A/N: Wala po akong binago sa scene, kung anong una ninyong nabasa mula prologo hanggang kabanata 30, iyon po talaga iyon. Walang nagbago. Dadagdagan ko lang po ito since nabitin din ako. (Grabe higit dalawang taon mo bago na-realize 'yan, self.) Bibigyan ko na po ng saysay ang title.
This book is about Xavier and Kayen's past, versus their future or present. Hope you enjoy this book!
"Kayen, please let's talk." Pagmamakaawa sa akin ng ex-boyfriend ko na.
Naiinis ko naman siyang hinarap. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat, agad ko iyong inalis. "Hindi ka ba nakakaintindi ng english ha?!" Malakas kong sigaw sa kaniya. "When I say leave in my whole life, umalis kana. Akala ko ba college graduate ka? Bakit simpleng english hindi mo maintindihan?!"
"It's not like that, Kayen. I want you to hear my reason why I did that thing." Matigas niyang sagot.
Sarkastiko naman akong napatawa. Wala na akong pake kung marinig man ako ng ibang taong nasa loob ng kani-kanilang condo. "Gusto mong pakinggan ko 'yang basura mong dahilan ha?! Hindi pa ba sapat na reason na hindi kita deserve kaya mo pinatos ang ka-batchmate ko?!"
"Kayen, calm down. You're too loud." Sita niya sa'kin.
Anong too loud, too loud, wala akong pake kung sino man demonyo ang nakikinig sa'min.
"Yes, I am too loud." Sarkastiko kong wika. "Syempre, sino bang matinong girlfriend ang kapag nalaman na nag-cheat ang magaling niyang boyfriend ay kakalma lang."
"Magpapaliwanag naman ako." Sambit niya.
"Magpaliwanag ka sa nanay mo!" Sigaw ko sa kaniya. "Tutal, alam naman ng mommy mo ang ginawa mong kagaguhan!"
Naglakad na ako palayo sa kaniyang pwesto. Hanggang sa makalabas ako ng building ng condominium ni Cark ay sakit, galit, at inis ang nararamdaman ko.
Sakit, dahil pinagpalit niya 'yung 8 years naming relasyon sa isang gabing pagsasama lang nila ng ka-batchmate ko. Tama nga ang kutob ko noon na huwag nang pumunta sa reunion namin ng mga kaklase ko nung college. Naahas tuloy ang mokong, nagpaahas din naman siya.
Galit, dahil sa dinami-rami pa talaga ng aagaw sa ex ko, ay 'yung babaeng galit na galit pa sa akin nung college ako. Napainggetera ng babaeng 'yon!
At inis dahil sa mommy ni Cark, sinabi sa'kin ng ahas na ka-batchmate ko na ang mommy ni Cark ang nagsabing ilihim nila sa'kin ang relasyon nila. Inis din sa sarili ko dahil mag-iisang taon na nila akong niloloko pero wala pa rin akong alam.
Umuwi na lang ako sa tinutuluyan kong bahay. Hindi pa man din ako nakakapahinga sa sofa ay may malakas nang katok agad sa pinto. Galit kong pinagbuksan ang walang habas na kumatok sa pintuan ng bahay na aking tinutuluyan.
Para akong tutang biglang umamo ng makita ko si Aling Rosas. Siya lang naman ang pinaka-masungit na matabang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Ang babaeng nagpapaupa sa'kin dito sa bahay.
"Oh, Aling Rosas, kayo po pala iyan." Nakangiti kong bati. For sure sermon na naman aabutin ko sa kaniya.
"Anong ako, Kayen? Malamang pupunta ako rito dahil sinabi mong ngayon ako bumalik. Sa totoo nga niyan kanina pa ako naghihintay sa'yo! Nasaan na ang bayad mo noong nakaraang buwan at ngayong buwan?!" Malakas na boses niyang paniningil ng upa.
Napakamot na lamang ako sa ulunan ng maalala kong wala akong pambayad. Sinabi ko naman talaga kay Aling Rosas na ngayon nga ako magbabayad ng upa ko ngayong buwan syaka nung nakaraang buwan, manghihiram nga sana ako ng pera kay Cark, pero hindi naman natuloy dahil nabuko ko sila ng kabit niya.
Ngayon lang naman sana ako mangungutang sa kaniya tapos hindi pa natuloy. Kahit mayaman naman kasi 'yung lalakeng 'yon, hindi naman ako umaasa sa kaniya. May sarili naman akong trabaho, pero noon 'yon, natanggal ako dahil isang linggo akong nagkasakit at umabsent, pagpasok ko may iba nang tauhan sa shop na pinagtatrabahuhan ko.
Bumalik ako sa future ng biglang nag-clap si Aling Rosas sa harap ng mukha ko. "Ano na Kayen?! Magbibigay ka ba, o uumpisahan ko nang tanggalin lahat ng gamit mo sa loob ng pinapaupahan ko?!" Galit niya pang tanong.
Napahinga na lamang ako ng malalim. "Aling Rosas, pasensya na po kayo pero hindi ko po maibibigay sa ngayon ang upa ko, may nangyari po kasi kaya hindi ko nakuha 'yung ipinangako ko sa inyong perang ipambabayad ko ng upa." Mahinahon kong wika.
"Pambihira ka naman, Kayen!" Sigaw niya. "Kung wala kang pambayad sa upa ko, umalis ka na lang, ha?! Kapag ako pa nagpalayas sa'yo rito sa pinapaupahan ko, ipapahiya pa kita!" Sigaw niya.
Dahan-dahan naman siyang tumalikod sa'kin habang masama akong tinititigan. "Last mo na 'to Kayen, kapag hindi ka pa nagbayad bago matapos ang linggong ito, mag-impake ka na! Para kang lalaki, sa una lang magaling!" Huli niyang sigaw bago naglakad palayo.
Sinarado ko na lamang ang pinto ng bahay bago ako sumandal doon. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, agad ko iyong pinunasan.
Ayokong umiiyak, pakiramdam ko kapag umiiyak ako, sobrang hina kong nilalang. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak sa buhay na mayroon ako. Pagkatapos kong malaman na nag-cheat ang ex ko tapos ngayon pinapalayas na ako kapag hindi ako nakapagbayad ngayong linggo.
Nakakainis, saan ako makakakuha ng 6 thousands nito?! Wala nga akong trabaho, imposible namang pumasok ako sa trabaho tapos babale agad ako. Baka mapalayas agad ako ng kukuha sa'kin.
Syaka tatlong araw na lang at matatapos na ang linggong ito. Sobrang hirap pang maghanap ng trabaho sa ngayon.
Naigulo ko na lamang ang buhok ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Bwisit! Napakamalas naman ng taong ito!
Lumapit ako sa calendar ko na puro year lang ang nakalagay. Nilagyan ko ng cross sign ang taon ngayon. Ang taong 2010.
Sandali ko iyong tinitigan. "Last year, sobrang ganda ng taon ko, tapos ngayon agad mong kinuha, 2010. May sama ka ba ng loob sa'kin?" Pagkakausap ko sa 2010 na nakacross sign, para namang magsasalita 'yon.
Nahiga ako sa sofa habang nakatitig sa kawalan, iniisip kung saan ako makakakuha ng ipambabayad dito sa bahay na 'to. Wala naman akong kaibigan na pwedeng utangan, pati kasi tao maraming sama ng loob sa'kin.
Ako na ata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Bakit pa ako isinilang kung magiging ganito lang din naman ang mangyayari sa'kin, magdudusa lang pala ako.
Walang kwentang buhay.
Kung makipag one night stand kaya ako sa matandang mayaman? Imposible namang hindi nila magugustuhan ang katawan ko 'no. Hindi naman ako mataba, syaka mukha pa akong fresh kahit walang ligo.
Napailing ako sa ideya kong iyon. Hindi maaari, mawawalan ako ng v-card kapag ginawa ko iyon, v-card na lang ang meron ako. Wala na akong boyfriend, walang pera, walang trabaho, walang magulang, tapos mawawalan pa ng tinitirhan. V-card na lang talaga. Stay strong sa kaniya, sana hindi siya makuha until maikasal ako.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang sumagi sa'kin ang probinsya nila lola Talisa. Naroon pa kaya ang kaniyang kapatid na si lola Ananta?
Kung puntahan ko kaya siya roon? Sila pala, kasi kasama niya roon ang apo niya sa kapatid na si lola Analisa.
Pero paano ako makakapunta roon, e' wala nga akong perang pambili ng pagkain ko, pamasahe pa kaya.
Maglaho na lang ako, last choice na 'yon.
-iamlunamoon
![](https://img.wattpad.com/cover/343208283-288-k354500.jpg)
BINABASA MO ANG
The Past And Future (Nagpapatuloy)
Fiksi SejarahSi Kayen ay isang simpleng babae lamang. Bumalik siya sa kanilang probinsya pagkatapos ng pagtatapos ng kaniyang relasyon sa ex-boyfriend niyang cheater. Hindi niya aakalain na mag-iiba ang kaniyang buhay sa pagbabalik sa probinsya. Magbago rin kay...