CHAPTER 45 (UNEDITED)

1.8K 20 14
                                    

"Mommy, what happened next?" Tanong ni Sheena, halos dalawang taon na niyang itinatanong ang nangyari noong araw na 'yon.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko, umiling siya bilang sagot.

"Mommy, It's been 3 years, kailan po uuwi si daddy?" Tanong niya pa, nginitian ko siya bago tulungan na humiga sa kama.

"Soon baby, you'll see him again.. soon." Sagot ko, she's 5 years old now, time flies.

Si Kane, nakatira na sa U.S, bumalik siya sa bahay ng parents nya at nag decide na magsimula ng bagong buhay doon.

Nag sorry na rin siya sa lahat mga kasalanan niya, at first hindi madaling magpatawad pero ipinakita niya na gusto na talaga niya mag bago, after so many years Kaneia, finally.

Si mom naman tuluyan nang naka recover mula sa sakit niya, si Cassidy.. ayon palipat lipat lang ng bansa.

Nasa pangangalaga ko si Coleen, ayaw pa rin sumama sa mommy niya dahil takot pa rin, di Kane naman tuwang tuwa dahil malaya raw siyang makakahanap ng lalaki.

While me and Sheena, we're now contented and happy.

How about Hiro? I know you're wondering how is he right now, well, my star best friend is back. He's a big star now, nag tuloy tuloy ang project niya at ngayon nasa Hollywood na siya at wala ng plano pa na bumalik dito.

Hindi ko nga alam kung paano nagsimula ang pagiging artista namin dito sa pilipinas dahil alam ko naman na simula palang, sa U.S talaga kami artista.

Well, siguro ay mas sumikat kami dito at inulan ng projects kaya hindi na kami bumalik pa? I don't really know the reason pero alam kong si Laurent ang isa sa mga rason kung bakit hindi na ako nakaalis pa rito sa pilipinas noong mga oras na 'yon.

"Xaira, how are you now?" Napalingon ako matapos marinig ang boses ni Mama Ched, tumakbo si Sheena papalapit sa kanya.

"Don't run Sheena," Salubong ni Mama Ched bago siya buhatin, naglakad siya papalapit sa'kin bago umupo sa tabi ko.

"I'm fine, Mama Ched. Medyo matagal na rin so ayoko na lang pag-usapan." Sagot ko bago ilapag ang crayons na ginagamit namin ni Sheena kanina sa pag color ng coloring book niya.

"You're so strong, fight for Sheena okay? She needs you, kailan mo ba balak sabihin?" Tanong niya.

"Hindi ko pa alam eh." I answered honestly, "Kung pwede nga lang ay hindi ko na talaga gustong sabihin. I don't want to see her crying everyday. I don't want to see myself in her." I added, hinawakan ni Mama Ched ang kamay ko para iparating na okay lang, na ayos lang itong nararamdaman ko sa ngayon.

"But you should tell her, ayaw mo siyang magalit sa'yo hindi ba?" Tumango ako pagkatapos niyang sabihin yon, tinignan ko si Sheena na nakangiti lang na nakikinig sa'min.

I'm so sorry..

"Mommy, I'm hungry." Sabay kaming napatawa ni Mama Ched pagkatapos niyang sabihin 'yon, pinunasan naman ni Mama Ched ang tumulong luha ko bago buhatin si Sheena papunta sa kusina.

Walang tigil sa pagdaldal si Sheena habang kumakain kami, sinasabi niya kung gaano niya ka miss ang daddy niya, kung ano ang gagawin niya kapag nakita niya na ito at kung ano ang plano niya sa birthday niya kung saan kasama niya ang daddy niya na mag p-picnic.

"Sheena, gustong gusto mo na ba makita ang daddy mo?" Tanong ko, nakahinga kami ngayon sa kama at pinapatulog ko na siya.

"Yes, yes, yes!" Masiglang sabi niya at tumatango-tango pa. Mahina akong tumawa bago pisilin ang ilong niya dahilan para tumili siya.

"Okay, you should sleep na para bumilis yung araw and makita mo na si daddy, okay?" Tumango siya bago pumikit.

Nagising ako matapos marinig ang sunod-sunod na doorbell, nakatulog na pala ako habang pinapatulog ko si Sheena.

Tumingin ako sa clock and 4am na pala, tumayo ako sa kama nang hindi pa rin tumigil ang pag doorbell.

"Sino 'yan?" Tanong ko habang sinisilip kung sino ang tao sa gate, hindi ko makita dahil medyo madilim pa.

Binuksan ko ang ilaw sa labas ng gate at doon ko nakita si Hiro.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko bago buksan ang gate.

"Buksan mo 'to, may ibibigay ako." Sagot niya.

Nauna pa siyang mag lakad papasok sa bahay, hinayaan ko nalang dahil dinouble lock ko pa ang gate.

"Gaano ba ka importante yan at nang gi-gising ka ng ganito kaaga?" Tanong ko habang nakasunod sa kaniya, Umupo siya sa sofa bago ilapag ang invitation sa lamesa.

"Really, Hiro?" Tanong ko habang nakatingin doon.

"Ayaw mo ba? Oh edi huwag na." Akmang kukunin niya yon sa kamay ko nang ilayo ko para hindi niya makuha, inirapan ko siya bago ilapag sa side table yung invitation.

"Oh, bakit ka nakatingin sa'kin ng ganyan." Tanong niya habang kunot noong nakatingin sa'kin.

"Masaya lang ako." Sagot ko.

"Sabihin mo excited ka." Pag kontra niya.

Sabay kaming napalingon nang tumunog nanaman ang doorbell.

"May inaasahan ka bang bisita?" Tanong ni Hiro, umiling ako bago tumayo at i check kung sino 'yon.

Hazel.

Nag dalawang isip pa ako kung pupuntahan ko dahil ayoko na siyang makita pa pagkatapos nung nangyari 3 years ago.

"Ate Xaira, I know you're there." Sigaw niya sakto lang para marinig ko. She's crying.

Dahan-dahan akong lumapit, hindi ko binuksan ang gate. Tinitigan ko lang siya habang umiiyak siya sa labas ng gate namin, Sumunod naman sa'kin si Hiro.

"I'm so sorry ate Xai, please forgive me." She tried to reach for my hand pero lumayo lang ako sa gate para hindi niya ako maabot.

"Paano ka nakapunta dito?" Tanong ko, kinuha ko ang phone ko para sana tawagan ang mga pulis pero pinigilan niya 'ko.

"Ate, no. Pinalaya na 'ko, Nandito lang ako para humingi ng sorry before ako umalis." Sagot niya. "I need your forgiveness, ate Xaira." She added na animo'y ganoon lang kadali ibigay 'yon.

"Umalis ka na kasi hindi ko maibibigay sa'yo 'yon Hazel. Please lang."

Shining For The Stars (Wattpad Ver.) Where stories live. Discover now