AUTHOR'S WARNING (Please read): This chapter contains gross scene. If you can't bare those scenes anymore, just proceed to the next chapter (Note: The scene is in Chery's point of view again. If its starting to become gross, skip). Thank you.
JOSHUA'S P.O.V
Being an orphan is hard.
I call my self orphan even though my father is still alive beacause I consider him dead. Pagkatapos niyang malaman na namatay si mama thru message, hindi man lang siya nag paramdam o nagbigay ng pakikiramay. Fuck him.
Wala nanamang bumili ng paninda ko kagabi. Konti nalang din ang natitirang pera para pambayad ng koryente at tubig kaya todo tipid ako-walang naka-on na appliances tuwing umaga, tsaka lang mag cha-charge kapag low batt na talaga, nakiki-connect lang sa kapitbahay para sa internet, at tuwing gabi, electric fan lang ang naka sindi.
Kinuha ko na ang niluto kong agahan at pumunta sa mesa. Asin at kaunting kanin ang kakainin ko ngayon. Minsan kailangan kong hindi kumain para may makain kinabukasan. Iniisip ko kung mag-ulam nalang kaya ako ng balut na hindi naibenta, pero naisip ko rin 'yung mababawas na pera. May natira pang 15 na balut para ibenta mamayang gabi. Kaya ko 'to.
May mga alaga kaming manok sa likod ng bahay. Sampong manok, limang tandang, at anim na sisiw. Sila nalang ang tanging pinagkukunan ko ng pera. Kung walang manok, walang itlog, kung walang itlog, walang balut, at kung walang balut...
Sinubukan kong mag apply ng trabaho sa mga restaurants pero masyado na silang maarte sa pagha-hire ngayon. Kailangan daw graduate sa collage eh underpaid din naman. That was the reason why I wanted to go abroad after college-if gragraduate ako. Sa ibang bansa kasi mas konti ang requirements at mas mataas ang salary.
Nag try ako sa ibang works pero hindi pwedeng sabado at linggo lang ako mag trabaho. Isa pa, underage daw. Naghanap ako ng nightshift, same reason, underage.
Ang natitira nalang na pag-asa para mabuhay at makapag-aral ako ay ang mga alaga kong manok.
Sumubo ako ng kanin at pinanood ang kaharap kong sumubo rin. Ngumiti ito at nag salita, "Kaya mo 'yan. Laban lang. 'Wag kang sumuko ha." Umiyak siya at pinilit na ngumiti. "Balang araw hindi ka na mag-iisip ng ganyan. B-balang araw, 'di mo na proproblemahin ang p-pera." Nauutal niyang sinabi. Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha sa pisngi niya.
Late na noong narealize ko na ako 'yun.
It's a mirror I placed so that I have someone to eat with. Sa tabi nito ang nakadikit na group picture ng pamilya ko, hindi si mama, ang bago kong pamilya. Si Chery ang naka hawak ng camera (nasa right side siya ng picture), susunod sa kanya si Kazio, tapos si Mark, at ako. We took this photo in the relaxation area then printed four copies. Hindi ako pumayag nang bayaran ni Kazio 'yung copy ko pero masyado siyang mapilit. I ended up thanking him.
Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang kamay at tinuloy na ang pagkain.
I changed my mood from sad to happy when I entered the campus. Naglakad ako papunta sa room at nadatnan ang mga kaklase kong naglilinis. Nakita ko si Chery na nakaupo sa likod. Nakatulala ito at mapula ang mata.
Tumabi ako sa kanan niya. "Anong nangyari d'yan?" Tanong ni Kazio at umupo sa kabila. Si Mark naman sa harap na silya ni Chery.
"Anong nangyari d'yan?" Tanong ko nang makita ang benda sa kamay niya.
"N-natusok," Wika niya sa malungkot na boses. "ng kutsilyo kagabi." Natinginan kami nila Kazio.
Tumingin si Kazio sa kamay ni Chery. "Paano?" Tanong niya. Tension built up.
"Wala na rin si mama." Wika niya at umiyak. "Patay na." Pinigilan ko ang luha ko.
"Paano?" Inulit ni Kazio 'yung tanong niya.
YOU ARE READING
Not Me
FantasyEvery year, a Devil curses one person due to his/her attitudes, specially, when that person is good. In the province of Isabela, lives Madarikazio Dezruc, a helpful, good, and kind young man. He is helpful to anyone who needs help. One day, the Dev...