KABANATA 7

520 24 1
                                    

"Dapat hindi mo ginawa 'yon." Pangaral sa 'kin ni Keres pagkauwi namin sa mansyon.

Nagkunot ang noo ko sa kaniya. "Bakit? Masama ba ang ginawa ko?" tanong ko sa kaniya. "Tinulungan ko lang naman 'yung batang napagbintangan."

"Pero dapat hindi ka na nangialam." gatong naman ni Azazel.

"Ha?! Ano 'yun papanoorin lang nating barilin ni Senyor Xavier ang inosenteng batang 'yon?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila.

"Kaysa naman ikaw ang pagbuntungan ni Senyor. Pasalamat ka at nakita mo ang totoong magnanakaw, baka kung hindi dalawa kayong paglalamayan ng batang iyon." sagot niya.

"Buti na lamang at medyo lumambot ang puso ni Senyor dahil alipin ka niya." sabat naman ni Keres. "Kahit naman kasi ganoon ang ugali ni Senyor, may pagmamalasakit pa rin naman siya sa mga alipin niya."

Wow, kung hindi pa pala ako naging alipin niya baka basta niya na lang akong binaril. Tapos na pala dapat oras ko.

Hindi na namin dinugtungan ang usapan. Ang mahalaga ngayon ay naligtas ko si Lola Ananta mula sa kamay ni Senyor Xavier.

Dumaretso na kami sa kusina. Habang nagluluto si Keres ay niyaya ako ni Azazel na linisin ang lamesang paghahainan ng pagkain.

Habang nag-aayos kami ng lamesa ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula roon si Senyor Xavier. Nagkatitigan kami ni Azazel ng dumako sa 'kin ang tingin ni Senyor.

Walang emosyon niya akong tinitigan habang papalapit sa 'min ni Azazel. Nang makalapit siya sa 'kin ay agad akong umurong. "S-Senyor..." mahina kong tawag sa kaniya.

"Sumunod ka sa 'kin sa balkonahe pagkatapos mo riyan, may pag-uusapan tayo." malamig niyang wika bago ako lagpasan.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumiko siya papunta sa balkonahe ng mansyon. Kinalabit naman ako ni Azazel, agad akong napalingon sa kaniya.

"Mukhang pag-uusapan niyo 'yung nangyari kanina sa plaza." Pagkausap niya sa 'kin. Tumango naman ako habang malakas ang kalabog ng dibdib ko.

Ewan ko ba, pero hindi naman dapat ako kabahan ng ganito, tama naman 'yung ginawa ko sa kanina. Pero, bakit kinakabahan pa rin ako?

Pagkatapos naming linisin ang lamesa ay nagpaalam na ako kay Azazel na susundan na sa balkonahe si Senyor Xavier. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam kay Keres dahil nasa kusina pa siya.

Tinahak ko ang daan papuntang balkonahe. Nang malapit na ako ay natanaw ko si Senyor Xavier na nakasandal sa hamba ng balkonahe at nakatalikod sa akin.

Mukhang malalim ang iniisip niya. Para pa nga siyang baliw kasi bigla-bigla na lang siyang umiiling kahit wala naman siyang kausap doon.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Nanatili ako sa likuran niya dahil hindi niya pa ako napapansin.

Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumingon sa likuran niya. Napalaki ang mga mata ko nang makitang sobrang lapit ng kaniyang mukha.

Siya na ang kusang lumayo ng makita ang ekspresyon ng mukha ko. "Kanina ka pa riyan?" seryoso niyang tanong sa 'kin.

Matagal naman ako bago nakasagot. "H-Hindi po." Nauutal kong sagot.

Katahimikan ang namutawi sa 'min nang makasagot ako. Akala ko ba may pag-uusapan kami? 

"Kanino mo gustong manilbihan?" Natahimik ako sa biglaan niyang tanong.

"Po?" tanong ko.

"Nakausap ko kanina si Senyor Mier.  Gusto niyang maging alipin ka." Walang emosyon niyang sagot.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon