Oh ? Nandito na naman ako. Ngayon na po ang pinaka huling chapter ng Chix University kaya sana po hanggang sa huli sinubaybayan niyo ang story na ito pasensya na kung naging mabilis ang mga pangyayari sa story na ito pero ginawa ko naman po ang lahat para magustuhan niyo to. :)
Maraming salamat sa lahat ng nagbasa nito. Hanggang sa huli sinuportahan niyo ang Charming Princess sana po magustuhan niyo din po ang iba ko pa mga gawa na stories kahit hindi siya perpekto.
Ang haba na ng message ko sa inyo Haha. Osiya game na po para update.
**********
Dylan's POV
Masaya kaming lahat ngayon dahil gising na si Rhianna. Akala ko hindi na siya magigising dahil halos dalawang araw na siyang hindi nagkakaroon ng malay. Nag-aalala na ako ng mga oras na iyon. Pero ngayon okay na siya.
Pero bakit ganito naman ang naging problema ? Huwag mo sabihin na ako lang talaga ang hindi niya natatandaan sa lahat ng tao na nandito. Hindi naman siguro siya nawalan ng alaala diba.
Hindi naman siguro siya nagkaroon ng amnesia . In fact sabi ng doktor wala naman na problema pagnagising siya okay na daw ang lahat pero ngayon. Ano ba ang dapat kong sabihin at isagot sa sinabi niya ?
" Hahaha. seriously Princess ? " tanong muli sa kanya.
" Ate Alexa. Sino ba siya ? Bago lang ba siya dito sa grupo niyo ? " tanong naman ni Rhianna sa ate niya.
Napatingin naman ako kay Alexandria. Parang nagtatanong siya sa akin kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa kapatid niya. Alam ko na nahihirapan na siya dahil halata naman na ito.
" Rhianna ? Totoo ba na wala ka talaga kilala na Dylan ? " tanong naman ni Alexandria sa kanya.
" Oo nga naman Princess " dagdag ni M.
Bigla naman siyang natahimik sa mga sinasabi sa kanya. Bakit ganito ? Bakit ganito ang nangyayari sa amin ngayon. Ligtas nga siya kaya lang hindi naman na niya ako kilala.
" Princess , ako ito si Dylan. Hindi mo na ba talaga ako kilala ? Ako ang Prince mo forever. Kahit ano pa ang mangyari hindi ako titigil hanggang makaalala mo ulit ako. " sincere kong sabi sa kanya.
" Teka ? Naguguluhan ako sa sinasabi niyo. " sabi ni Rhianna.
Nagbabago na ang reaksyon namin lahat. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya na hindi niya ako natatandaan. Ano na ba ang dapat kong gawin para matandaan niya lang ako parang hindi ko ata ang nangyayari ngayon.
" Princess naman . Huwag ka naman ganyan " malapit na talaga akong umiyak I swear.
" Pfffffttttt. Hahahaha. ! Hahahaha. ! "
Seryoso na ang lahat ng bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na tawa. Hindi ko alam kung sino iyong tumatawa dahil nakayuko ako at nahihiya kay Rhianna. Ayoko makita niya akong umiiyak ngayon sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Chix University = Charming Princess ( Fin. )
RomanceCompleted. ( Part One and Part Two )