Pagkalipas ng ilang sandali ay nauna nang magtungo sina Hana at Mrs. Rina sa Clinic sapagkat tutulong sila sa pag-aasikaso sa mga player na may lagnat samantalng sina Coach Osaka at ang mga kasama nito ay nagtungo na sa restaurant nima Uzumi. Pagkalipas ng dalawamputlimang mijuto ay nakarating na ang lahat sa restaurant na pagmamay-ari nina Uzmi at tumigil ang kanilang mga sinasakyan sa paligid ng restaurant.
"Hoy Sakuragi, gumising ka na diyan! Masma ang natutulog nang gutom!.." Wika ni Mir kay Sakuragi. Sumagot namn si Sakuragi ngunit hindi ito gumalaw sa kanyang kinauupuan.
"Ate, kayo nalang po muna ang kumain dahil inaantok na talga ako!" Mahinang tugon naman ni Sakuragi kay Mira.
"Sakuragi, huwag matigas ang ulo dahil masama ang natutulog nang gutom!! At kung hindi ka sasama sa amin ay kakaladkarin kita papunta sa loob ng restaurant!!" Masungit namang saad ni Mira kay Sakuragi. Dahil.sa sinabi ni Mira ay natakot si Sakuragi kung kaya't nagising na ito at pagkatapos ay sabay-sabay na silang nagtungo sa loob ng restaurant sina Uzumi. Sa pagkakstaong iyon ay nilapitan kaagad ni Uzumi sina Sendoh nang makaupo na ang mga ito.
Kumusta na Captain Uzumi?" Tanong ni Sendoh kay Uzumi.
"Heto masyadong busy dito sa restaurant! Ang tanging pahinga ko nalang ay ang panonood ng mga laban minyo!" Masayang tugon naman ni Uzumi kay Sendoh. Napangiti naman si Sendoh sa sinabi ni Uzumi.
"Mr. Uzumi, puwede po bang orderin ko na lahat ng mga potahe nyo rito lalong-lalo na yung Best Seller ng restaurant nyo?" Magiliw na tanong ni Mira kay Uzumi. Nagulat namsn si Uzumi sa sinabi ni Mira..
"Si - - - - - Sigurado ka Mis?!.." Nagugulat ngunit namamanghang tanong naman ni Uzumi kay Mira.. Hindi umimik si Mira sa halip ay dumukot ito ng sobre sa kayang bulsa at iniabot iyon kay Uzumi. Nagulat naman si Uzumi nang silipin niya ang laman ng sobre.
"Iyan ang bayad namin!" Nakangiting saad ni Mira kay Uzumi. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na tinawag ni Uzumi ang kanyang mga Waiter at inutusan niya ang mga ito na kunin ang kanilang mga potahe at iserve iyon kina Mira at sa mga kasama nito.
"Naku! Nakakahiya naman Mis Mira! Dapat ay hindi mo na sinagot ang order namin!" Nahihiyang wika naman ni Coach Osaka kay Mira. Napatango namanamn ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanilang Coach.
"Naku! Wala pong problema sa akin iyon Coach! Natutuwa lang ako sa inyo kase laging ibinigay ng mga Player ng Team Kanagawa Rising Sun ang kanilang best para maipsnalo ang laro!" Nakangiting tugon naman ni Mira kay Coach Osaka. Napangiti naman ang lahat sa kanilang narinig. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na ang kanilang inorder kaya naman nangagsikain na ang mga ito. At habang kumakain ang lahst ay pinag-uusapan nila ang team na susunod nilang makakalaban.
"Mukhang kailangan nating paghandaan ang Hiroshima Lions dahil balita ko ay may malalakas rin na player sa team na iyon!" Wika ni Sawakita habang kumakain ito.
"Gano'n din ang balita ko. At ang Point Guard ng Team na iyon ay dati nyong kakampi sa Shohoku Basketball Team, at iyon ay si Yasoharu Yasuda." Sabat naman ni Sendoh sa usapan sabay tingin jito kina Sakuragi at Rukawa.
"At ang Center naman ng Hiroshima Lions ay si Tatsumasa Oda at ang Shooting Guard naman nila ay si Michael Okita." Dugtong naman ni Rica aa sinabi ni Sendoh.
"Huh!!. Basic na basic lang iyang Oda na iyan sa akin dahil.nilampaso ko na iyan noon at lalampasuhin ko ulit siya ngayon!" Wika naman ni Sakuragi sabay tawa nito nang malakas.
"Hay naku! Umiral nanaman ang pagiging mahangin mo gunggong!!" Mahinang saad naman ni Rukawa. Narinig naman iyon ni Sakuragi ngunit himdi niya iyon pinansin sa hakup ay ay nagpatuloy lang ito sa pagtawa.
"Sa palagay ko ay matatagalan pa bago makabalik yung walong kakampi natin sa laro?" Wika naman ni Togashi habang kumakain.
"Parang gano'n na nga.." Tugon naman ni Hachimura kay Togashi. Pagkalipas ng Isang oras ay natapos nang kumain ang lahat. At sa pagkakataong iyon ay sabay-sabay nang nagtungo.ang buong Team ng Kanagawa Rising Sun sa Clinic kung saan nakaconfine ang kanilang mga kakampi na may sakit.
Samantala.....
Nang makapagpahinga na si Tobirama ay nagpasiya itong magtungo sa Kanagawa University upang magpaenrol. At nang makarating na siya sa School ay nagtungo kaagad ito sa Dean's Office.
"Aba! Isa ka rin palang Basketball Player!" Kung gano'n ay madaragdagan nanaman ng isa pang player ang Team ng Kanagawa Rising Sun!" Nakanguting wika ni Mis Mina kay Tobirama habang bimnabasa nito ang Transfer Form ng binata. Mayamaya ay iniabot ni Mis Mina kay Tobirama ang Clearance Paper, katunayan na maari na siyang makapaglaro sa team.
"Mr. Tobirama, maaari ka bang Sumaglit muna sa Kanagawa Gymnasium? Naroon kase ang President ng College Basketball, nanonood ng laban. Paki submit mo iyang Clearance Paper na ibinigay ko sa iyo para makapaglaro ka na sa susunod na game!" Muling wika ni Mis Mina kay Tobirama.
"Sige po Mis Mina! Maramimg salamat po!" Tugon naman ni Tobirama kay Mis Mina.
"Walang anuman! At welcome sa team ng Kanagawa Rising Sun!" Muling wika ni Mis Mina kay Tobirama. Pagkalipas ng tatlong minuto ay nagtungo na si Tobirama sa Kanagawa Gymnasium. At nang marsting ni Tobirama ang Kanagawa Gymnasium ay tinungo kaagad nito si Mr. Shido na sa pagkakataong iyon ay nanonood katabi ang mga,Officials. At doon ay iniabot ni Tobirama kay Kr. Shido ang Clearance Paper.
"Aba! May additional Playr nanaman para sa Team ng Kanagawa!" Wika ni Mr. Shido nang makita at mabasa nito ang Clearance Paper ni Tobirama.
"Okay na Mr. Kenjiro Tobirama! Puwede ka nang maglaro sa Team ng Kanagawa Rising Sun!" Wika ni Mr. Shido kay Tobirama. Natuwa naman si Tobirama sa kanyang narinig. Sa mga sandaling iyon ay kasakukuyang nagaganap ang laban sa pagitan ng team ng Hiroshima Lions at ng Tokyo Brave Warriors.
Aba! Nandito na pala si Tobirama!" Wika ni Mito habang nakaupo sa Glitch.
"Sa tingin ko, dito iyan mag-aaral? Sabat naman ni Okosu sa sinabi Mito.
"Parang gano'n na nga!" Pagsang-ayong tugon naman ni Takamiya sa sinabi ni Okosu.
"So ito pala ang Hiroshima University!... Hmmm!!!... Mahinang nilang!!... Humanda kayo sa amin dahil lalampasuhin namin kayo!!" Wika ni Tobirama habang pinanonod nito ang laban.....
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2
FanficIto angi kalawang Yugto ng College Basketball kung saan iagpapatuloy natin ang kuwento ng College Matches..... Ang mga,Original na Character ng Slam Dunk Ajime at Manga na mababanggit sa story na ito ay pagmamay-ari misko ng Creator at Writer ng Sla...