Parang nagmamadali ang oras, kanina kakagising ko lamang pero ngayon ay matutulog na agad ako. Pero dahil may importante akong gagawin hindi ako pwedeng matulog.
Naghanda na ako ng bote na inilagay ko sa bandang gitna ng kwarto ko. Kasama ko sina Lola Ananta at si Savira. Pare-pareho naming hinihintay ang kalagitnaan ng hating-gabi.
"Paano kapag hindi nabasag ang bote, Lola, pagkatapos makalagpas ng alas dose?" tanong ko kay Lola.
"Ibig sabihin no'n ay hindi ikaw ang napili. Pero nakakasigurado ako na ikaw iyon. Ikaw lang naman sa dalawang apo namin ni Ate Talisa ang nakakakita ng kabahayan," sagot niya.
"Nakikita niyo rin naman ang kabahayan, hindi ba? Ibig sabihin—"
"Mali ang iniisip mo." Pagputol niya sa'kin. "Taglay ko talaga ang makita ang kabahayan noon, ang ibig sabihin no'n muntik na akong mapili sa henerasyon namin na mapabalik sa nakaraan, pero may ibang napili."
Napatango-tango naman ako. "Ilang minuto na lang po, Lola, mawawala na ako. Hanggang kailan po kaya ako roon?" tanong ko pa.
"Kapag namatay ka na." Simple niyang sagot.
"Pero hindi naman po ako literal na mamamatay dito sa panahon natin, di'ba? Doon lang ako mamamatay sa nakaraan?" wika ko.
Tumango naman siya. "Kapag namatay ka at naging matagumpay ang misyon mo roon, maraming magbabago sa paligid mo. Maging itong loob ng masyon ay maaaring magkaroon ng pagbabago." Wika niya.
"Opo, naiintindihan ko na." Sambit ko.
"Dahil malapit nang pumatak ang ala-una ng umaga, ipapakita ko sa'yo ang hitsura ng Lola Talisa mo noong dalaga pa lamang siya." Wika ni Lola bago may kunin sa gilid ng kaniyang wheel chair.
Wow, prepared si Lola.
Binuklat niya ang photo album. Nang makita na niya ang kaniyang hinahanap ay agad niyang iniharap iyon sa'kin.
"Ito si Lola Talisa mo bago pa man siya pagsamantalahan." Nagulat ako dahil akala ko litrato iyon ni Lola Talisa. "Isa lamang itong guhit ng isang eksperto, hindi uso noong panahon namin ang ginagamit ninyo ngayon."
"Pero parang totoong picture po, Lola. Sobrang ganda pala talaga ni Lola Talisa, kaya hindi na ako magtataka kung bakit maganda rin ako syaka si mama," wika ko.
"Ngayong kilala mo na si Ate Talisa, malalaman mo na kung sino ang poprotektahan mo. Wala akong larawan ng lalaking tinutukoy ko pero alam ko namang malalaman mo iyon dahil sikat ang lalaking iyon noong panahon." Litanya ni Lola.
Napalaki ang mga mata ko nang makitang dalawang minuto na lamang ay magtatapos na ang araw.
"Lola, dalawang minuto na lamang po." Gulat kong wika.
"Malapit ng mabasag ang bote. Mag-iingat ka, apo, sana magtagumpay ka sa iyong misyon." Nakangiting wika ni lola.
"Kayo rin po Lola—ahh!" Naputol ko ang dapat kong sasabihin dahil bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog ng kung ano malapit sa'kin.
Nagkaroon ng usok hanggang sa nahilo ako at bumagsak sa isang matigas na sahig. Ang ipinagtataka ko lamang bakit hindi sumama ang upuan na inuupuan ko ng bumagsak ako sa sahig.
"Lola?" Mahina kong pagtawag kay Lola Ananta ng unti-unting mawala ang usok sa paligid ko. Pero nahihilo pa rin ako.
Dahan-dahan akong tumayo. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa bigat na nararamdaman ko. Nang tuluyan akong nakatayo ay agad akong kumapit sa dingding upang makontrol ko ang katawan ko.
Nahihilo pa rin ako at hindi ko malinaw na makita ang paligid ko. Basta ang alam ko lamang, nasa madilim akong lugar. Hinimas-himas ko pa ang sumasakit kong sentido.
BINABASA MO ANG
The Past And Future (Nagpapatuloy)
Historical FictionSi Kayen ay isang simpleng babae lamang. Bumalik siya sa kanilang probinsya pagkatapos ng pagtatapos ng kaniyang relasyon sa ex-boyfriend niyang cheater. Hindi niya aakalain na mag-iiba ang kaniyang buhay sa pagbabalik sa probinsya. Magbago rin kay...