Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 3

9 0 0
                                    

He entered the classroom late
Maybe that's his fate
As usual, everyone will hate
And teacher gave them a quiz to take

MADARIKAZIO'S P. O. V

Ngayon pala ang pa-long-quiz ni sir Justin, buti nalang nakapag review ako kagabi. Binigyan niya kami ng tag-iisang quiz paper at nang makarating siya sa upuan ko, masamang tingin ang ipinakita niya sa akin. Hay, dahil pa rin ba kahapon?  "I'll give you 30 minutes to answer that." Wika niya sabay upo sa harap.

I started writing my name at the top of the quiz paper and started answering. I can answer math easily but I hate math. I prefer writing essays than solving problems. Specially, when it seems that those problems are unsolvable.

Madali lang naman ang mga tanong, kaya ko nga 'tong sagutan ng oral. Sa pagsosolve ng percentile rank, kung meron ka nang given at formula, madali na 'yun sagutan. Jutes.

Ilang sigundo pa ay nakaramdam kong medyo tuyo na ang lalamunan ko. Tumalikod ako para kunin ang tumbler na nasa loob ng bag ko. Humarap na ako sa aking papel at binasa ang question number 7, aktong iinom na sana ako nang makita ko si Lisa sa harap. Binaba ko nang bahagya ang tumbler para makita siya. Tinatanong niya si sir kung ano ang gagawin sa number 4. Kumpletuhin mo lang 'yang table, babe.

She is really one of the most beautiful girl in the world. Malamang crush din siya ng ibang boys dito sa section namin. Sana kung may moment man sa buhay niya na mamimili siya sa amin, ako sana ang kanyang isusulat. No erasures.

Pinagmasdan ko siya habang kinakausap si sir. 'Yung pisngi niyang malaman, mga mapupungay na mata, buhok na mahaba at makinang, maputing balat, at ang maayos na kurba ng katawan. Isa talagang anghel si Lisa. Nabalitaan ko magaling daw siyang kumanta ngunit hindi ko pa naririnig. Sana kumanta siya sa harap ko balang araw. Ano kaya ang mangyayari sa akin noh? Mahihimatay kaya ako? Mahihimatay siguro sa kilig? Hays, ang lalim nanaman ng pinapantasya ko. Baka hindi rin siguro mag kakatotoo.

"Last 5 minutes." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng aming guro. Fish, Unicorn, Cat, Kangaroo! 25 minutes akong tulala?! Humarap agad ako sa aking papel. 7 pa lang ang nasagutan ko out of 50 items, awit. Binilisan ko nalang ang pagbabasa sa bawat tanong, buti nalang at identification kaya madali lang sagutan.

"2 minutes more."

'Percentile, true, true, false, true... ' Halos 'di ko na maintindihan ang sulat ko dahil sa rush. "10 seconds." Ina-announce paba iyan?! Nakakatense pag may counting eh.

Number 48, Ungrounded data. Number 49, interval, number.....

"Finished or not finish pass your papers forward." Lahat kami nag tinginan kay sir. "Diko pa tapos, sir." Wika ng isa kong kaklase. Same.

"Bingi ba kayo? I said finished or not finish, pass your papers forward. One... " Galit na wika ni sir. Agad kaming nag sitayo upang ipasa ang mga quizzes namin.  Kung 'di mo naipasa hanggang sa bilang na tatlo, punit ang papel mo. Sayang at 'di ko nasagutan 'yung number 50.

"Class dismissed. Goodbye." Wika ni sir nang maipasa na ng lahat ang kanikanilang quiz paper. Tumayo naman kaming lahat para magpaalam. Nang makalabas na si sir, biglang may bumato sa akin ng papel. Pinulot ko naman ito.

Galing ito sa direksyon ni Chery kaya tinignan ko siya. 'Buksan mo.' Hulma ng kanyang bibig kaya binuksan ko naman ang naka tuping papel at binasa.

Not MeWhere stories live. Discover now