Chapter 11 (with gore scene)

1 0 0
                                    

WARNING (PLEASE READ): This chapter contains stomach-turning scene. If you can't handle gore scenes please proceed to the next chapter after reading Madarikazio's point of view. Thank you.

MADARIKAZIO'S P.O.V

'Yun pala ang feeling ng may ka-hawak kamay.

Her hand is smooth like pillows and warm like jackets. I want to hold it again.

Just like her hand, her face is smooth too, very smooth. I want to talk to her again, to hear her voice, to see her gorgeous face, to know her thoughts, to know her story.

Look how fast God answered my prayer.

Nakita ko si Lisa na naglalakad sa gilid ng kalsada. Both of us are on the right side of the road. Tumakbo ako para maabutan siya. Lumiko siya sa kanan-kanto papunta sa bahay namin.

"Hi!" Bati ko nang maabutan siya. Ngumiti siya sa akin. "Oh, Hello." Wika niya sa mahinhing boses.

"Dito rin ang daan papunta sa bahay niyo?" Tanong ko. "Oo. 'Di mo alam bahay namin?" Tumawa siya.

"Hindi pa." Nakangiting sinabi ko habang kinakamot ang ulo. "Saan ba?"

Nagsimula siyang tumawa. Ako nalang ba ang hindi nakakaalam sa bahay nila? Crush mo tas 'di mo alam kung saan ang bahay? My inner voice whispered.

"Sa likod lang ng bahay niyo." Sagot niya. Nanlaki ang mata ko. Shocks. I felt embarrassed and surprised at the same time. Embarrassed kasi almost 4 years ko na siyang hinahangaan tapos hindi ko pa alam bahay nila. Surprised kasi sa likod lang pala ng bahay namin, look at the possibilities, pwede ko siyang bisitahin at kausapin ng personal araw araw!

"But I cannot blame you. Ang lalaki at ang tataas kasi ng puno niyo don sa likod. 'Di mo siguro ako nakikita." Sabay kaming tumawa. "Tama. Tsaka hindi kasi ako masyadong pumupunta sa likod." Nagtagpo ang tingin namin.

"Wow. Ang ganda ng sunset." She said breaking the eye contact. Pumunta siya sa malawak na bukid. Gaya sa relaxation area namin nila Chery, may mga bulaklak at damo rin dito. Mostly, bermuda grass. Sinundan ko siya.

Umupo kami sa natumbang kahoy at pinagmasdan ang langit. Naghahalong orange, red, at pink ang kulay nito. Hindi na masakit sa mata ang araw kaya ayos lang titigan. May reflection ito sa ekta-ektaryang palayang may tubig kaya parang nasa dagat kami.

"The sunset is beautiful, isn't it?" Tanong niya sa akin. Ba't naman ganyan agad tanong mo? 'Di pa nga tayo. "Right?" She clarified and looked at me.

Humarap ako sa kanya. "Yeah. Like you." Ang speed. Joke lang. "Y-your bag." Hoofff. Muntik na.

"Nahiya ka pa. I do accept complements. Thank you." Ngumit siya ulit sa akin. Wala kang maitatago sa babaeng ito. She reads you. And it's getting awkward now.

Lumingon ako sa scenery. "So you love sunsets?" I asked. "Yeah. I'm a opacarophile. Actually, I took pictures of it everyday. I love the colors, the contrast, the brightness, and the warm tone." She replied while getting her phone out of her bag and took a picture.

"Actually, muntik na magtagpo 'yung mga mahal nating bagay. I love night. All things in the night." Wika ko.

"Oh! So you're-"

"Nyctophile." Sabay naming sinabi at tumawa.

"I love the peace and silence it gives to me." Eksplenasyon ko.

"Actually, I also love the night." Green flag number 1. She also loves the thing I love. "Aside sa mga sinabi mo, it gives me comfort. Tsaka kapag gabi-wala nang masyadong gising-magagawa mo lahat ng gusto mo. Like late night talks or dates." Then let's talk tonight.

Not MeWhere stories live. Discover now