Chapter 1

213 6 0
                                    

Previously On College Basketball.....

Sa nakaraang pagkakataon ay natapos nga ang unang yugto ng kuwento kung saan si Hanamichi Sakuragi ay tuluyan na ngang nakalabas ng ospital ngunit kailangan pa rin nitong magpagaling ng ilan pang mga araw kung kaya't napagdesisyonan nina Rina at Hana na doon muna pansamqntalang manatili si Sakuragi sa bahay ng kanyang lolo Dan... At ngayon ay sisimulan na natin ang Ikalawang Yugto.....

Continuation.....

Nang makarating na sina Sakuragi sa tahanan ng kanyang lolo Dan ay sinalubong kaagad sila ng mga bodyguard ni Mr. Dan samantalang inalalayan naman nina Hana at Rina si Sakuragi sa pagbaba sa sasakyan. Pagkababa ni Sakuragi sa sasakyan ay namangha ito sa kanyang nakita sapagkat napakaganda at napakalki ng tahanan ng kanyang lolo Dan. At sa harapan ng tahanan ay may Whole Court na Basketball Court. At doon ay nakita niya sina Kenshin, Renshin, at Sawataru na nagbabasketball.

"Hindi ako makapaniwala dahil ang laki ng bahay ni lolo Dan!" Namamanghang wuka ni Sakuragi habang patungo sila sa isang mahabang upuan na malapit sa Basketball Court. Mayamaya ay naalala ni Sakuragi ang kanyang kasintahan na si Haruko na nang mga panahong iyon ay nasa Kanagawa University.

"Kumusta na kaya si Haruko My Love?" Wika ni Sakuragi habang nakaupo.sa upuan katabi sina Rina at Hana.

"Huwag kang mag-alala Hanamichi dahil nasa school lang si Haruko at hindi ka no'n ipagpapalit sa iba!" Tugon naman ni Rina kay Sakuragi.

"Huwag kang mag-alala Hanamichi dahil pupunta si Haruko dito mamayang haon para dalawin ka!" Dugtong naman ni Hana sa sinabi ni Rina. Napangiti naman si Sakuragi sa sinabi ng dalawa. Nang mga sandaling iyon ay nilasap ni Sakuragi ang malamig na simoy ng hangin na damdampi sa kanyang buong katawan samantalang sina Hana at Rina naman ay nagtungo sa kusina upang tulungan ang mga katulong sa paghahanda ng almusal. Mayamaya ay naisipan ni Sakuragi na maglakad-lakad at libutin ang malawak na lupain ng kanyang lolo Dan. Habang naglalakad si Sakuragi ay pinagmamasdan nito ang kapaligiran. At mayamaya ay lumapit sa kanya ang isang tuta na alaga nina Mr. Dan. Napangiti naman si Sakuragi sa tuta pagkatapos ay ipinagpatuloy na nito ang kanyang paglalakad at nakasunod lang sa kanyang likuran ang tuta. Mayamays ay narating na ni Sakuragi ang hangganan ng malawak na lupain ng kanyang lolo Dan kung saan naroon ang isang malinaw at malinis na ilog. At doon ay naupo si Sakuragi sa isang malaking bato habang nakatingala sa mga ulap habang inaalala ang mga nakaraan noong siya ay bata pa.

Flashback.....

Gunggong!!!!!"

"Ampon!!!!!!"

"Putok sa buho!!!!!"

"Walang ina!!!!!!!"

"Anak ng bayaran!!!!!" Pang-iinsultong wika ng mga batang kalaro ni Sakuragi noong siya ay bata pa.

End Of Flashback.....

"Hindi ko sukat akalain na ang gunggong na katulad ko ay nanggaling aa isang marangyang angkan!" Wika ni Sakuragi matapos nitong maalala ang pang-iinsulto sa kanya ng mga batang kalaro niya noong siya ay bata pa. Hanggang sa napalingon nalang si Sakuragi sa kanyang likuran nang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Alam kong naging mahirap ang huhay mo noon Hanamichi dahil wala ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ng kailinga ng isang ina. At lalo pang naging mahirap ang buhay mo noong pumanaw na ang iyong ama. Pero ngayon ay hindi ka na mag-iisa dahil nanditto na ako at nandito na rin ang mga kapatid mo pati na ang tiyahin at mga pinsan mo... Babawi kami sa mga panahong wala kami sa tabi mo. At pupunan ko ang mga pagkukulang ko sa iyo. Pangako iyan Hanamichi. Pangako.iyan....." Wika naman ni Hana habang nakayakap ito sa likuran ni Sakuragi.

"Mama, kuya Sakurag, pinapatawag na po kayo ni lolo Dan dahil nakahanda na po ang almusal!" Wika naman ni Sawataru habang papalapit ito sa dalawa. At nagtungo na nga sina Sakuragi, Hana, at Sawataru sa tahanan ni Mr Dan at sabay-sabay na nag-almusal ang lahat. Matapos mag-almusal ay  muling bumalik si Sakuragi sa labas upang magpahangin samantalang sina Hana at Rina naman ay nagtungo na sa ospital sapagkat umaga ang kanilang duty.

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon