KABANATA 6

518 24 0
                                    

Pagkatapos nila akong gabayan sa paglilinis ng buong mansyon ay nagpahinga muna kami bago namin nilinis ang ibang silid sa taas. At ngayon naman naglilinis ako ng katawan dahil maya-maya ay pupunta na kami sa bayan upang mamili ng lulutuin namin para sa hapunan.

Sabi nila dalawa raw ang bayan dito, mas malayo ‘yung isa.

Narinig ko naman ang mahinang katok galing sa pinto ng palikuran. "Kayen, pakibilisan kailangan pa nating lakarin ang bayan, may kalayuan iyon dito." Rinig kong wika ni Keres.

Binilisan ko naman ang pagbibihis. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng palikuran at nakitang naghihintay ang dalawa sa'kin doon. "Pasensya na, matagal talaga akong gumamit ng palikuran." Natatawa kong wika.

Tinanguan lamang nila ako bago nagpatiunang maglakad si Keres palabas ng aming silid. Sumunod naman kami sa kaniya ni Azazel hanggang sa makalabas kami ng mansyon. Sinarado niya ng mabuti ang pinto ng mansyon bago kami yayaing maglakad papuntang bayan.

Mukhang maraming kilometro ang lalakarin namin ah, hindi pa naman ako sanay sa mahabang lakaran dahil sanay ang mga paa ko na nakasakay sa sasakyan.

Isang oras na kaming naglalakad pero hindi pa rin kami nakakarating sa bayan. Nagtanong naman ako kay Azazel kung ilang oras ang lalakarin namin bago makapunta sa bayan.

Ang sagot naman niya ay dalawang oras, kung mabilis kaming maglakad isang oras lamang. Kaya naman sinabihan ko silang bilisan na ang lakad para madali kaming makarating doon.

Makalipas lang ang ilang minuto ay dumarami na ang mga taong aming nakakasalubong. "Ayan, nandito na tayo sa bayan, mukhang isa't kalahating oras lang ang nilakad natin." Nakangiting wika ni Azazel.

Binigyan naman nila ako ng isang buslo at hindi ko kilalang sinaunang pera. "Siguro naman marunong kang mamili ng magagandang uri ng prutas at gulay, hindi ba?" Tanong sa'kin ni Keres.

Tumango na lang ako. Naglakad na sila palayo sa'kin kaya naman inumpisahan ko nang maglibot sa pamilihan. Mainam kong sinisiyasat ang mga gulay at prutas, habang nakatingin ako sa mga prutas sa gilid ay hindi ko napansin na meron na pala akong makakasalubong.

Hindi ko kaagad naiwasan kaya nabangga ko siya. Tumilapon naman siya sa kalsada kaya nagkalat ang kaniyang pinamili.

Agad ko naman siyang tinulungang maglagay ng kaniyang mga natapong pinamili sa kaniyang buslo na hawak-hawak pa rin niya.

Pagkatapos ko siyang tulungan ay humarap na ako sa kaniya. "Pasensya ka na, hindi ko napansin na may makakabanggaan na pala ako. Pasensya na." Paghingi ko nang paumanhin.

Tumaas naman ang tingin niya sa'kin bago ako ngitian ng tipid. Isa siyang batang mukhang nagdadalaga na. Napakunot ang noo ko nang maalala ang mukha ni Savira noong sampung taon pa lamang siya.

Hindi kaya siya si Lola Ananta?
Mas hawig kasi ni Lola Ananta si Savira.

Yumuko naman siya sa harapan ko. "Pasensya na rin po, Binibini." Mahinhin nitong wika.

Napangiti ako ng malawak nang marinig ang kaniyang boses. Ganito pala kahinhin si Lola Ananta noong bata pa lamang siya.

"Ayos lamang iyon batang paslit." Nakangiti kong wika.

"Ganoon po ba? Sige po aalis na po ako, nagmamadali po kasi akong mamili at malayo pa ang lalakarin ko. Sige po, Binibini, mag-iingat po kayo." Tuloy-tuloy niyang wika bago mabilis na tumakbo palayo sa'kin.

Sinundan ko naman siya ng tingin habang papalayo. "Unti-unti ko nang nakikita ang tatlong Maria ng Lolo ko sa tuhod." Mahina kong bulong sa sarili.

Pinagpatuloy ko naman ang paghahanap ng mabibili. Tumitingin-tingin ako sa iba't-ibang sulok ng pamilihan nang makakita ako ng isang lalaking may edad. Pasimple niyang kinukuha ang iilang tinda ng matandang babae habang abala ito sa pakikipag-usap sa kostumer niya.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon