Chapter 12

60 4 0
                                    

Mayamaya ay napatawag na ng Timeout si Coach Sazaki dahil hindi na maganda ang nakikita niyang laro ng kanyang Team.

"Timeout, Toyama Tigers!" Wika ng referee sabay senyas nito. Sa pagkakataong iyon ay nagtungo na ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa kani-kanilang Bench Area upang magpahinga.

Sa Bench Ng Toyama Tigers.....

"Team, makinig kayo sa sasabihin ko... Bantayan nyo nang mabuti ang mga Shooter ng Kanagawa Rising Sun! Hayaan nyo na si Togashi, Rukswa, at Sakuragi dahil wala namang silbi iyong mga iyon! Ang idouble Team nyo lang palagi ay sina Hachomura at Sawakita dahil sila ang kumakamada sa kanilang Team! At tambakan natin sila ng 50 Points!" Wika ni Coach Sazaki sa kanyang.mga manlalaro.

"Yes Coach!" Tugon naman ng mga ito kay Coach Sazaki. Ang hindi alam ni Coach Sazaki ay narinig ni Mira ang pangmamaliit nito kina Rukawa, Togashi, at Sakuragi sapagkat malakas ang pandanig nito kahit malayo sa kanya ang mga taong nag-uusap o nagsasalita.

Sa Bench Ng Kanagawa Rising Sun.....

"Guys, minamaliit kayo ng Coach ng Toyama Tigers! Wala daw kayong silbi at ang dapat lang daw bantayan ay sina Sawakita at Hachimura." Wika ni Mira kina Togashi, Rukawa, at Sakuragi. Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Mira maliban kina Hana at Rica samantang galit at inis naman ang naramdaman nina Tilogashi, Rukawa, at Sakuragi. Iyon ang magiging dahilan para pumutok ang tatlo sa laro. Sa pagkakataong iyon ay hindi na sumagot ang tatlo dahil sa inis na kanilang nararamdaman. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay tumunog na ang Buzzer, hudyat na tapos na ang Timeout. At nagtungo na nga ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa loob ng Court upang ipagpapatuloy ang laro.

At sa pagpapatuloy ng laro ay mapupunta nga sa panig ng Toyama Tigers ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Kaito ang bola ay iginagala nito ang kanyang paningin.

"Hoy Kaito bugok!! Tukmingin ka sa likuran mo!!!" Sigaw ni Sakuragi kay Kaito. Nagulat naman si Kaito sa sinabi ni Sakuragi. At paglingon ni Kaito sa kanyang likuran ay naroon si Togashi at nakahanda na ang mga kamay nito para palpalin ang bola sa kanyang mga kamay. Sapagkakataong iyon ay sinubukang iiwas ni Kaito ang bola sa mga kamay jni Togashi ngunit huli na ang lahat sapagkat nasa harapan na ni Kaito si Sawakita at hindi niya iyon napansin.

"Tumingin ka sa harapan mo gunggong!!!!" Wika ni Sawakita kay Kaito sabay tapik nito ng bola sa mga kamay ni Kaito. At ang bolang natipik ni Sawakita ay tumilapon patungo kay Rukawa.

"Papaanong...." Gulat na gulat na wika ni Kaito sa kanyang sarili. Pagkakuha nga ni Rukawa sa bola ay umataki kaagad ito sa ilalim ng Basket sabay tira nito ng Slam Dunk. Hindi na siya nagawang pigilan ni Kudo dahil hinarangan na ito ni Henyo. Dahil sa Slam Dunk na iyon ni Rukawa ay dagdag puntos nanaman para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 11 - 2. 5 minutes and 33 seconds nalang ang nalalabing oraa sa 1st Quarter.

"Huwag ninyo kaming maliitin dahil hinfi ninyo pa namin inilalabas ang tunay naming galing sa laro dahil kapag ipinakita namin kaagad sa inyllo iyon ay siguradong durog kayo at ang team ninyo!!!" Maangas na wika ni Sakuragi sa mga manlalaro ng Toyama Tigers. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ng matinding kaba ang mga manlalaro ng Toyama University dahil nakita nila ang nag-aapoy na mata ni Sakuragi na para bagang iyon ang hudyat na handa na itong pumutok sa mga natitirang minuto ng 1st Quarter. At ang kaba na kanilang nararamdaman ay himdi normal na kaba sapagkat ang kabang iyon ay mapagpapahiwatig ng kawalang pag-asa at kawalan ng kumpyansa sa sarili.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung nagsasalita ka ng tapos hangal na Coach ng Toyama Tigers! Humanda ka dahil ipapakita namin sa iyo ang bangis ng Kanagawa Rising Sun! Dudurugin nanin ang team na pinamumunuan mo hunghang at ungas na Coach ng Toyama Tigers!!!!!" Maangas na wika naman ni Sakuragi kay Coach Sazaki. Sa pagkakataong iyon ay nag-aalab na rin ang mga mata nina, Togashi at Rukawa, at handa na rin ang mga ito na pumutok sa lato.

"Humanda ka Coach Sazaki. Pagsisisihan mo ang ginawa mong paggalit sa tatlong  Devil Ace Player ng Kanagawa Rising Sun! Hindi ka dapat nagsasalita nang tapos dahil alam kong hindi mo pa sila kilala! At alam kong baguhan ka palang sa pagkocoach kaya mo nasabi ang mga salitang iyon!" Pabulong ngunit napapangising wika naman ni Mira habang nakatingin ito kay Coach Sazaki.

Samantala.....

Sa Japan International Airport naman ay dumating ang isang lalaki na galing sa America. Siya si Kenjiro Toberama, 18 yeras old, 1st Year College, at ang Position nito ay Power Forward/Small Forward/Center. At mag-aaral na din ito sa Kanagawa University. Mayamaya ay napatimgin si Toberama sa TV, at nakita nito ang nagaganap na laban sa pagitan ng Toyama Tigers at ng Kanagawa Rising Sun.

"Sakuragi, Rukawa, Sawakita, sa wakas ay magkikita-kita ulit tayo! At First time ko na makakasama kayo sa isang team!" Wika ni Toberama pagkatapos ay nagtungo sa ito sa kanilang tahanam kasama ang kanyang pamilya na sumalubong sa kanyang pag-uwi sa Japan. Si Toberama at ang buong pamilya nito ay bagong lipat lang sa Kanagawa at kapit-bahay iyo kina Sawakita. Zen, Iroshi, at Dave Ishida. Wala namang kaalam-alam ang lahat sa pagdating ni Toberama.....

TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon