Chapter 18

63 4 0
                                    

Nice Dunk Sendoh!" Sigaw ni Sakuragi kay Sendoh. Napatingin naman si Sendoh kay Sakuragi pagkatapos ay tumakbo kaagad ito patungo kay Zawate at dinipensahan niya ito nang napakahigpit. Mayamaya ay sinimulan na ni Adams ang kanilang opensa, at dahan-dahan nitong idinidribble ang bola palabas ng Kanagawa Court. Hindi pa man nakakalampas si Adams sa gitna ng Court ay hinaharass na siya ni Hachimura kaya naman matinding pressure na ang nararamdamna nito. Nang makalampas na si Adams sa Middle Court ay dalawa kaagad ang sumalubong sa kanya, at iyon ay sina Zen at Sendoh. Tumulong na rin si Hachimura sa dipensa kaya naman napaatras si Adams pabalik sa pagitan ng Middle Court. Napapito naman ang Referee pagkatapos ay nagwika ito ng;

"Back Court Violation! Kanagawa Ball!" At dahil sa pangyayaring iyon ay binitawan na ni Adams ang bola pagkatapos ay naglakad na ito pabalik sa Court ng Kanqgawa Rising Sun. Sa pagkakataong iyon ay hawak na ni Zen ang bola at pumuwesto na ito sa sideline. Pagpito ng referee ay pinasa kaagad ni Zen ang bola kay Sakuragi. Pagkasalo ni Sakuragi sa bola ay inataki nito ang dipensa ni Naito sabay tira nito ng Step Back 3 Point. Hindi naman nakasabay si Naito sa pagtalon kaya naman malayang naitira ni Sakuragi ang bola, at pumasok ito sa ring kaya naman puntos muli para sa kopunan ng Kanagswa Rising Sun. Ang score ay 66 - 40. 7 minutes and 36 seconds nalang ang nalalabing oras sa 3rd Quarter.

"Walama ito! Hindi na makakabawi ang Toyama Tigers dito!.. Nilamon na kase sila ng matinding pressure kaya hindi na sila makapgfocus sa laro!" Wika ni Coach Takato habang pinanonood ang nagaganap na laban. At sa pagpapatuloy ng laro ay tuluyan nsng tinambakan ng Kanqgawa Rising Sun ang kopunan ng Toyama Tigers. Nawala na rin ang angas ng mga manlalaro ng Toyama Tigers dahil tuluyan ns silang binaon sa limot ng kanagawa Rising Sun. At natapos ang 3rd Quarter sa score na 81 - 54.

Pagpasok ng 4th Quarter ay nagkaroon ng bahagyang pag-asa ang kopunan ng Toyama Tigers sapagkat naibaba nila sa 9 points ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun sa score na 89- 80. 6 minutes and 30 seconds ng 4th Quarter nang maibaba pa ng Toyama Tigers sa 3 points ang kalamangan  ng Kanagawa Rising Sun sa score na 98 - 95. Hanggang sa naging mainit ang laban at nagmimontis na abg mga Shot Attempt ng magkanilang kopuman. 3 minutes and 45 seconds ng laro nang maipasok ni Kudo ang kanyang 3 Point Shot kaya naman tabla na sa 98 ang score. Doon ay naghiyawan ang mga tao dahil sa ganda ng laban. Sa pqgpapatuloy ng laro ay dito na nag-init si Sakuragi sapagkat kahit anong gawin ng mga manlalaro ng kabilang kopunan ay hindi na nila ito mapigilan. Hanggang sa nag-init na rin sina Hachimura,  Zen, Sendoh, at Kiyota sa laro. At bago tumunog ang buzzer ay naipasok pa ni Sakuragi ang kanyang Between The Leg Slam Dunk kaya naman nagtapos ang laro sa score na 115 - 105.

Nang matapos na ang laro ay nagsitungo na ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa gitna ng Court pagkatapos ay nagpasalamat sila sa isa't-isa dahil sa magandang laban. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagkamayan na ang lahat ng mga manlalaro pagkatapos ay nagtungo na ang mga ito sa kani-kanilang Locker Room upang magbihis at magpahinga.

Sa Locker Room Ng Kanagawa Rising Sun.....

Habang naghibihis ang lahat ay nagtatawanan at nagkakasiyahan ang mga ito dahil sa ika-anim na pagkakstaon ay naipanalo nila ang laro samantalang si Sakuragi naman ay napaupo nalang sa upuan dahil sa sobrang pagod gayon din sina Zen, Hachimura, Kiyota, at Sendoh.

"Hu!! Grabe! Akala ko, matatalo tayo sa laro! Pero mabuti nalang at nag-imit ulit kayo sa laban!" Napapangising wika ni Togashi habang nakasandal ito sa pader.

"Hindi puwedeng matalo ang team dahil kapsg natalo tayo ay mawawalan ng saysay ang mga pinaghirapan natin noong una..." Saad naman ni Zen kay Togashi. Napatango naman ang lahat sa sinabi ni Zen habang si Sskuragi naman ay nakatulog na dahil sa sobrang pagod, at di iyon napansin ng kanyang mga kakampi.

"Isang laro nalang at pasok na tayo sa Semifinal Round!" Wika naman ni Hachimura habang pinupunasan mito ng panyo ang kanyang mukha.

"Pero tingman nyo yung gunggong! Tulig na tulog na!" Napapangising saad naman ni Rukawa nang mapansin nito na nakahiga na sa.sahig si Sakuragi at mahimbing ang tulog. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na si Mira kay Sakuragi at pimasan ito. Namangha naman ang lahat sa kanilang nakita dahil walang kahirap-hirap na pinasan ni Mira si Henyo. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na sa labas ng Gymnasium ang lahat.

"Team, gusto ba ninyong magdinner muna?" Tanong ni Coach Osaka sa kanyang mga manlalaro.

"Ahmmm... Coach, hindi na po siguro ako makakasama sa inyo. Dadalawin ko po kase si Dave sa Clinic!" Tugon naman ni Zen kay Coach Osaka.

"Ah, gano'n ba? Sige, walang problema sa akin iyon! Dadalaw din kami sa Clinic mamaya pagkatapos naming magdinner!.." Saad naman ni Coach Osaka.

"Sige po Coach, ingat po kayong lahat!" Wika naman ni Zen kina Coach Osaka at sa kanyang mga kakampi Pagkatapos ay naglakad na ito papalayo sa kanila.

Zen!" Tawag ni Yurika sa binata habang nakasakay ito sa kotse. Napahinto naman si Zen sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa pangalan niya.

"Sumabay ka na kaya sa amin ni Inna Jsne dahil doon din naman ang punta namin sa Clinic!" Muling wika ni Yurika kay Zen. Napsiling naman si Zen dahil nahihiya siya sa dalaga ngunit dahil sa mapilit si Yurika ay walanang nagawa si Zen kundi ang sumakay nalang sa kotse.

"Mukhang nakahanap na ng mamahalin si Zen mga pre?" Wika ni Kiyota sa kanyang mga kasama.

"Eh ikaw kaya Kiyota? Kailan ka kaya makakahanap ng babaeng mamahalin mo?" Pabirong tanong naman ni Sawakita kay Kiyota.

"Mayroon na! Yung kapatid ni Dave!" Sabat naman ni Rukswa sa usapan.

"Huwag mo ngang mabsnggit-banggit sa akin iyang babseng iyan!!!" Inis namang tugon ni Kiyota kay Rukawa.  Nagtawanan naman ang lahat sa kanilang narinig.....




TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon