KABANATA 1

1.1K 36 0
                                    

Nagliligpit ako ng mga gamit ko dahil nakapagdesisyon na nga ako na roon muna ako kina lola habang naghahanap ako ng trabaho.

May balak din talaga ako na roon na lamang magtrabaho upang dalawa na kaming magbabantay ng apo ni Lola Analisa kay Lola Ananta. Tatlong magkakapatid sila lola, pero nag-iisa na lamang buhay si lola Ananta.

Si lola Talisa naman ay namatay pagkatapos niyang ipanganak si mama. Si lola Analisa naman ay namatay dahil sa isang sakit. Walang anak si lola Ananta kaya naman si Savira na lamang ang kasama niya sa malaking mansyon na pag-aari ni lola Talisa.

Si Savira ay anak ng anak ni Lola Analisa kaya malayong magpinsan kami.

College student si Savira, kasalukuyan siyang nag-aaral sa malayong siyudad sa aming probinsya. Pinadalhan nila ako ng pamasahe dahil wala namang susundo sa'kin. Syaka alam ko naman ang papunta roon.

Ako ang tipo ng tao na madaling makapagkabisado ng daan, kahit isang beses ko lamang iyon napuntahan. Sabi nga nila, hindi raw ako maliligaw dahil may talento akong ganoon.

Pagkatapos kong mag-impake ng gamit ay syaka ko lamang na-realized na hindi ko pala kayang bitbitin lahat ng gamit ko. Kaya no choice ulit ako, kailangan kong iwan ang ilan kong mga gamit. Tutal may iilan pa akong gamit doon, noong nakaraang taon kasi ay bumisita ako roon at nag-iwan ng iilang gamit ko dahil balak ko pa sanang bumalik pa roon, kasama si Cark.

Nagdala ako ng dalawang bagahe, naglalaman iyon ng mga information about sa'kin, mga pang-alis kong mga damit. Tinawagan ko na rin kanina si Aling Rosas dahil iniwan ko ang bayad sa kaniya. Ipapasuyo ko na rin ang mga naiwan kong gamit.

Kinandado ko na ang pinto ng bahay at nilagay ang susi niyon sa bintana. Naglakad na ako hanggang sa makalabas ako sa eskinita. Nag-tricycle na lamang ako papuntang istasyon ng bus.

Habang nasa biyahe ako papunta sa probinsya namin ay nakakakita ako ng iilang kabahayan na sobra na sa luma. Tiningnan ko ang wrist watch ko at napansin na limang oras na pala akong nasa biyahe.

Kung hindi ako nagkakamali ganito ang hitsura ng mga kabahayan noong panahon pa lamang ng mga espanyol. Bakas pa rin pala ang pananakop ng mga kastila sa siyudad na ito.

Bumagal ang takbo namin dahil may maraming tao ang magkakahanay. Kung hindi ako nagkakamali ay nagpoprosisyon sila. May kani-kanila silang mga dala na mga Santo at Santa.

Buti pa rito uso pa ang prosisyon na ganiyan, sa amin hindi na.

Pagkadaan ng aking sinasakyan na bus sa isang mahabang tunnel ay bumungad sa akin ang pangalan ng aming probinsya.

'lugar del pasado'

Ilang minuto pa ay nakababa na rin ako sa babaan ng bus at sumakay ng tricycle papasok sa aming baryo. Habang nasa biyahe ako ay marami akong nakikitang magagandang tanawin, katulad ng palayan.

Ewan ko ba pero mas nagagandahan ako sa view ng palayan kaysa sa view ng dagat. Medyo weird ba?

Nang makarating na ako sa tapat ng isang malaking gate ng mansyon ay nagpara na agad ako, at nagbayad na sa tricycle driver.

Pinagmasdan ko ang aming mansyon mula sa labas. Ang mansyon na ito ay may halong modern at old design. Sa labas ay modern design dahil purong sementado, at ang gate ay hindi lamang basta-bastang gawa sa metal.

Si lola Talisa ang nagpatayo nito, hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko lamang ay pinatayo niya ito bago niya pa ipanganak si mama. ‘Yun ang sabi sa amin ni lola Ananta.

Lumapit ako sa door bell at nagpindot ng dalawang ulit doon. Agad namang bumukas ang gate, bumungad sa'kin ang pinsan kong si Savira. Noong una ay sobrang sama ng timpla ng mukha niya, pero ng makita ako ay para siyang batang napapalakpak habang tumatalon sa saya.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon