Habang nagpapahinga ang mga manlalaro ng Kanagawa Rising Sun sa kanilang Bench ay bigla namang napaisip si Sakuragi. Iniisip nito ang kanyang mga gagawin pagkatapos ng College Basketball atvpagkatapos ng unang taon niya sa Kanagawa University..
"Dalawang bagay ang pinag-iisipan kong gawin pagkatapos ng Tournament na ito.. Iyon ay ang bumalik sa America at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa College. At ang pangalawa naman ay dito sa Kanagawa University ipagpatuloy ang aking pag-aaral..." Wika ni Sakuragi sa kanyang isipan habang nakatingin ito sa gitna ng Court. Napansin naman ni Haruko na malalim ang iniisup ng kanyang nobyo kaya naman inakbayan niya ito at kinausap.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah Sakuragi My Love? May problema ba o may bumabagabag ba sa isipan mo?" Tanong ni Haruko kay Sakuragi.
"Wala naman Haruko My Love. Iniisip ko lang ang mga gagawin ko pagkstapos ng Tournament na ito at pagkatapos na rin ng unang taon ko dito sa Kanagawa University." Tugon naman ni Sakuragi kaybHaruko.
"Mukhang alam ko na ang nasa isip mo Sakuragi? Iniisip mo kung sa America ba o dito ba sa Kanagawa University mo ipagpapatuloy ang pangalawang taon mo sa College..." Muling wika ni Haruko kay Sakuragi. Nagulat naman si Sakuragi sa sinabi ni Haruko dahil tama ang hinala nito.
"Tama ka sa sinabi mo Haruko My Love. Pero pinag-iisipan ko pa nang mabuti ang mga hakbang na gagawin ko para hindi ako magsisi sa huli." Saad naman ni Sakuragi kay Haruko.
"Tama ka Sakuragi.. Pag-isipan mo muna ang dapat mong gawin. At kung anuman ang magiging desisyon mo ay susuportahan kita Sakuragi My Love!" Tugon naman ni Haruko kay Sakuragi.
"Maraming sa pang-unawa at sa suporta mo sa akin Haruko.My Love!" Muling wika ni Sakuragi kay Haruko. Napangiti naman ang dalaga,sa sinabi ni Sakuragi pagkatapos ay hinalikan ni Haruko.si Sakuragi sa noo nito. Habang sa Bench naman ng Toyama Tigers ay mababakas na sa mga manlalaro ng nasabing kopunan ang kawalang pag-asa at panghihina ng loob.
"Sendoh, Kiyota, kayo na ang bahala sa 3rd at 4th Quarter. Ipapahinga ko na sina Sawakita at Rukawa. Hachimura, papalitan mo si Togashi para makapagpahinfmga na rin siya." Wika ni Coach Sazaki kina Sendoh, Kiyota, at Hachimura.
"Zen, Sakuragi, ibigay nyo na kung ano ang nararapat sa Toyama Tigers.... Tapusin nyo na ang labang ito!" Wika naman ni Coach Sazaki kina Zen at Sakuragi. Mayamaya ay isa-isang naglahad ng kanilang mga kamay ang mga manlalaro bg Kanagawa Rising Sun pagkatapos ay nagwika si Coach Sazaki ng;
"Para sa tagumpay ng Kanagawa Rising Sun!!!"
"Fight!!!!" Masiglang tugon naman ng mga manlalaro ng Kanagswa Rising Sun. Mayamaya ay tumunog na ang Buzzer, hudyat na magsisimula na ang 3rd Quarter kaya naman nagtungo na ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan sa Court upang ipagpatuloy ang laro. Sa pagsisimula ng 3rd Quarter ay mapupunta nga sa panig ng Toyama Tigers ang Ball Possession, at dahan-dahang idinidribble ni Adams ang bola patungo sa kanilang Court. Sa pagkakstaong iyon ay nahihirapan si Adams na itawid ang bola sapagkat napakahigpit ng dipensang ipinamamalas ni Hachimura sa kanya.
"Dito Adams!!! Ipasa mo sa akin ang bola!!!" Sigaw ni Yamada kay Adams. Mabilis namang ipinasa ni Adams ang bola patungo kay Yamada. Pagkasalo ni Yamada sa bola ay nagdribble kaagad ito patungo sa lood ng Shaded Area sabay pukol nito ng Jump Shot ngunit naabot ng kaliwang hintuturo ni Zen ang bola kaya naman nawala sa ayos ang tira ni Yamada. At ang bola ay tumalbog lang sa ring. Sa pagkakataong iyon ay binax-out kaagad ni Zen si Naito. Sinubukang kumawala ni Naito mula sa pagkabox-out sa kanya ni Zen ngunit hindi niya magswa. Dahil walang big man o Center na kamatch-up si Sakuragi ay tuluyang nakuha ni Henyo ang Rebound pagkstapos ay ipinasa nito ang bola kay Hachimura. Pagkasalo ni Hachimura sa bola ay dinipensahan kaagad siya ni Adams. Ngunit mabilis na nalusutan ni Hachimura ang dipensa ni Adams. At nang malapit na ito sa Basket ay isang Windmill Slam Dunk ang ginawa nito kaya naman puntos para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 61 - 40. 8 minutes and 45 seconds nalang ang nalalabing oras sa 3rd Quarter.
"Nice one Jay-Ar!" Nakangiting wika ni Luis Hachimura habang pinapanood ang kanyang kapatid. Napangiti naman si Jay-Ar sa sinabi ni Luis pagkatapos ay tumingin ito sa kinauupuan nina Luis at Diana.
Okay Team, dipensa na!!!" Sigaw ni Hachimura sa kanyang mga kakampi sabay takbo nito sa kinaroroonan ni Adams. Nasa panig na nga ng Toyama Tigers ang Ball Possession, at mabilis na idinidribble ni Adams ang bola. Pagkarating ni Adams sa kanilang Court ay bigla itong pumukol ng tres at hindi iyon inaasahan ni Hachimura kaya naman hindi nito nasupalpal sng tira ni Adams.
"Run And Gun pala ah!! Pipigilan ko iyan!!!!!!" Sigaw ni Sakuragi sabay talon nito ng napakataas at sinupalpal ang bola sa ere. At ang bola ay saktong napunta sa mga kamay ni Kiyota na sa pagkakataong iyon sy mag-isang nakatayo sa gitna ng Court.
"Nice Stop pre!" Wika ni Kiyota kay Sakuragi sabay hagis nito ng bola patungo sa ring. At paglingon ng lahst sa ilalim ng Basket ay nakita nilang naroon na si Sendoh sabay talon nito at dinukot ang bola sa ere pagkatapos ay isang Power Dunk ang pinakawalan nito kaya naman dagdag puntos muli para sa Kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 63 - 40. 8 minutes and 20 seconds nalang ang nalalabing oras sa 3rd Quarter.....
TO BE CONTINUE......
BINABASA MO ANG
Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2
FanfictionIto angi kalawang Yugto ng College Basketball kung saan iagpapatuloy natin ang kuwento ng College Matches..... Ang mga,Original na Character ng Slam Dunk Ajime at Manga na mababanggit sa story na ito ay pagmamay-ari misko ng Creator at Writer ng Sla...