Chapter 9: Tu Me Manques

616 27 6
                                    

Chapter 9: Tu Me Manques

MARAHANG iminulat ni Ken ang kaniyang mga mata ngunit ng masilaw siya mula sa ilaw ng chandelier ay muli siyang napapikit. Nang maka-adjust na sa liwanag ay iminulat niyang muli ang mga mata at inilibot ang paningin sa silid.

Sa bandang kanan ay napansin niya ang isang basket ng prutas at bouquet ng pulang rosas na nasa flower vase nakapatong sa lamesang gawa sa mahogani. He's wondering kung gaano na ito katagal na nandoon sa lamesa pero base naman sa hitsura ng mga ito ay mukhang fresh pa.

Inaasahan na niya ito.

Alam niyang sa lugar na ito - sa silid ni Alpha - siya dadalhin ng binata kaya hindi na bago sa kaniya. Kung may pagbabago man ay yung disenyo lang ng kurtina at bedsheet ng kamang hinihigaan niya.

Nang ibaling naman niya ang paningin sa bandang kaliwa niya ay nakita niya si Alpha, nakasubsob ang ulo sa kama habang natutulog.

Marahan niyang iniangat ang kamay at hinaplos ang buhok ng binata. Napangiti siya hindi niya inaakalang sa pagmulat ng kaniyang mata ay agad niyang makikita ang binata. Kung hindi niya iisiping straight itong lalaki ay mag-aassume itong may gusto ito sa kaniya.

Agad niyang inilayo ni Ken ang kaniyang kamay nung gumalaw si Alpha. Bumangon ito sa kanyang pagkakasubsob at nag-unat ng kaniyang mga braso. Humikab pa ito kaya napangiti siya habang pinagmamasdan niya ito. Nakonsensya siya ng mahalata niya ang pagod sa binata. "Ehem." Pag-agaw niya ng pansin sa binata.

"Ken!" Mabilis na tumayo si Alpha at lumapit kay Ken. "Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalala sa tono ng binata.

"Okay na ang pakiramdam ko maliban lang sa tama ng baril sa likod ko." Ngumiti si Ken.

"Wait I'll call the doctor." Patakbong lumabas sa silid si Alpha. Mga ilang minuto lamang ay bumalik na ito kasunod ang doctor na dating gumamot sa kaniya. Chineck nito ang katawan niya.

"Maayos na ang lagay ni Ken Alpha. Magpasalamat tayo dahil walang organs ang natamaan. Mga ilang araw ay makakarecover na rin siya. Aantabayanan na lang natin ang sugat niya. Mamaya babalik ako upang linisin ang sugat niya." Paliwanag ng doctor.

"Thank you Doc?" Hanggang ngayon ay hindi niya pa alam kung anong pangalan nito.

"Doc Zach, welcome Ken and nice to meet you." Napangiti si Ken at nakipagshake hands. Yumukod muna ang doctor kay Alpha bago lumabas ng silid.

"Nagugutom na ako." Nakapout na sabi ni Ken kay Alpha. Lumapit si Alpha sa kaniya. Napalaki ang mata niya nang ilapit ni Alpha ang mukha nito sa kaniya.

"I don't know why pero natetemp akong halikan ka kapag ngumunguso ka. Cute!" Sabi nito sa kaniya sanhi para iikot ang mata niya.

"Alam mo ang OA mo! Anong masama kung ngumuso ako?" This time ay ngumuso siya ulit ngunit hindi niya inexpect ang sunod na ginawa ni Alpha.

Alpha kissed him on his lips. Natameme siya sa ginawa nito. "I told you." Ngumisi ng nakakaloko ang binata. Daig pa ni Ken na nawala siya sa kaniyang sarili.

Did Alpha kissed me? Tanong niya sa kaniyang isip.

Nakangiting tagumpay si Alpha habang papalabas ng silid. "Allllpphhhaaaaa!!!" Malakas na sigaw ni Ken.

Apatnapu't limang minuto nung natapos magluto si Alpha. Bitbit ang tray na gawa sa kahoy ay pumasok siya sa kwarto. "Here's your food Master."

Ipinatong niya ang tray sa mesa at tinulungang makaupo si Ken. "Be careful." Ani nito. Kinuha niya ang maliit na mesa at ipinatong sa kama. Inihain na rin niya ang niluto niyang arozcaldo at ginawa niyang honey cucumber juice.

Mabilis na nilantakan ni Ken ang pagkain na nasa harap niya. Pakiwari niya ay isang buwan siyang hindi nakakain. "Easy." Paalala ng binata.

"Sorry gutom na gutom talaga ako." Nakangiting wika ni Ken. Alpha patted his head. "Alam mo di pa tayo tapos! Pasalamat ka gutom ako." Makulit na sabi ni Ken.

Nagvibrate ang cellphone ni Alpha. Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Sinagot niya ang tawag. "Okay Bronx I'm coming." Huminto sa pagkain si Ken.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Hide out. May mahalaga lang kaming pag-uusapan." Tumango lamang si Ken. Nakaramdam siya ng kaba  nang maalala niya ang nangyari sa kanila. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Alpha.

"Please be careful." Sabi niya. Alpha hold back his hand.

"Don't worry about me. Ang alalahanin mo ay ang iyong sarili. Magpagaling ka at magpalakas. Babalik ako agad pangako." Nakangiting sabi ni Alpha. Napahinga siya ng malalim. "Hintayin mo si Eryx siya muna ang magbabantay sayo."


Ilang minuto lamang ang naging biyahe ni Alpha papunta sa Phoenix hide out. Naabutan niya na nasa conference room na lahat ng may katayuan. Pagkaupo niya sa kaniyang pwesto ay nagsimula na agad si Bronx. Binuhay niya agad ang projector at sinimulan ang ginawa niyang presentasyon.

"Ito ang palatandaan at ebidensya na miyembro ng Dark Raven ang bumaril kay Ken at gustong pumatay sayo Alpha." Ipinakita ni Bronx ang panyong nahulog sa lugar ng insidenteng pagbaril kay Ken. Kulay pula ito at may tatak na black raven. Iniabot niya ito sa binata. Napakunot ang noo niya sa pamilyar na amoy ng panyo.

"The scent of this handkerchief is familiar. I think I smelled it somewhere." Sabi ni Alpha na ikinatahimik nilang lahat. "Pero nakalimutan ko kung saan."

"And Alpha I'm sorry I hacked Ken's facebook account." Huminto muna ng ilang segundo si Bronx, "I saw that Ken was receiving a threat. He just doesn’t say it." Napakuyom ang kamay ni Alpha sa nalaman. "Malakas ang kutob ko na parehong tao lang ang gustong pumatay sa inyo." Everyone was shocked by what the Bronx said.

"Alpha Uno's already know this. Tonight we will attack the Dark Raven. Everything is ready. All we need is your permission. Ayaw na niyang palampasin ang pagkakataon na ito. Buhay ng anak niya ang nanganganib dito." Ani ni Jhoyce, girlfriend ni Seth. Inilibot ni Alpha ang paningin. Hinanap ng mata niya ang kaniyang Beta.

"Nasaan si Seth?" Tanong niya.

"May mahalagang iniutos sa kaniya ang consigliere."Wika ni Viper.

"Maghanda na kayo at bigyan ng abiso lahat ng ating mga connection." Napakuyom ng kamay si Alpha. Kailangan na nilang turuan ng leksyon ang gang na yun. Masyado na silang maraming napipinsala at kasama na dun si Ken. Hindi makakalampas sa kaniya ang ginawa nila kay Ken.

"Masusunod Alpha!" Tumayo silang lahat at yumuko sa kaniya bago lumabas ng conference room. Siya at si Bronx lang ang natira sa loob ng silid.

"Kumusta si Ken?" Tanong ni Bronx.

"He's doing fine." Sagot niya. Tumayo siya at bumaling kay Bronx. "Give me the handkerchief." Mabilis na iniabot ni Bronx ang panyo sa kaibigan. He know Kaiser well. Sigurado siyang may pinaplano na ito.

Nagmamadaling lumabas si Alpha pabalik sa condo. Pagbukas ng pinto ay naabutan niyang nasa sala si Ken nanonood ng 2gether The Series. Hindi napansin ng binata ang kanyang pagdating. Focus na focus talaga ito sa panonood. Hinanap niya si Eryx. Napailing na lamang ito ng makita na tulog na tulog sa kwarto.

Lumapit si Alpha kay Ken. Sa likod ng sofa siya nagtungo at niyakap ang binata ng patalikod. Nagulat si Ken sa ginawa nito lalo na nung isinubsob ng binata ang mukha niya sa leeg nito. Damang dama niya ang init ng hininga nito.

Ken tapped Alpha's hand. "Oy anong nangyari sayo?" Tanong nito.

"Tu Me Manques." Sambit ng binata sa ibang lengwahe.


_____ ❣️ _____

A/N

Sorry po sa late update 😊
Naging busy lang ang inyong lingkod. Pero pipilitin ko pong makapag-update everyweek.

Please vote and comment! Thank you!

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now