Chapter 26: True Enemy

241 7 0
                                    

Chapter 26: True Enemy

"Good morning Maby!" Nakangiting wika ni Alpha habang papalapit kay Ken. The truth is kanina pa siya dito nakasandal sa pintuan habang pinapanood si Ken na masayang nagluluto ng agahan. Sa sobrang seryoso nito ay hindi siya napansin.

Hinalikan ni Alpha si Ken sa labi na agad namang ikinagulat niya sanhi para bumilis na naman ang tibok ng puso niya. "Good morning din." Bati din ni Ken habang kayakap siya nito. Nang makaalpas na siya sa pagkakayakap ay nasipat niya ang mukha ng binata na nakanguso ito habang padabog na pumunta sa mesa. Kumuha ito ng pandesal.

"Why? Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ni Ken sa kasintahan bago bumalik sa ginagawa niya.

"Ikaw kasi," hindi man nakikita ni Ken ngunit sigurado siya na nakanguso ito.

"Anong ako?" Maang-maangan niya.

"Hindi mo kasi ako tinatawag na Maby." Nagulat siya ng bigla itong yumakap mula sa likuran niya. Inihinto niya ang paghalo sa niluluto niya at tiningnan si Alpha habang nakapatong ang mukha sa balikat niya. Daig pa nito ang bata na naagawan ng candy. Ngumiti siya.

"I love you Maby." Pagkasabi niya nun ay lumawak ang ngiti sa mukha ni Alpha at mabilis siyang iniharap sa kaniya.

"Anong sabi mo? Hindi ko narinig." Ken rolled his eyes. As if naman na hindi niya narinig yung sinabi niya kanina.

Pukpukin ko kaya siya ng sandok charot! "Dali na gusto ko ulit marinig." Nagpacute sa kaniya ang binata.

"I.Love.You.Maby." Inisa-isa niya ang mga salita sabay halik sa labi nito. Hindi niya lubos maisip na ang Alpha ng Phoenix gang ay may ganitong kakulitang taglay at may pagkachildish sa kabila ng pagka-angas at pagiging matapang sa harap ng mga miyembro niya.

"I love you more, more, more, more!" Sagot niya habang kayakap si Ken.

"Bumalik ka na dun. Masusunog na niluluto ko." Tatawa-tawang bumalik sa pwesto niya ang binata. Napailing din siya sa inasta niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya ginawa ang ganto - magpacute at naging childish. Siguro ganto talaga kapag nagmamahal ka. Magiging isip bata ka talaga kapag kaharap ng taong mahal mo.

"Ready to serve!" Inihain ni Ken sa mesa ang mga niluto niya. "Presenting buttered garlic chicken, Pork ribs adobo, and curried rice."

"Wow! Mukhang masarap." Komento ni Alpha sanhi para paluin siya sa kamay ni Ken nung sasandok na sana. "Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Anong mukhang masarap? Masarap talaga yan!" Proud nitong sabi. "Stay put ka lang jan!" Nagsign pa ito. Umiling-iling na lang si Alpha sa kakulitan nito.

Kinuha ni Ken ang plato ni Alpha at sinandukan ng pagkain. "As your wife, pagsisilbihan kita." Pinanood lamang siya ni Alpha. "Ayan. Tara kain na tayo." Tumango naman si Alpha bilang pagsang-ayon.

"Hey love birds!" Napapitlag si Ken sa kinauupuan niya ng sumigaw ang Ate Jane niya. Napairap na naman siya. Malapit na e. Malapit na sa bibig niya ang manok. Kanina pa naman siya takam na takam sa buttered chicken.

"You know what? Panira ka talaga ng mood!" Inis na wika ni Ken.

"I'm sorry kapatid. Nadisturb ko ba kayo?" Nagpeace sign lang si Jane. He sighed.

"I don't know why did you become the Underboss of the Mafia Org.? Kita mo na nga na kumakain kami tapos magtatanong ka kung nakakadisturbo ka." Pagsusungit niya.

"Eto naman. Sorry na nga. Ano ba yang pagkain n'yo? Mukhang masarap." Kumuha agad ng manok si Jane pagkalapit sa mesa. Umiling na lang si Ken samantalang si Alpha ay nakangisi lang habang pinapanood magbangayan ang magkapatid.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now