Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 13

0 0 0
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Three days passed and many events happened.

Kazio and Lisa are still friends. 'Di ko alam kay Kazio kung kailan siya manliligaw pero mas close na sila ngayon.

Mas gusto ni Lisa maglakad papunta sa school kaya maaga siyang umaalis ng bahay. Nang malaman 'yun ni Kazio, maaga na rin siyang nagpre-prepare. Nauunahan niya minsang gumising ang mama niya kaya siya na ang nagluluto ng agahan para sa kanila. Tuwing five o'clock ng umaga, nag-aabang na si Kazio sa harap ng bahay nila Lisa. Matyaga.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Lisa nang abangan siya ni Kazio sa unang pagkakataon. "Nalaman ko kasing mag-isa ka lang naglalakad tuwing umaga, kaya naisip kong samahan ka. Baka mapahamak ka sa daan." Sagot ni Kazio.

Naging everyday routine na 'yun ni Kazio. Gigising, luto, ligo, prepare, susunduhin si Lisa.

Joshua excells in school lately. Bumabawi siya sa mga scores niyang bagsak. Gaya nung quiz nila kay sir Justin noon ('Yung time na natulala si Kazio ng ilang minuto dahil kay Liza) 49 ang score ni Kazio samantalang siya 26. Pero mas masaklap si Wilbert, 2.

One time may na perfect na quiz si Joshua surpassing Kazio's score, 48. Lahat ng quiz pasado at matataas ang scores niya.

His balut business is getting better, may lumapit sa kanyang reseller ng balut at kinuha siyang supplier. Hindi na niya kailangang magtinda gabi-gabi kaya mas nakakapag-focus na siya sa studies.

Nakaposas parin si Chery pero pinapakain naman siya ni Putanginang Chery. "Hoy Putanginang Chery, ba't naglagay ka ng dugyutin dito? Muntik pa akong madisvirgin."

"Kala ko ba pangarap mong ma-disvirgin?"

"Tanga, kung si Joshua or Kazio, payag ako. Pero 'pag 'yan? 'Yang kadiring motherfucker na 'yan? Mas pipiliin ko pang maging virgin Mary."

Pagkatapos ng madaming diskusyon, tinanggal din ni Putanginang Chery ang lalaki sa selda—sa mundo, rather. Naging abo ito at nilamon ng sahig.

"Pwedeng pati itong posas ko tanggalin mo sa mundo? Please." Hiling ni Chery habang naka ngiti.

"No."

"Putanginang Chery ka talaga."

Speaking of Putanginang Chery, hindi parin nila alam na peke ang Chery na kasama nila sa nakalipas na tatlong araw, except Mark.

MARK'S P.O.V

She is not her anymore. 'Di na s'ya laging nag cha-chat sa GC. Hindi na rin siya masyadong talkative. Parang pinaghalong ako at Joshua ang ugali niya, tahimik at gustong mapag-isa. Kapag nag jojoke siya, corny na. I know corny siya minsan pero hindi palagi.

Pero, naiintindihan ko, namatay 'yung mama niya at masaklap 'yung dahilan. At this moment, mag-isa lang siya sa bahay nila.

Or...

Maybe that's her curse.

Ginawa akong pipi ng demonyo, kasi pinaglalaban ko ang mga tao gamit ang salita. Ginawa niyang insecure sa sarili si Joshua, kasi pinagtatanggol niya ang mga tao. Finally, ginawang niyang malungkot si Chery, kasi pinapasaya niya ang mga tao.

Maybe she's really cursed!

The problem is, noong tinanong nila Kazio kung mabigat ba ang pakiramdam niya, ang sagot niya ay hindi. Maybe I'm wrong. Maybe she's just stressed and needs comfort. Pero bakit pumunta doon 'yung demonyo ng walang dahilan? Para lang patayin siya gamit ang uncommon spaghetti? Para lang patayin ang mama niya? Para lang saktan siya ng kutsilyo? 'Yun lang? Walang sumpa?

Not MeWhere stories live. Discover now