Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 10

2 1 0
                                    

The dead convo has been risen
Kazio and Lisa messaged each other again
Will their relationship become deeper?
Or will die again later

MADARIKAZIO'S P.O.V

"Si Babet?!" Nandidiring tanong ni Chery. "'Yung malandi at mabahong chakabels na 'yon 'yung ka group mo?"

"Siya nalang walang ka group eh." Sagot ko naman sabay kain sa turon. "Bakit hindi si Lisa? Ang pagkakaalam ko wala siyang nahanap na kagrupo noon eh." Humigop si Joshua sa juice niya.

"Hindi 'yun big deal. Hayaan niyo na. Kahit sino naman gusto kong ka group eh." Saad ko habang naka ngiti. Chery cleared her throat. "Alam mo, kung ako ka group ng babaeng 'yan, pepektusan ko ng pepektusan. Kahit wala siyang ginagawa naiinis ako." Bigat naman ng anger issue ng babaeng ito.

THIRD PERSON'S P.O.V

"Makinig class." Panimula ni Ma'am Jessie. "Hindi basta-basta iilaw 'yang bumbilyang 'yan kung walang source of energy, right?" Tumango ang mga estudyante. Kinuha ng guro ang malaking fur carpet na nasa mesa. Cheetah ang pattern nito.

"Paheram nga anak ng ginawa mo." Hiling ng guro kay Kazio. "Now, to light up this bulb, you need to sit here harapan," Umupo ang guro sa carpet. "hahawakan ng isang kamay niyo 'yung wire, and you must rub your feet to the carpet. Can anyone tell why?" Nilibot ng guro ang tingin niya.

"Static energy." Sabay na sagot ni Kazio at Lisa. Nagtinginan sila at tumawa ng mahina. Kilig nanaman Kazio?

"Very good! May nakaalala sa diniscuss ko noong Huwebes. Okay, going back to the activity, you need to rub your feet to the carpet for a few seconds. 30 seconds above is enough." The teacher demonstrated how to rub the carpet using her feet. Para siyang naglalakad pero mabilis. "Dapat wala kayong sapatos or sandals ha. Okay lang kung may medyas."

"After that, the static energy will form. Now, your unused hands will touch each other" Nag tilian ang mga malalandi. "Let me demonstrate."

"'Di pa ba 'yun demonstration, ma'am?" Bulong ni Chery. "Halika Chery, tulungan mo akong mag present." Nakangiting aya ng guro. "Shocks, narinig niya kaya 'yun?" Bulong ulit nito.

Pumunta si Chery sa harapan at ginawa nila ang inexplain ni ma'am kanina. Ang iba naman ay tumayo at nagpaharap din para makita ang mabgyayari.

After Chery and ma'am Jessie rub their feet, dahdahang nilang pinagdikit ang kanilang kamay.

The bulb glowed.

"Wow!" Wika ng lahat. "Ngayon, kayo naman." Nakangiting wika ng guro at tumayo. Binuksan niya ang record book at binasa ang mga magkapartner. "Una sa listahan ay si Mark at Chery. Mga anak, pumunta na kayo sa harapan. The rest, umupo at makinig ha." They all agreed.

Umupo ng magkaharap sina Mark at Chery bitbit ang ginawa nilang project. "You may start." Ika ng guro. Hinawakan ang wire, tinanggal ang sapatos, kiniskis ang paa, nag hawak kamay, umilaw. "Congratulations." Bati ng guro.

"Next, Joshua and Bell."

"Ughhh! I'm so excited for this moment to happen. Noong biyernes ko pa to hinihintay." Ika ni Bell sa kanyang pinaka pabebeng boses at may patalon-talon pa. Kuhang kuha niya ang inis ni Joshua.

"Putang ina, ang landi talaga." Bulong ni Chery. "Kilig na kilig kay Josh eh akin lang 'yan. Eme."

Umupo ang dalawa sa harap. Nakangiting tumitingin si Bell kay Joshua habang kinikiskis ang paa sa carpet. May pakagat-kagat pa sa labi. Hay, kailan to titino?

Unti-unting naghawak kamay ang dalawa. Kinain ng pandidiri si Joshua, habang kabaliktaran naman si Bell. Pumikit ito na animoy sarap na sarap.

"Kadiri." Bulong ni Chery.

Not MeWhere stories live. Discover now