MADARIKAZIO'S P.O.V
Isang malakas na pagaspas ang gumising sa akin sa mahimbing na tulog. Bumukas ang pinto ng tree house at pumasok siyang naka tupi ang pakpak. Seryoso niyang inironda ang kanyang mga mata hanggang sa makita niya ako.
He smiled. "There you are." He walked towards me. His left wing closed the door. "I've searched the whole town just to find you. Sabi ko na nga ba't dito lang kita mahahanap." Naglabas siya ng buntong hininga at pinunasan ang pawis sa kanyang noo.
Umupo siya sa tabi ko at iniangat ang paper bag na kanina niya pa hawak. "Gusto mo?" Tumango ako kahit hindi ko alam kung ano ang nasa loob.
"Nagutom kasi ako habang hinahanap ka." Wika niya sabay dukot sa loob. Nakangiti niyang inabot sa akin ang pandesal. Kinuha ko ito at kinain ng tahimik.
Silence...
"Okay ka lang?" Pagbitak niya sa katahimikan at ngumiti ng bahagya.
"Opo. Buti nga dumating ka na—hindi na ako mag-isa." Wika ko sabay ngiti sa kanya pero alam niyang peke ang ngiting iyun.
"Hindi ka masaya." 'Di ko alam kung tanong 'yun o ano. "Dapat maging masaya ka. Your curse has been ended." Natatawa niyang binigkas sabay tapik sa aking balikat.
Simula kaninang umaga naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Nawala na 'yung bigat na nararamdaman ko sa loob ng isang taon. Nakakapanibago.
"Ngayon pala 'yung araw na sinasabi mo. I can get closer to other people na, pwede na akong makipag kwentuha sa kanila, they will not affraid to me anymore, but–" Lumihis ako ng tingin at humarap sa nakabukas na bintana sa tabi ko.
Hindi ko masabi.
Nakita ko sa baba si Chont, alaga kong pusa, na nakikipaglaro sa tatlong paro-paro na papangalanan kong Pula, Dilaw, at Asul dahil sa kanilang kulay. Tumakbo si Chont at nagtago sa mataas na damo. Sinundan naman siya ng mga paro-paro. Nang malapit na sila, ginulat sila ni Chont. Tumalon siya at aksidenteng nahapas si Pula kaya nahulog ito sa isang dahon. Tutulungan sana ni Dilaw at Asul si Pula kaso naihangin ito papunta sa malawak na butas—para sa mga paro-paro—na may tubig. Hindi na muling gumalaw ang paro-paro.
Ang sayang panoorin.
The curse manifested in me for a year. I've faced so many challenges and social problems. I've been craving for conversations to my friends since day one. Ang dami kong na miss na lessons, halos lahat. Ano na kaya ang topic nila sa Statistics and Probability no? O 'di kaya sa General Biology? Kamusta na kaya sila Chery?
It's nice that the curse isgone, disappeared, vanish, died, burried.
"But what?" He asked. I saw him looked at me from my peripheral vision. I didn't look back.
"Can you please curse me for another month? " Seryoso kong sinabi na sa tingin ko ikinagulat niya.
"Ano?!" Lumabas 'yung demonyong boses niya kaya napatayo ang buhok ko sa katawan. Sumulyap ako sa kanya. Umuusok ang kanyang katawan.
"Sorry. Ano? You want another month?" Normal na ang lahat. "Kulang pa ba 'yung isang taon? Tanga ka ba?"
Hindi ako nagsalita at tumingin sa langit.
"Naaawa na ako sayo. Lagi kang mag isa pero gusto mo pa ng isang buwan?!" Seryoso niyang tanong.
Oo, gusto ko silang makausap pero hindi ko sinabing... Hindi ko sinabing gusto kong makaalis sa sumpang ito. Sa isang taong kasama ko ang sumpang ito, madami akong natutunan, madami akong nalaman, at mayroon akong natuklasan.
Natuklasan ko 'yun kasama ang sumpang binigay niya sa akin kaya aayusin ko 'yun kasama ang sumpang ibibigay ulit sa akin. Kung papayag siya.
"I can't do that. I won't let any human suffer for more than a year. " Galit niyang sinabi. I stood up and faced him. Suffer?
"But I'm not suffering. I like the feeling—I love the feeling—of having that curse. And..." I paused. "You said before that you will give me a gift after the curse is finished. Now, this is the gift that I want... To be cursed for another month."
Ngumisi siya. "Hmmm. Pero sinabi ko bang ikaw ang pipili ng regalong ibibigay ko sayo?" Umayos siya ng upo at itinaas ang dalawang kilay.
"Please."
"No!"
Lumuhod ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. "Please..." Halos pabulong kong sinabi. He frowned. Confused.
"Hay. Tumayo ka diyan! 'Di kita maintindihan pero dahil mapilit ka, pagbibigyan kita." Tumayo ako. "Sa isang kondisyon... Pagkatapos ng isang buwan na ibibigay ko sayo, bawal ka na mag request ng iba pa. Wala nang ad-ons." Tumango ako. Papayag din pala.
Tumayo siya at kumamot ng ulo. Naglakad siya papunta sa harap ng pinto. Huminga siya ng malalim bago ito binuksan. Bumaba siya sa hagdan at naglakad patungo sa mga puno. Bumaba na din ako at sinundan siya.
Huminto kami sa lugar kung saan walang puno. Tanging mga damo lang at konting bulaklak ang makikita.
Humarap siya sa akin at tumango. Alam mo na gagawin mo. Lumuhod ako at pumikit.
"Ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot dahil sa isang mortal." Ika niya. Buntong hininga.
At ngayon lang ako nakaramdam ng saya sa isang demonyo.
Naramdaman ko ang presensya na galing sa kanyang katawan. Rinig ko ang pagaspas ng kanyang pakpak. Ramdam ko din ang malalakas na ihip ng hangin.
"In the name of the darkness," Sigaw niya kasabay ng malakas na kulog. "You will be cursed for one more month! Illusionicvus Igto Quarat! "
I've felt the heaviness in my shoulder—like what I've felt before. Well, this is my decision. And I have one mission.
Magbabayad ka, Harpo.

YOU ARE READING
Not Me
FantezieEvery year, a Devil curses one person due to his/her attitudes, specially, when that person is good. In the province of Isabela, lives Madarikazio Dezruc, a helpful, good, and kind young man. He is helpful to anyone who needs help. One day, the Dev...