KABANATA 8

542 25 0
                                    

Lumabas kami ni Senyor Xavier ng mansyon ni Senyor Mier na hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko. Syaka niya lamang ako binitawan ng malapit na kami sa kalesa.

Humarap siya sa'kin bago nagwika. "Ipapahatid kita hanggang mansyon kay David, may pupuntahan lang ako saglit." Wika niya.

"Opo." Magalang kong sambit bago siya tumalikod sa'kin.

Hindi ko na siya sinundan ng lapitan niya si Ginoong David na nasa harap ng kalesa at kinakausap ang kabayo.

Nakangiti siyang tumango sa tinuran ni Senyor Xavier. Saglit na lumingon sa'kin ang Senyor bago siya naglakad palayo. Ako naman ay lumapit kay Ginoong David. "Sinabi niya ba sa'yo kung saan siya tutungo?" Pagtatanong ko.

"Hindi niya sinabi ngunit alam ko na kung saan siya pupunta." Nakangiti niyang sagot.

"Hindi ka ba nangangawit kakangiti?" Pagtatanong kong muli.

"Wala namang nakakangawit sa pag-ngiti, Binibini." Nakangiti niyang muling sagot.

Nagkabit na lang ako ng balikat. Mukhang kahit badtrip ang taong ito hindi mawawala ang ngiti sa mukha niya.

"Tara na nga, iuwi mo na ako para masundo mo na agad si Senyor Xavier, baka kapag matagal mo siyang pinaghintay baka bitayin ka agad no'n." Mahaba kong litanya.

Humalakhak naman siya, dahilan ng mababaw kong pagkagulat. "Nagkakamali ka, Binibini, kahit gaano ko katagal paghintayin ang Senyor hindi niya magagawa ang sinasabi mo." Tawa niyang wika.

"Bakit? Matagal na kayong magkakilala?" Tanong ko pa.

"Simula bata pa lang magkakilala na kami niyan ni Xavier. Lahat ng tungkol sa kaniya alam na alam ko. Simula bata pa lang siya." Sagot niya.

Para namang may ilaw na tumunog sa utak ko.

TING!!!!!

"Kung simula bata pa lang kilala mo na siya. Posibleng magkapatid kayo?" Tanong ko ulit.

"Akala ko naman sasabihin mong magpinsan kami." Naiiling niyang wika. "Sa totoo lang hindi kami magkadugo ni Senyor Xavier. Matalik lamang niya akong kaibigan simula bata pa lang. At kung hindi mo na ma-itatanong magkaibigan din ang mga magulang namin."

"Kung gano'n, pwede mo ba akong kwentuhan—"

"Uunahan na kita. Nangako ako kay Senyor Xavier na kailanman hindi ko isisiwalat ang tungkol sa pamilya niya, kaya pasensya na, Binibini, hindi ko maikwekwento sa'yo ang tungkol sa pamilya ni Senyor Xavier." Pagputol niya sa'kin bago ako talikuran at tumaas na sa kalesa.

Hindi na ako umimik at tumaas na rin sa kalesa. Tahimik kaming naglakbay hanggang sa nakarating kami sa mansyon ni Senyor Xavier.

Agad akong bumaba ng kalesa at hindi na nagpaalam sa kaniya. Susunduin niya pa kasi ang Senyor kung saan man nagpunta ‘yon.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng mansyon. Bumungad sa'kin ang tahimik na loob no'n.

"Azazel? Keres?" Pagtawag ko sa dalawa kong kasama rito.

Nakarinig naman ako nang pagbukas ng pinto at tumatakbong mga yabag ng paa. Nahinto iyon ng makita ko sina Azazel at Keres na nagnining-ning ang mga mata habang sobrang ngiti ang nakaguhit sa kanilang mga labi.

"Kayen!" Sabay nilang sigaw sa pangalan ko bago patakbong lumapit sa'kin at mahigpit akong niyakap.

Agad naman silang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin. "Bakit ka narito?" Tanong agad ni Keres.

"Bakit, ayaw niyo na ba ako rito?" Medyo nagtatampo kong tanong pabalik.

Ngumiti naman si Keres. "Hindi naman sa gano'n, nagtataka lamang kami kung bakit ka nandito. Hindi ba dapat nasa mansyon ka ni Senyor Mier?" Sagot niya.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon