Chapter 9

64 4 0
                                    

Sa Tahanan Nina Yurika.....

Nang makarqting na si Yurika sa kanilang tahanan ay nakita nito na inaayos ng kanyang mga magulang ang kanilang mga gakit sa tahanan. At pagkalipas ng isang kijuto ay nagtungo na ito sa kanyang silid pagkatapos ay nagbihis na ito. Matapos magbihis ay nahiga ito sa kama. At habang siya'y nakahiga ay naalala niya ang mga nangyari sa Gymnasium pati na ang mga,
sinabi sa kanya ni Zen. At ang kaninang inis na kanyang nararamdaman ay napalitan na ng unti-unting paghanga kay Zen.

"Parang ayaw ko nang ituloy ang balak kong agawin si Sakuragi kay Haruko? Panahon na siguro para magpakatino at magseryoso sa Love Life ko?" Wika ni Yurika sa kanyang sarili habang nakahiga ito sa kanyang kama.

"Bukas na pala ang unang arsw ko sa Kanagawa University bilang isang Transfer Student. At magsisimula ako ng bagong pagkatao. Babaguhin ko na ang ugali ko at aalisin ko na rin ang pagiging playgirl ko!" Dugtong pa ni Yurika sa kanyang sinabi. Sib Yurika ay dating estudyante sa Shohoku High School mngunit pagtungtong niya ng 2nd year ay lumipat na siya at ang kanyang buong pamilya sa Tokyo at doon na ipinagpatuloy ni Yurika ang kanyang pag-aaral hanggang sa makagraduate siya ng High School. At ngayong nasa wastong edad na si Yurika ay napagdesisyonan na nito pati na ng mga magulang at mga kaptid niya na bumalik ng Kanagawa. At dito na rin nais ipagpatuloy ni Yurika ang kanyang pag-aaral sa College.

Sa Tahanan nina Mr. Dan.....

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay nag-uusap naman sina Sakuragi at Zen.

"Zen, hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa iyo kanina! Hindi ako makapaniwala na leader ka pala ng Gang!" Panimulang wika ni Sakuragi kay Zen. Napabuntong-hininga naman si Zen sabay wika nito ng;

"Mahirap talagang paniwalaan pero iyan ang totoo."

"Pero paano kayo nangagkakilala ng mga lalaking kqusap mo kanina?" Tanong ni Sakuragi kay Zen. Sa pagkakataong iyon ay ikinuwento ni Zen ang unang araw na nakilala nila ni Dave sina  Raizen, Kazuno, Ken, at Azaru.

Flashback.....

Nang mga panahong ito ay 15 years old na si Zen at 13 years old naman si Dave. Ito ang unang arsw ni Zen bilang isang 2nd Year High School sa Hiroshima High samantalang 1st Year High School naman noon si Dave. At nang mga panahon ding ito ay naninirahan sa Hiroshima sina Rica at ang kanyang dalawang kapatid na sina Kenshin at Renshin kasama si Mrs. Rina. At si Rica ay nasa eadad 15 palang noon at 2nd Year High School din ito tulad ni Zen.

"Insan, diba, 2nd Year High school ka na?" Tanong ni Dave kay Zen.

"Oo insan! Bakit mo naman natang iyan?" Tugon naman ni Zen kay Dave. Magsasalita pa san  si Dave nang palibutan sila ng sampung lalaki na kaaway ni Zen.

"Aba! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Hindi ba't sinabi namin sa iyo na huwag kang maglalakad nang hindi mo kasama ang mga kaibigan dahil sa oras na makita ka naming walang gaanong kasama ay dudurugin ka namin??!!!" Maangas na wika ng isa sa sampung lalaki. Nagtawanan naman ang mga kasama jito sa kanyang sinabi.

"Edi durugin nyo! Kung kaya nyo!!" Tugon naman ni Zen sa lalaking nagsalita. Sa pagkakataong iyon ay sabay na sinugod ng sampung lalaki si Zen at pinagtukungang bugbugin ngunit hindi manlang sila makatama kay Zen. Mayamaya ay si Dave naman ang pinuntirya ng maaangas na lalaki ngunit hindi manlang sila makatama kay Dave.

"Ang bagal nyo namang kumilos mga mokong!!!" Pang-aasar ni Dave sabay suntok nito sa leader ng mga maaangas na lalaki. Mayamaya ay dumating sina Raizen, Kazuno, Ken, at Azaru at tinulungan nila sina Zen at Dave na ilampaso ang mga maaangas na kalalakihan. At dahil sa lakas ng anim ay napatakbo nalang sa sobrang takot ang mga maaangas na lalaki.

"Hay! Sa wakas! Natapos din!" Wika ng anim nang makita nilang walana ang mga maaangas na lalaki. Mayamaya ay nag-usap ang anim at doon ay nakilala nina Zen at Dave sina Raizen, Kazuno, Ken, at Azaru.

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon