Chapter 7

64 4 0
                                    

Sa pagsisimula ng 4th Quarter ay isang mainit na opensa at dipensa ang ipinamalas ng magkabilang kopunan. At sa pagkakataong iyon ay palitan lang ng score ang nagaganap. At dahil sa mainit na laban ng mqgkabilang kopunan ay nagawa pang maibaba ng Shiga Emperors sa 7 points ang kalamangan ng Kangawa Rising Sun sa score na 97 - 90 kaya naman kinabahan na ang buong team ng Kanagawa Rising Sun maliban kina Sakuragi, Mira Rica, at Hana. Under 5 minutes ng laro nang maitabla ng Shiga Emperors ang score sa 105 kaya naman lalong naghiyawan ang mga manonood dahil sa ganda ng laban.

"Iba talaga kapag wala si Sakuraginm sa loob! Nagkakaroon ng kumpyansa ang kalaban na umataki sa ilalim!" Wika ni Mitsui habang pinanonood nito ang nagaganap na  laban.

"Coach, magtatime out na po ba tayo?" Tanong ni Rica kay Coach Osaka.

"Hindi pa Rica dahil tingnan mo ang mga manlalaro ng Shiga Emperors, malalalim na ang paghinga ng mga ito dahil sa pagod na kanilang nararamdaman..." Seryosong tugon naman ni Coach Osaka kay Rica. Napatingin naman si Rica sa mga manlalaro ng kabilang kopunan at nakita nito na pagod na pagod na ang mga ito at hindi na makatakbo nang maayos. Sinamantala naman ng mga manlalaro ng Kanagawa Rising Sun ang pagkakataon para muling makalamang. At sa natitirang 3 minutes ng laro ay nag-init sa opensa si Harikawa kaya naman muling lumaki ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun sa score na 121 - 110. At bago matapos ang laro ay naagaw pa ni Dave ang bola sa kalaban sabay pasa nito kay Fujima. Pagkasalo nga ni Fujima sa bols ay mabilis itong tumakho patungo sa kanilang court sabay tira nito ng Slam Dunk. At sa pagtunog ng buzzer ay tuluyan nang nagdiwang ang Team ng Kanagawa Rising Sun sa kanilang pagkapanalo. At natapos ang laro sa score na 127 - 114.

"Hu! Kinabahan ako doon ah! Akala ko ay matatalo ang Kanagawa Rising Sun?!" Wika ni Mito habang nakatingin sa mga manlalaro ng Kanagawa Rising Sun.  Mayamaya ay napatingin si Zen sa kinauupuan ni Yurika. At sa pagkakataong iyon ay nabighani si Zen sa kagandahan ng dalaga. Parang nahipnotismo naman si Yurika sa mga tingin sa kanya ni Zen.

"Teka, bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking nakatingin sa akin ngayon?? Bakit parang nababaling na sng atensuon ko aa lalaking ito imbes na kay Sakuragi??!!" Wika ni Yurika sa kanyang isipan habang hindi na niya maiwasang makipagtitigan nang malagkit kay Zen.

"Sakuragi, hindi ko hahsyaang magkahiwalay kayo ni Haruko kaya ipaubayo mo na sa akin si Yurika!" Wika ni Sen kay Sakuragi habang nakatinginbpa rin kay Yurika. Ikinagulat naman ng lahat ang sinabi ni Zen maliban kina Dave at Mira.

"Right timing ka Zen. Sige, ipagpatuloy mo lang ang pinaplano mo. At kung kailangan mo ang tulong ko ay huwag kang mahihiyang magsabi sa akin!" Wika naman ni Mira kay Zen.

"Maraming salamat po sa suporta Mis Mira!" Tugon naman ni Zen kay Mira. Napatango naman si Mira sa sinabi ni Zen.

"Mis Yurika, hindi ko hahayaang sirain mo ang pagmamahalan nina Sakuragi at Haruko kaya uunahan na kita sa plano mo!... Sisiguraduhin ko na bago matapos ang school year na ito ay magiging akin ka! At sisiguraduhin ko na magiging matino kang babae at magbabago ang tingin mo sa aming mga lalaki!" Wika ni Zen sa kanyang usipan habang nakatingin pa rin kay Yurika.

"Zen, kung anuman ang binabalak mo ay mag-iingat ka dahil hindi mo kilala ang babaeng iyan!" Wika ni Sakuragi kay Zen. Napangisi naman si Zen sa sinabi ni Sskuragi.

"Siya ang mag-iingat sa akin dahil hindi niya ako kilala! Kaya kong patinuin ang isang tao lalo na ang isang babae dahil noong nasa Pilipinas ako ay iyan ang trabaho ko, ang kaibiganin at patinuin ang mga taong nakakasalamuha ko lalong-lalo na ang mga babaeng nakakasalamuha ko." Tugon naman ni Zen kay Sakuragi. Narinig naman ni Yurika ang sinabi ni Zen kaya naman nakaramdam na ito ng kaba. Ngunit sa loib-loob niya ay unti-unti na siyang nahubulog kay Zen.

"Kung ako sa iyo ay magtino ka na Yurika at tigilan mo na ang pagiging Playgirl mo!" Wika naman ng kaibigan ni Yurika na nagngangalang Inna Jane Zatto, ang bagong minamahal ni Harikawa. Napaisip naman si Yurika sa sinabi ng kanyang kaibigan. Mayamaya ay sinenyasan ni Harkawa si Inna Jane na lumapit sa kanya.

"O paano Yurika? Maiwan na muna kita dito dahil tinatawag ako ng baby Harikawa ko!" Kinikilig na wika ni Inna Jane kay Yurika habang naglalakad ito papalayo sa dalaga. Lalo tuloy napaisip si Yurika dahil batid nito na matinong babae si Inna Jane kaya nanaman nagustuhan kaagad ito ni Harikawa.

"Ano kaya ang feeling ng sineseryoso ka ng isang lalaki? Siguro, masmasaya kapag gano'n?" Tanong ni Yurika sa kanyang sarili.

"Ito na siguro ang tamang panahon para magpakatino at magseryoso sa Love Life ko!" Nakangiting wika ni Yurika sa kanyang sarili.

"Tama ka diyan sa sinabi mo Mis. At saka hindi mo naman kailangang mang-agaw ng lalaki para maging masaya ka!" Tugon naman ng isang tinig na nagmumula sa kanyang kanan. At paglingon nga ni Yurika sa kanyang kanan ay nakita niya si Zen na Walang kurap na nakatingin sa kanya.

"Walang hiya! Kaya pala biglang nawala si Insan sa tabi ko dahil pinuntahan talaga. niya si Yurika!" Napapangising wika ni Dave nang makita nito si Zen na kausap si Yurika.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan gunggong!!" Masungit na wika ni Yurika kay Zen.

"Eh kung ayaw kong gawin iyon?" Pang-aasar pa ni Zen kay Yurika pagkatapos ay inilapit pa nito ang kanyang mukha sa dalaga.

Ah gano'n ha??.. Eh kung ipabugbog kaya kita sa mga lalaking nasa likuran mo?!!" Tugon naman ni Yurika kay Zen sabay turo nito sa mga lalaking nakasuot ng kulay itim na damit. Ang hindi alam ni Yurika ay kilala ni Zen ng mga lalaking kanyang itinuro dahil lingid sa kaalaman ng lahat ay dating miyembro ng isang Gang si Zen. At si Zen ang leader ng Gang na iyon. At ang mga lalaking itinuro ni Yurika ay kasapi sa Gang na binuo ni Zen noong High School pa siya at nakatira pa ang pamilya nila sa Hiroshima.....

TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon