KABANATA 2

790 32 0
                                    

Nakatanaw na ako nang mahigit tatlong oras, tinitingala at pinapantasya ang kagandahan ng bilog na bilog na buwan sa kalangitan. Sobrang tahimik na rin ng gabi, marahil tulog na ang lahat, habang ako'y narito sa bintana at hinihintay ang pagdating ni Savira.

Gusto kong malaman ang totoong buhay ni Lola Talisa noon. Ang alam ko lang tungkol sa kanya ay maganda at mabait siya, base sa kwento ni Lola Ananta.

Mayamaya, narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Lumingon ako at nakita si Savira na pumasok, may dalang gasera. Lumapit siya sa mababaw na mesa malapit sa pwesto ko.

Ngumiti siya sa akin bago ilapag ang gasera. "Pagpasensyahan mo na ang ilaw namin dito, insan. Alam ko namang hindi ka sanay sa ganitong ilaw," wika niya.

Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko. "Ayos lang, mas gusto ko talaga ang lights off para malamig," pagwiwika ko.

"So, are you ready? Sa mga malalaman mo about kay Lola Talisa?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Agad naman akong tumango. "Magkwento ka at makikinig ako," nakangiti kong sambit.

"Lahat ng ikekwento ko ay pawang mga sinabi lamang sa akin ni Lola Ananta," pag-iinform niya sa akin. Muli akong tumango at umayos na ng pagkakaupo.

"Marahil hindi mo alam na nagahasa noon si Lola Talisa." Unang sentence pa lang ay napahawak na agad ako sa bibig ko.

"P-paanong nangyari ‘yon?" Nauutal kong tanong.

"‘Yung lalakeng sinasabi ni Lola na nagmamay-ari ng lupaing iyon noong nakaraang mga dekada, kaya galit na galit sa kaniya si Lola Ananta dahil siya ang gumahasa kay Lola Talisa ng dalaga pa lamang ito," sagot niya.

"Mga anong taon naganap iyon? Saka ilang taon noon si Lola Talisa?" Magkasunod kong tanong.

"Sampung taon lamang noon si Lola Ananta, labing-pitong taon no'n si Lola Analisa, at dalawampu't-dalawang na taon noon si Lola Talisa," sagot niya. "Kaya iyon nalaman ni Lola Ananta dahil kinwento ni Lola Talisa ang naganap sa kaniya sa loob ng kulungan, mga ilang buwan din siyang nawala, muntik-muntikan na rin maging isang taon doon si Lola Talisa."

"Pagbalik ni Lola Talisa ay halos wala na ito sa sarili. Paulit-ulit kasi siyang ginahasa ng lalaking 'yon. Pagkatapos ng limang taon, saka lamang nagkwento si Lola Talisa sa buo niyang pamilya dahil nakarecover na siya noon. Nang malaman iyon ng ama nila Lola Talisa, hindi nagdalawang-isip ang lolo natin sa tuhod na sugurin ang lalaking lumaspangan kay Lola Talisa."

"Ngunit sa kasamang palad..." Napatigil siya sa pagkekwento at napatingin na lamang sa ibaba habang kinakalikot ang kaniyang daliri.

"N-ngunit sa kasamaang palad?" Nauutal kong muling tanong.

"Pinatay ng lalaking iyon ang kanilang ama. Kaya naman sobra ang naging galit nila sa lalaking iyon, hanggang sa naisipan naman ni Lola Talisa na siya ang sumugod sa lalaking iyon. Dinakip ng mga sundalong Kastila si Lola Talisa. Kaawa-awa ang kaniyang sinapit sa kamay ng lalaking iyon. Limang taon siyang ginawang alipin at tagapagsilbi sa bahay ng lalaking iyon, paulit-ulit na ginahasa." Basag-boses niyang pagpapatuloy.

Naitikom ko na lamang ang aking kamao dahil sa galit na nararamdaman. "Napakawalang-hiya ng lalaking iyon! Wala ba siyang puso para gawin iyon kay Lola?!" Galit kong tanong habang pinipigilan kong umiyak.

"Buti na lamang pagkatapos ng limang taon na iyon pinabalik na niya si Lola Talisa sa bahay nila Lola Ananta. Medyo malayo iyon. Pagbalik ni Lola Talisa hindi naiwasan na mabuntis siya." Ani Savira.

"I-Imposible namang si Mama ang naging bunga ng panggagahasang iyon dahil hindi sapat ang edad ni Mama noong panahong iyon." Pangunguna ko na agad.

"Tama ka, hindi iyon si Tita." Nakahinga ako nang maluwag ng sabihin niya iyon.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon