 'di ko- kung 'di ko ito kaya ng mag isa... basta, walang may kaya nito at wala kang pakialam."
Yumuko ang dalawa at nilamon sila ng katahimikan. ''Di ko siya maintindihan.' Wika ni Kazio sa kanyang isipan.
"Kanina," pag basag ni Kazio sa katahimikan. "mukhang wala ka sa mood kaya inisip ko baka may pinagdadaanan ka. Pinalabas nga ako kasi sinabi ko kay sir na baka may problema ka lang kaya ganoon."
Umiling si Joshua, "Alam mo napaka-pakialamero mo." Wika nito. Ayaw kitang madamay sa problema ko, dagdag niya sa kanyang sarili.
"Wala akong pake kung gusto mo akong ipagtanggol. Tsaka tangina, 'wag mo akong i-comfort, 'di ako bata at inuulit ko, hindi tayo close." Tumayo na siya at kinukuha ang kanyang bag.
Bumigat nag pakiramdam ni Kazio. Iniisip niya kung anong problema 'yun. Gaano kalalim? Gaano kabigat?
Pumasok si Joshua at Kazio sa kanilang room nang tumunog na ang bell. Matalim na tingin ang ibinigay ng guro sa dalawa bago umalis.
'Minsan pangit din palang tumulong, magpagaan ng loob, at mag malasakit. Imbis na napapagaan ang loob nila, masbumibigat pa dahil sa akin. ' Wika ni Kazio sa kanyang isip.
Minsan ang pagtulong parang tubig yan. Kung maliit lang na apoy ang gusto mong apulahin, mamamatay ito. Ngunit kapag nagliliyab, nag-aalab at naglalagablab ang apoy na gusto mong apulahin, mas lalakas pa ito.
Nakatayo ang lahat dahil kakanta sila sa mapeh. Tahimik lang ang dalawa habang kumakanta ang iba.
Will Kazio continue helping?

YOU ARE READING
Not Me
FantasyEvery year, a Devil curses one person due to his/her attitudes, specially, when that person is good. In the province of Isabela, lives Madarikazio Dezruc, a helpful, good, and kind young man. He is helpful to anyone who needs help. One day, the Dev...