WARNING: THIS SCENE ARE INCLUDE HARASSMENT. IF YOU HAVE TRAUMA ABOUT HARASSMENT, YOU SHOULD SKIP THIS PART, MAIINTINDIHAN NIYO NAMAN ANG NEXT CHAPTER WITHOUT READING THIS PART.
READ AT YOUR OWN RISK.....
- XAVIER
"Dumaan muna tayo sa mansyon ni Senyor Mier bago mo ako ihatid sa mansyon ko." Walang-emosyon kong utos kay David ng makasakay na ako sa kalesa.
Agad siyang tumango bago kami umalis sa harap ng mansyon ni Senyorita Lilua.
Habang nasa daan kami papunta sa mansyon ni Senyor Mier ay bigla namang nagtanong si David sa'kin. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan mula noon, mapagkakatiwalaan ko rin siya. At alam kong ganoon din siya sa'kin.
"Bakit hanggang ngayon ayaw mo pa ring ipaalam sa lahat kung bakit madali lamang para sa'yo ang pumatay ng kapwa mo filipino?" Pagtatanong niya.
"Alam mo namang hindi madali para sa'kin ang kumitil ng napakaraming buhay, hindi ba?" Balik-tanong ko. "Ayoko lamang maging mabait sa kanila tapos sa dulo ang magiging kapalit ng kabaitan ko ay ang buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa pamilya ko." Tikom-kamay kong sagot.
"Ang sabi mo sa'kin noon ang pamilya lamang ng lalaking iyon ang papahirapan mo, bakit naman kailangan humantong sa ganito?" Tanong niyang muli.
"Upang kapag pinatay ko na ang buo niyang pamilya, hindi na ako makokonsensya." Walang-emosyon kong sagot.
Napabuntong hininga naman siya. Nagpatuloy siya sa pagpapaandar sa kalesa.
Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa tapat ng mansyon ni Senyor Mier. Gusto ko siyang makausap upang ayusin ang gusot sa pagitan namin.
Alam kong galit na galit siya ngayon sa'kin dahil hindi ko ibinigay sa kaniya si Kayen. Kahit anong gawin niya hinding-hindi ko ibibigay sa kaniya ang babaeng iyon.
Kung noon nga hindi ko ibinigay si Keres, ngayon pa kayang si Kayen ang gusto niyang kunin. Humiling na siya ng kahit ano sa'kin, wag lang si Kayen.
Bumaba na ako ng kalesa at humarap sa mansyon ni Senyor Mier. Napakunot ako ng noo ng makaramdam ng kakaiba. Nilingon ko ang pwesto kung saan dapat naroroon ang kaniyang kalesa, ngunit wala iyon doon.
Mukhang may pinuntahan siya.
Pumanhik ako sa tapat ng pintuan ng kaniyang mansyon para kumatok. Nakadalawang katok pa lamang ako nang bumukas ang pintuan at sumalubong sa'kin ang isa sa mga katulong at pampalipas oras na babae ni Senyor Mier.
Matamis siyang ngumiti sa'kin bago nagtanong. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Senyor Xavier?" Mahinhin niyang tanong bago ilagay lahat ng buhok niya sa kaniyang likod bago mas lalong hapitin ang kaniyang damit upang mas lalong bumaba.
Napaiwas naman ako ng tingin ng halos makita ko na ang tinatago niya sa itaas. Napabuntong hininga na lamang ako. Sa ginagawa ng babaeng ‘to, para akong nagkakasala kay—.
Napailing naman ako sa imahinasyon ko bago ko itinakwil sa isipan ang imahe ng babaeng iyon.
Ang babaeng ‘yon kaya. Magaling na kaya siya?
Mamaya ko na lang siya iisipin, malapit na rin naman akong umuwi.
Tumingin muli ako sa babae pero ngayon nakatingin na ako sa mga mata niya. Binigyan ko siya ng masungit na tingin, para naman maramdaman niyang hindi ako katulad ni Senyor Mier na kung sino-sino na lamang ang kinakama.
"Nasaan si Senyor Mier?" Malamig kong tanong sa kaniya.
"Umalis po siya, ang sabi niya bibisitahin ka—" Hindi ko na siya pinatapos at agad na naglakad paalis doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/343208283-288-k354500.jpg)
BINABASA MO ANG
The Past And Future (Nagpapatuloy)
Historical FictionSi Kayen ay isang simpleng babae lamang. Bumalik siya sa kanilang probinsya pagkatapos ng pagtatapos ng kaniyang relasyon sa ex-boyfriend niyang cheater. Hindi niya aakalain na mag-iiba ang kaniyang buhay sa pagbabalik sa probinsya. Magbago rin kay...