Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 6

6 0 0
                                    

MADARIKAZIO'S P.O.V

"Salamat." Malungkot niyang sinabi. Nanlaki ang mata ko. "Ano?" Paglilinaw ko. "Salamat." Wika niya sabay ngiti sa akin.

What the Fish, Unicorn, Cat, Kangaroo?!

Nagsitayuan ang balahibo ko. Totoo ba 'yun? Tinignan ko si Mark para kumpirmahin. Tumango siya.

Pwede na akong mamatay!

Masarap sa pakiramdam ang makatulong pero mas masarap sa pakiramdam ang maapreciate lalo na kapag naka ngiti sila.

"Walang anuman." Nakangiting wika ko tapos sinenyas naman iyun ni Mark. Muntik na akong maluha.

"Noong sinubukan mo akong kamustahin nung pinalabas ako ng math teacher natin, parang ang saya ng p-puso ko. Dahil may mangangamusta pala sa akin kahit nasa gitna ako ng sump- ng problema. Patawad kung nagalit ako sa'yo noon. Patawad kasi binubully kita, kung pinagtatawanan kita, kung sinisigawan kita, kung nagagalit ako sa'yo. Sa kabila no'n nagawa mo parin akong lapitan at kamustahin. Salamat. " Malungkot na wika niya. "Ang drama mo naman pre," Natatawang wika ko. "Wala lang 'yun. Isipin mo lang na kung may problema ka, 'wag mong solohin." Ngumiti kami sa isa't-isa tsaka nag fist bump.

"Oh, ba't ang close niyo? Kala ko ba mag karibal kayo?" Lumapit si Chery papunta sa amin. "Noon yun." Sagot ni Joshua. Tumingin siya sa akin at tumawa.

"Anong ingay ito?!" Tanong ni ma'am Clarita, last period teacher namin — Araling Panlipunan. "Alam niyong may quiz ngayon pero nachichismisan lang kayo diyan?! Ok, bring out 1 whole sheet of pad paper. "

"Shutang iners." Bulong ni Chery.

~

Lunch break na din sa wakas. Nilabas ko na ang baon ko at nag bilog ulit kaming tatlo. Binuksan ko na namin ang aming pagbaunan at nag simula nang kumain.

Biglang nagsalita si chismosa, "May napansin ba kayo kay Joshua?"

"Madami." Sagot ko habang thumbs up naman ang sagot ni Mark. "Maliban sa nagrecite, active sa math, pala kaibigan, at pumogi, may iba pa ba kayong napansin?" Tanong ni Chery.

"Wala na." Sagot ko.

"Talaga? 'Di niyo ba nakita kanina?"

"'Yung?" Napaka misteryoso talaga ng babaeng ito.

"Nung time na nagsalita siya ng masama, nakita kong naghilom yung gasgas niya sa hita."

"May gasgas siya sa hita?"

"Oo. Pero nawala nga. "

"Baka namamalikmata ka lang dahil sa pagpupuyat mo gabi-gabi. Dahil impossible namang mawala 'yung sugat."

"Hindi pwedeng malikmata lang 'yun. Kitang-kita ko talaga."

"Nag praprank ka nanaman."

"Kung ayaw mong maniwala, bigyan kita ng pinaka hindi kapanipaniwalang napansin ko."

"Ano?"

"Diba nakita mo kung gaano kadami ang sugat niya?"

"Oo."

"Tignan mo siya ngayon." Lumingon ako sa gawi ni Joshua. Nandoon siya sa bungad ng C.R.. Napansin kong wala na 'yung mga sugat niya sa braso at tuhod. Walang namuong dugo o anuman. Parang walang nangyari.

Paano siya gumaling agad?

Ibinalik niya ang mga benda sa lugar kung saan may sugat kanina.

"Hindi pwedeng gumaling siya sa loob lang ng isang oras. Wala pang taong nakagawa no'n. Kahit mayaman 'di pa 'yan magagawa." Wika ni Chery.

Not MeWhere stories live. Discover now