Ilang sandali pa ang lumipas ay muling umingay ang buong Kanagawa Gymnasium dahil sa ginawa ni Sakuragi samantalang takot at kaba naman ang naramdaman ng mga manlalaro ng Toyama Tigers kay Sakuragi.
"Adams bugok, Yamda kulokoy, Zawate gunggong, nasaan na yung sinasabi nilang 20 points daw ang nagagawa nyo kada game? Totoo ba iyon? Hindi naman yata eh? Para kaseng hindi naman totoo yung nasagap kong balita dahil ang tingin ko sa inyo ay mga langaw at mahihinang nilalang!" Pang-iinsultong wuka ni Sakuragi kina Adams, Yamada, at Zawate. Ikinapikon naman ng tatlo ang kanilang narinig.
"Ngayon nyo ipakita sa akin ang angas ninyong tatlo at ipapakita ko namqn sa inyo ang bangis ng isang Unbeatable Basketball Player!" Dugtong pa ni Sakuragi sa kanyang sinabi. Ikinagilat namqn ng lahat ang kanilang narimig maliban kay Mira.
"Ano raw? Unbeatable Basketball Player?"
"Anong ibig-sabihin ng player na may pulang buhok na iyan?" Nagtatakang tanong ng mga manonood sa kanilang aarili habang nakatingin ang mga ito.kay Sakuragi. Mayamaya ay nagpatuloy na sng laro, at dahan-dahang idinidribble ni Adams ang bola palabas ng Kanagawa Court.
"Ano ba naman itong Player na ito? Parsng linta kong makadikit sa akin!!!" Naiinis na wika ni Adams kay Togashi.
"Ano na Adams? Ataki na!" Paghahamon ni Togashi kay Adams. Sinunod naman ni Adams ang sinabi ni Togashi, at bigla itong nagcrossover pakanan. Ngunit sa halip na malusutan ni Adams ang dipensa ni Togashi ay nabitawan nito ang bola kaya naman mabilis na nakuha ni Togashi ang bola sabay pasa nito kay Zen. Pagkasalo nga ni Zen sa bola ay ibinalibag naman nito ang bola kay Sawakita na sa pagkakataong iyon ay nakatayo sa gitna ng Court. Pagkasalo ni Sawakita sa bola ay umataki kagad ito sa Basket sabay tira nito ng Slam Dunk kaya naman puntoa muli para sa kopunan ng Kanagswa Rising Sun. Ang score ay 43 - 28. 4 minutes and 50 seconds nalang ang nalalabing oras sa 2nd Quarter.
"Mukhang walana ito? Hindi na mapipigilan ng Toyama.Tigers ang opensa ng kangawa Rising Sun dahil umti-unti nang nagbabago ang laro ng Kanagawa!" Wika ni Uzumi habang pinanonood ang laban. Nasa panig na nang muli ng Toyama Tigers ang ball possession, at mabilis na idindribble ni Adams ang bola. Pagkarating ni Adams sa kanilabng Court ay pumukol kaagad ito ng tres ngunit mabilis iyong nablock ni Togashi ang kanyang tira. At ang bola ay mabilis na nakuha ni Rukawa sabay dribble nito nang mabilis pabalik sa kanilang Court.
"Team, pigilan ninyo si Rukawa!!! Idouble Team ninyo siya at huwag hahayaang makapuntos!!!" Sigaw ni Coach Sazaki sa kanyang mga manlalaro. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na hinabol nina Adams, Yamada, at Naito si Rukawa. Naabutan naman nila si Rukawa at pinalibutan. Napangisi naman si Rukawa sa ginawa ng tatlo sabay hagis nito ng bola patungo sa ring. Mayamaya ay mabilis na tumakbo si Sakuragi patungo sa kanilang Court, at dinaanan lang nito ang mga bumabantay ksy Rukswa. Nang malapit na si Sakuragi sa ring ay bigla itong tumalon at dinukot ang bola sa ere sabay Slam Dunk nito kaya naman dagdag puntos muli para sa Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 45 - 28. 4 minute and 29 seconds nalang ang nalalabing oras sa 2nd Quarter.
"Mga mahihinang nilalang!!!" Maangas na pang-aasar ni Sakuragi sa mga manlalaro ng Toyama Tigers. At sa pagpapatuloy ng laro ay sinubukang ibaba ng Toyama Tigers ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun. Ngunit sa tuwing makakapuntos ang kabilabg kopunan ay palaging may pansagot naman ang kopunan ng Kanagswa Rising Sun. At nang 20 Seconds nalang ang natitira sa 2nd Quarter ay mabilis na ibinababa ni Naito ang bola patungo sa kanilang Court. At nang malapit na ito sa basket ay bumwelo ito nang talon at buong lakas na idinakdak ang hola sa ring. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasupalpal ni Sakuragi ang hola kaya naman tumilapon ito sa ere hinabol naman ni Zen ang bola at tagumpay naman niya itong nakuha sabay pasa nito kay Sawakita. At nang 3 seconds nalang ang nalalabing oras sa 2nd Quarter ay inihagis nalang ni Sawakita ang bola. Mabilis namqng tumakbo si Sakuragi patungo sa ilalim ng Basket sabay talon nito at dinukot ang bola sa ere pagkatapoa ay buong lakas nitong idinakdak ang bola at sabay pa iyon sa pagtunog ng buzzer. At natapos ang 2nd Quarter sa score na 59 - 40.
"Ayos mga pre!!!" Sigaw ni Kiyota sabay tayo nito sa kanyang kinauupuan. Naiirita naman si Aiya dahil sa sobrang ingay ni Kiyota kaya naman himampas niya ito ng stick sa likuran nito.
"Aray ko naman Mis! Bakit ba namanalo diyan eh hindi naman kita inaano?!" Wika ni Kiyota habang hinihimas nito ang kanyang likuran.
"Tumahimik ka diyan!!! Naiirita ako sa boses mo!!!" Naiinis namang tugon ni Aiya kay Kiyota. Napangisi naman ang lahat sa sinabi ni Aiya samantalang napaupo nalang si Kiyota sa kanyang kinauupuan.
"Sayang Mis. Ang ganda mo sana kaso masungit ka!" Pabulong na wika ni Kiyota habang nakaupo ito sa kanyang kinauupuan. Narinig naman ni Aiya ang sinabi ni Kiyota kaya naman napangiti ito.....
TO BE CONTINUE.....
BINABASA MO ANG
Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2
FanficIto angi kalawang Yugto ng College Basketball kung saan iagpapatuloy natin ang kuwento ng College Matches..... Ang mga,Original na Character ng Slam Dunk Ajime at Manga na mababanggit sa story na ito ay pagmamay-ari misko ng Creator at Writer ng Sla...