Sa Clinic Kung Saan nakaconfine sina Dave At Ang Iba Pang Players Ng Kanagawa Rising Sun.....
Nang makarating na sina Coach Osaka sa Clinic ay agad silang bumaba sa kanilang mga sinasakyan at nagtungo sa loob ng Clinic. Doon ay naratnan nina Sakuragi na mahimbing na natutulog ang siyam nilang kakampi.
"Mama, tiya Rina, kumusta na po sila?" Nag-aalalang tanong ni Sakuragi kina Hana at Rina nang makita nito ang kanyang mga kakampi. Mayamaya ay napatingin si Sakuragi kay Haruko, at napansin nito na namumutla ang kanyang nobya.
"Ayos ka lang ba Haruko My Love?" Nag-aslalang tanong ni Sakuragi. Hindi sumagot ang dalaga sa halip ay napayakap ito mula sa likuran ni Sakuragi dahil sa panghihina. Sa pagkakataong iyon ay ramdam ni Sakuragi ang init ng katawan ni Haruko sapagkat inaapoy na ito ng lqgnat. Nang mga oras ding iyon ay nagkagulo ang mga Doctor at Nurse sa Clinic sapagkat hindi lang mga player ng kanagawa Rising Sun ang naroon. Patuloy rin ang pgdating ng mga estufyanteng may lagnat kaya naman ngdesisyon na silang ilipat ang mga ito sa Ospital.
"Yurika, Inna Jane, masmakakabuti kung umuwi na muna kayo sa inyo. Baka kase kapag nagtagal pa kayo rito ay mahawa na rin kayo sa mga may lagnat." Wika ni Zen kina Inna Jane at Yurika. Ngunit pagkatapos magsalita ni Zen ay bigla itong nanghina at babagsak na sana sa sahig dahil inaapoy na rin ito ng lagnat, ngunit mabilis itong nasalo ni Aiya.
"Sige na Inna Jane, Yurika, umuwi na muna kayo dahil baka hanapin pa kayo ng mga magulang ninyo! Huwag kayong mag-alala dahil iaupdate namin kaagad kayo sa kalagayan nina Harikawa at Zen." Wika naman ni Aiya kina Yurika at Inna Jane. Nag-aalala man ngunit sinunod pa rin nina Yurika at Inna Jane ang sinabi ni Aiya. At bago aila umalis ay tingnan muna nila ang mga player at estudyanteng may lagnat na isa-isabg isinasakay ng mga Doctor at Nurse sa ambulansiya.
"Naku! Naloko na! Nabawasan pa tayo ng isa pang manlalaro!" Kinkabahang wika ni Coach Osaka. At nang mga sandaling iyon ay Nangagsiuwi na sina Sakuragi at ang iba pang mga player sa kani-kanilang tahanan gayon din sina Mira at Rica. At maaga silang natulog sapagkat Inakala ng ibang mga player na may laro sila kinahukasan.
Kinabukasan nga ay maagng nakatanggap ng Email ang lahat ng mga player na ititigil muna ang College Basketball (Men's Tournament) sapagkst ang iba sa mga manlalaro ng iba pang mga team ay nagkaroon din ng matas na lagnat. At matitigil iyon ng limang araw. Nakalagay din sa Email na kahit pansamantalang ititigil ang laro ay ipagpapatuloy pa rin ang College Basketball (Women's Tournament). Ngunit kahit wala silang game sa arsw na iyon ay nagtungo pa rin sina Sendoh, Sawakita, Sakuragi, Rukawa, Kiyota, Togashi, at Hachimura sa Basketball Gym ng Kanagawa University pagkatapos nilang magklse.
Habang nagpapraftice ng Shooting ang pito ay dumating ang kaibigan ni Haruko na sina Matsui at Fuji at kinausap nito si Sakuragi..
"Sakuragi, totoo ba ang balita na nasa ospital ngayon si Haruko?" Tanong ni Matsui kay Sakuragi.
"Oo Matsui, hindi nga namin akalain na pati siya ay dadapuan ng sakit na iyon samantalang ang sigla pa niya kahapon ng umga!" Malungkot na tugon naman ni Sakuragi kay Matsui.
"Kung gusto nyilong madalaw si Haruko My Love ay sumabay nalang kayo sa amin ni ate Mira pars makatipid kayo sa pamasahe." Dagdag pa ni Sakuragi sa kanyang sinabi.
"Teka lang lang Sakuragi? Ang ibig-sabihin ay palagi mong nakakasama si Mis Mira?" Tanong ni Fuji kay Sakuragi. Tumango naman si Sakuragi bilang pagsang-ayon sa tanong ni Fuji.
Ano ba naman iyan Sakuragi? May Girlfriend ka na nga tapos may isa ka pang Girlfriend?! Hindi ka pa yata kuntento sa pagmamahal na iniuukol sa iyo ni Haruko?!!" Naiinis na wika ni Matsui kay Sakuragi. Tumawa naman nang malakas si Sakuragi sa kanyang narinig. Mayamaya ay dumating si Mira at narinig nito ang sinabi ni Matsui.
"Mali ang iniisip ninyo Mis Matsui at Mis Fuji dahil kahit kailan ay hindi puwedeng maging kami ni Hanamichi." Sabat naman ni Mira sa usapan. Ilang sandali.pa ang lumipas ay dumating si Tonirama at nakita hito si Mira.
"Long time no see Coach Mira Sakuragi!" Wika naman ni Tobirama kay Mira.
"Kumusta Mr. Kenjiro Tobirama? Kumusta ang 3 years mo sa America? Mukha yatang lumakas ka pa ngayon ah?!" Tugon naman ni Mira kay Tobirama.
"Tobirama, magkakilala kayo mi ate Mira?!!" Gulat na gulat na tajong ni Sakuragi kay Tobirama.
"Oo Sakuragi. Siya kase ang naging Coach namin nooon sa Team USA noong FIBA America Under 17 Tournament!" Tugon naman ni Tonirama kay Sakuragi.
"Ibang klase ka talaga ate Mira! Hindi lko akalain na kahit sa International ay aabot din ang pagkocoach mo!" Manghang wika naman ni Sakuragi kay Mira sabay yakap nito mula sa likuran ng kanyang ate. Sa halip na mgalit ay isinandal pa ni Mira ang kanyang likod sa dibdib ni Sakuragi.
"Ang ibig-sabihin ay magkapatid kayo ni Mis Mira!!?" Mnaguguluhang tanong nina Matsui at Fuji kay Sakuragi. Napatango nalang si Henyo bilang tugon. At dahil sa sobrang hiya ay humingi ng tawad sina Matsui at Fuji kina Mira at Hanamichi. Pinatawad naman sila ng dalawa.
Sa loob ng limang araw ay nagpagaling sina Zen, Kenzo, Harikawa, Jin, Dave, Maki, Fujima, Fukuda, Sasaoca, at Hanagata samantalang si Haruko naman ay mabilis na nakarecover at inabot lang siya ng tatlong araw sa ospital. Ang natitirang dalawang arsw ay sinamantala ni Haruko upang makapagpahinga at magpalakas nang lubusan. Sa loob din ng limang araw ay naganap na ang mga natitirang laban ng Kanagawa Rising Star. At sa ika - limang araw ng laro ay naipanalo ng Kanagawa Rising Star ang kanilang ika - pito at huling laro. At dahil Single Round Rubbing lang ang ginamit na Format sa Tournament ay sila na ang itinanghal na Champion. Itinanghal rin si Rica bilang Best Point Guard at Most Valuable Player Of the Year. Best Shooting Guard naman si Inami. Best Power Forward si Erica Shido. Best Small Forward si Diana Hachimura, Beat Center naman si Inazen Harimoto. Nakasama naman sa Mythical 5 sina Mila Sasaoca, Aiya Ishida, at Zahara Iroshi.
"Sayang , wala si Dave dito! Hindi tuloy niya nakita ang Championship game ko dito sa Japan!" Panghihinayang na wika ni Aiya sa kanyang isipan habang nakatingin sa audience. At nang araw ding iyon ay inanusyo na ni Mr. Shido na ang laban sa pagitan ng Kanagawa Rising Sun at ng Hiroshima Lions ay iyon na ang mgiging huling laro ng College Basketball (Men's Tournament) para sa season na iyon na ito sapagakat napagpasiya nina Mr. Shido at ng buong Stuff ng College Basketball na Single Round Rubbing nalang ang gamiting Format sa Tournament. At ang huling laban na iyon ay malapit nang maganap.....
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2
FanfictionIto angi kalawang Yugto ng College Basketball kung saan iagpapatuloy natin ang kuwento ng College Matches..... Ang mga,Original na Character ng Slam Dunk Ajime at Manga na mababanggit sa story na ito ay pagmamay-ari misko ng Creator at Writer ng Sla...