KABANATA 5

598 22 1
                                    

"Kayen, gising na." Naalimpungatan ako dahil sa boses na nanggigising sa'kin.

Agad naman akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at nagkusap-kusap ng mga mata. "Anong oras na ba?" Inis kong tanong dahil nasira na naman ang mahimbing kong tulog.

"Alas-kwatro na ng madaling-araw." Sagot sa'kin ni Azazel.

"Ano?!" Gulat kong tanong. "Alas-kwatro pa lang pala ng madaling-araw pero nanggigising na agad kayo." Iritado ko pang dugtong.

"Alas-kwatro na, Kayen. Iyon naman talaga ang gising namin ni Azazel." Usap sa'kin ni Keres. "Mukhang hindi ka ata sanay na gumising ng umaga."

Hindi naman talaga! Ang gising ko sa umaga ay ala-sais na, kahit noong may trabaho pa ako. Tapos dito gigising lang ako ng alas-kwatro.

"Ang gising ko kasi sa umaga ay ala-singko na. Pasensya na, hindi pa talaga kasi ako sanay, ito rin kasi ang unang beses ko sa trabaho." Mahinahon kong wika.

"Ayos lang 'yan, masasanay ka rin naman." Nakangiting wika ni Azazel. "Bumangon ka na lang diyan at maghilamos ka na. Sumunod ka na lang sa'min ni Keres sa kusina, uumpisahan na namin ang paghihiwa ng lulutuin." Mahabang wika ni Azazel bago sila lumabas ni Keres ng kwarto.

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at nagligpit nang aming kwarto. Pumasok ako sa bathroom ng kwarto namin at naghilamos at nagmumog na. In fairness, maganda ang palikuran nila kahit medyo madilim.

Pagkatapos kong magpalit ng damit na iniwan nila sa lamesita ay lumabas na ako ng kwarto bago hanapin ang kusina. Malaki ang mansyon na ito kaya naman nahirapan akong hanapin ang kusina.

Buti na lamang at lumabas si Keres mula sa isang silid, marahil iyon na ang kusina. "Kayen..." Pagtawag niya sa'kin. Lumapit naman ako sa kaniya. "Mukhang naliligaw ka ata ah, doon ang kusina." Pagturo niya sa isang pinto na malapit sa malaking lamesa na dining table.

"Dito naman ang kuhanan ng mga gamit para sa pagluluto." Pagturo naman niya sa pinto na nilabasan niya. "Halika na sa kusina, tuturuan ka namin magluto. Baka naman pati pagluluto ay hindi ka sanay."

Tumawa naman ako sa kaniya. "Kung hindi mo na itatanong, ako ang tagaluto sa bahay namin." Tawa kong wika. Totoo naman e', dahil mag-isa lang naman ako sa inuupuhan kong bahay sa hinaharap ay kailangan kong matuto ng lahat ng bagay.

"Masarap ka ba magluto?" Tanong niya sa'kin ng makapasok na kami sa kusina.

Naabutan naman namin si Azazel na naghihiwa na ng mga karne at mga pampalasa. "Hindi naman kasarapan." Nahihiya kong sagot.

"Tutulungan ka namin ni Azazel kung paano mas pasarapin ang luto mo, eksperto na kami ni Azazel e'." Pagmamayabang niya.

"O, narinig ko na naman ang maganda kong pangalan." Sabat ni Azazel ng makalapit siya sa'min.

Nilapag naman ni Keres ang mga kasangkapang kinuha niya sa kabilang silid. "Tutulungan pa natin si Kayen patungkol sa pagluluto, ang sabi niya hindi siya kasarapan magluto." Sambit ni Keres.

"Siya muna paglutuin natin ngayon, para malaman natin kung hindi talaga." Wika ni Azazel. Kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya. Mukhang ito ang unang beses na magluluto ako at matitikman ng ibang tao. "Ano-ano ba ang madalas mong lutuin, Kayen?" Tanong niya pa.

"'Yung iilang mga sarsa, pero mas madalas kong lutuin talaga ang pagpiprito at pag-iihaw." Sagot ko.

Kumunot naman ang noo nila dahil sa sagot ko. Wait, may mali ba akong nasabi? "Ano iyong pag-iihaw na sinabi mo?" Kunot-noong tanong ni Keres.

Hindi nila alam 'yon? Hindi pa ba uso iyon ngayon? "Para lang siyang pagpiprito, pero niluluto siya gamit usok lamang at maliit na apoy. Hindi na siya kailangang dumaan sa kalan, basta may kahoy at ihawan makakaluto na tayo." Sagot ko sa kaniya.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon