[ 019 ] Part II - friendship moment -

2.8K 43 0
                                    

Author's NOTE : This is it ! Pansit ! Hahaha ! Tapos na ang Final Exam kaya naman may saya ako na mag-update :)) Sana maging masaya nga ako hanggang next week at sana hindi ako umiiyak next week hihihi ! :)) 

Ingat kayo ! 

*****

" Ate ? " Sabi ni Queen habang magkayakap kami. 

" A-ano , wala lang iyon , diba ate ang turing ko sayo matagal na ? " palusot ko sa kanya.

" A-ah ganoon ba ? H-hahaha , Oo nga pala salamat Helena " sabi niya sa akin. 

Hindi ko alam pero napangiti ako sa narinig kong iyon . Bakit ganito ? Ang sarap sa pakiramdam na ang akala mo noon ay kaaway mo ay kapatid mo pala ? 

" Princess -- " tawag sa akin ni Beatriz.

Tinignan ko lang naman siya. Parang sinasabi niya sa akin na kailangan na namin umalis. Wala naman na ako magagawa dahil kailangan naman na talaga namin umalis. Tinignan ko na muli si Ate ko. 

" Queen , kailangan na namin umalis . Ingat ka huh ? " sabi ko sa kanya.

" Okay . Hmn ! thank you kanina " sabi niya sa akin. 

" Sige b-bye " sabi ko sa kanya. 

Umalis na kami ngayon sa mini-park nakita ko naman si Queen na nakangiti sa akin . masaya na ako sa ganito kahit hindi na niya malaman na ako ang kapatid niya okay na sa akin. 

" Princess may sasabihin sana kami sa iyon " sabi sa akin ni Mary. 

" Hmn , sige ano ba iyon ? " sagot ko naman sa kanya. 

" Sana hindi ka magalit sa amin " sabi naman ni Beatriz. 

" Huh ? Bakit naman ako magagalit sa inyo ? " tanong ko sa kanya.

" Kasi naglihim kami sa iyo " sabi naman ni Mary. 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng dalawang ito ? May nilihim daw sila sa akin ? Ano naman kaya iyon . Pero sa totoo lang parang iba nga sila ng mga nakaraan na araw parang wala sila lagi sa sarili nila. 

Kaya naman may nagawa akong paraan para naman malaman ko kung ano ang mga pinoproblema nila at nalaman ko naman iyon . 

Pero sa totoo lang kahit naman nalaman ko na yung tungkol doon hindi naman ako magagalit o nagalit sa kanila kasi halata naman sa kanilang dalawa iyon. 

**

Nandito kami ngayon sa RoofTop ang dakilang tambayan namin na tatlo. Ito lang talaga ang masasabi ko na lugar na sobrang peaceful. Walang buwisit na makikita. 

" Princess -- " sabi ni Beatriz

" A-ano kasi hindi namin alam kung paano sasabihin dahil baka magalit ka sa amin " dagdag naman ni Mary. 

Chix University = Charming Princess ( Fin. )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon