Author's note : favor ? support niyo po sana ang story na ito :)) pasensya na po kung hindi siya masyadong maganda alam ko naman po iyon . pero try ko po gawin ang lahat para mabigyan kayo ng magagandang update :) maraming salamat po !
*********
- Dylan's POV -
Ngayon, sigurado na kami na matutuloy dahil kasama na namin si Jacob.
Hindi ko alam kung paano siya napapayag nila Keith
Pero ayos na din iyon , hindi ko na lang aalamin kung paano.
" Dali na ! " sigaw ni Darylle mula sa labas.
" Hindi ka naman excited na pumunta sa C.U ? " sabi sa kanya ni Jacob.
" Tss " ako
Hindi ko alam pero , parang ayoko makasama si Jacob sa pagpunta doon.
Alam ko naman na siya ang gusto ni Princess pero --
Err ! ARGH ! Ayoko na nga isipin ( -_- )
" Hoy ! Ano pa ba ang gusto mong gawin diyan Dylan ? " sigaw sa akin ni Keith.
" Huh ? " sagot ko sa kanya.
Nagulat ako na nakita ko silang lahat nasakay na sa sasakyan na gagamitin namin.
So ? Ako na lang pala ang hindi nakakasakay.
Tss .
**
- Jacob 's POV -
Alam ko na parang ang bilis na pumayag ako na sumama sa kanila
Pero may magagawa pa ba ako ?
Wala naman na kaya naman sumama na lang ako
Kaysa naman ako lang mag-isa ang maiiwan doon
" Tss. " narinig ko na sabi ni Dylan
" Malapit na tayo " sabi naman ni Darylle.
Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa kanya ngayon.
Parang may hindi siya sinasabi sa aming lahat.
Pero ano naman kaya iyon ?
Ayoko naman siyang tanungin dahil hindi naman na kami ganoon kalapit.
Lalo na noong makita ko sila ni Helena na magkasama.
Hindi ko maintindihan.
Bigla na lang akong nasaktan?
Dahil ba mahal ko na siya , at nakita ko na lang na may kasama siyang iba?
Ganoon ba iyon ?
" Ang lalim ng iniisip mo King ? " nabalik ako sa katinuan ng narinig ko ang tanong na iyon.
Si Keith.
BINABASA MO ANG
Chix University = Charming Princess ( Fin. )
RomanceCompleted. ( Part One and Part Two )