Chapter 24

64 7 6
                                    

"Mukhang idinadaan ng Kanagawa Rising Sure sa bilis ang laro?" Wika ni Coach Taoka na sa pagkakataong iyon ay pinanonood ang nagaganap na laban.

"Tama ka sa sinabi mo Taoka. At kapag hindi napigilin ng ng mga manlalaro ng teamKanagawa ay baka iyan pa sng ikatalo nila sa labang ito?" Tugon naman ni Coach Takato kay Coach Taoka. Nasa panig na nga ng Hiroshima Lions ang Ball Possession at mabilis na idinidribble ni Yasuda ang bola.

Pipigilang kita Yasuda!!" Wika ni Fujima habang dinidipensahan niya nang mahigpit si Yasuda.

"Dito Yasuda! Ipasa mo sa akin ang bola!" Wika ni Michael Okita sabay lapit nito kay Yasuda. Agad namang ipinasa ni Yasuda ang bola kay Okita. Pagkakuha nga ni Okita sa bola ay dumiretso kaagad ito sa 3 Point Area sabay pukol nito ng tres at hindi iyoninaasahan ni Jin. At dahil hindi na nagawa pang pigilan ni Jin ang tira ni Okita ay naging maganda ang pasok ng bola sa ring kaya naman puntos para sa kopunan ng Hiroshima Lions. Ang Score ay 4 - 3. 7 minutes and 50 seconds nalang ang lalabing oras sa First Quarter.

Sa pagkakataon ngang iyon ay nabuhayan ng loob ang mga taga-suporta ng Hiroshima Lions.

"Sige Hiroshima!!!! Talunin nyo na ang Kanagawa na iyan!!! Iuwi nyo na ang Championship Trophy!!!" Sigawan nga ng mga taga-suporta ng Hiroshima Lions. Niyabangan naman ni Michael Okita si Jin na siya namang ikinapikon ni Jin.

"Naku! Hindi dapat ginawa ni Michael Okita iyon!" Wika ni  Maki habang nakatingin ito kay Okita.

"Tama ka sa sinabi mo pre!" Si Jin pa naman yung tipo ng Player na nag-iinit kapag napipikon!" Nakangisising tugon naman ni Kiyota kay Maki. Nasa panig na nga ng Kanagawa Rising Sun ang Ball Possession, at marahang idinidribble ni Fujima ang bola patungo sa kanilang Court nang biglang takbo ni Jin patungo sa 3 Point Area. Mabilis namang ibinalibag ni Fujima ang bola patung kay Jim at sakto naman iyonsa mga kamay ni Jin.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Naloko na!" Wika ni Mal habang nakatingin sa seryosong si Jin.

"Pipigilan kita sa balak mo Jin!!!" Sigaw ni Okita sabay takbo nito patungo sa kinaroroonan ni Jin. Ngunit bago pa maabotan ni Okita ang tira ni Jin ay naitira na nito ang bola kaya naman ang mga kamay nalamang ni Jin ang naabutan ni Okita. At dahil magandaang bitaw ni Jin sa bola ay naging maganda rin ang pasok ng bola sa ring sabay pito ng Referee pagkatapos ay sumenyas ito ng Basket Counted at Foul.

"Basket Counted for Soichiro Jin!!!!... Foul on Number 5, Michael Okita, that is First Personal Foul! First Team Foul for Hiroshima Lions!..." Sa pagkakataong iyon ay nagtungo na si Jin sa Free Throw Area para sa Bonus Free Throw.

"Bonus Free Throw for Soichiro Jin!" Wika ng Announcer pagkatapos ay ibinigay na ng Referee ang bola kay Jin. Sa pagkakataong iyon ay itinira na nga ni Jin ang Bonus Free Throw. Pumasok nga ang Bonus Free Throw ni kaya naman dagdag puntos para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 8 - 3.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon