Chapter 10: Vacation

504 30 0
                                    

Chapter 10: Vacation

"Ayoko na!" Giving up Ken said. Hanggang ngayon kasi ay hinahanap pa rin niya sa google ang salitang binitawan sa ni Alpha nung yakapin siya nito. Pabagsak siyang humiga sa kama. Pakiramdam niya ay sumasakit ang kaniyang ulo. "Aray!" Daing niya nung maramdamang kumirot ang sugat sa kaniyang likod. Umupo siya at tiningnan ang likuran mabuti na lamang at hindi dumugo ang kaniyang sugat.

Nagpaalam na aalis si Alpha kay Ken. May mahalaga daw itong misyon na gagawin na iniuutos ni Uno. Ken's wondering kung sino ba ang tinutukoy ni Alpha na Uno. Gusto sana niyang tanungin ang binata ngunit hindi na siya nag-abala pa dahil pagkatapos na pagkatapos na linisin ng doctor ang sugat niya ay umalis na rin ito agad. Nagbilin pa ito sa kaniya na wag siyang lalabas.

Kinuha niya sa mesa ang cellphone at sinubukang tawagan ang Ate Jane niya ngunit in a busy tone. Naisip niya na baka nasa trabaho pa ito knowing na marami laging pinapagawa ang Dad and Mom niya sa kapatid.

"Bakkklllaaaaaa!!!" Palatak na sigaw ni Justin sa kabilang linya. Alam ni Ken na magiging ganito ang introduction nito kaya nailayo niya agad sa kaniyang tainga ang cellphone.

"Hoy Justin umayos ka nga! Malapit mo ng mabasag ang speaker ng cellphone ko." Sarkastiko niyang sabi sa kaibigan.

"Paano ba naman kasi ang tagal mong hindi nagparamdam? Ano bang nangyari sayo ha? Pumunta ako sa condo mo pero wala ka dun. Saang lupalop ka ba nagpupunta? Nag-alala ako sayo." Mahabang litanya ng kaibigan niya. Napangiti siya kahit papano ay may kaibigan pala siya na nag-aalala sa kaniya.

Naisip ni Ken ang mga nangyari sa kaniya. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa kaibigan o hindi. Ngunit mas nanaig sa kaniya na wag sabihin dahil ayaw na niyang mag-alala pa ito. "Justin kausap mo na ako, so I'm alive." Birong sagot niya sa kaibigan.

"Honey..." Napakunot ang noo ni Ken ngunit nung may maalala ay napailing na lang siya.

"Ken I'll call you later na lang hmn you know?" Wika ni Ken.

"Oo mag-enjoy ka jan sa kabooking mo!" He ended up the call at muli na naman siyang napailing. Kahit kailan talaga hindi nauubusan ng kabooking ang kaibigan. Everytime na napapatawag siya dito ay sakto laging may kameet up ito.

Kinuha ni Ken ang laptop at binuksan iyon. Alas nwebe na rin ng gabi at maya-maya ay matutulog na rin siya. Wala naman siyang ideya kung anong oras babalik si Alpha kaya nagdecide siyang hindi na lang niya ito aantayin. Manonood na lang siya ng BL series upang magpa-antok.

ALAS kwatro y media nang makauwi si Kaiser mula sa ginawa nilang misyon. Puno ng gasgas at putik ang buong katawan niya.

Naabutan niya si Ken na mahimbing natutulog habang bukas na bukas pa ang laptop nito. Dumiretso siya banyo upang maligo. Dama niya ang hapdi ng kaniyang mga galos sa bawat patak ng tubig mula sa shower ngunit para sa kaniya ay balewala lang ito. Balewala lang ang mga ito kumpara sa mga saksak at bala na natatamo niya.

Pagkatapos maligo at magbihis ay dumiretso siya sa kwarto kung nasaan si Ken. Nang mapansing giniginaw ang binata ay kinuha niya ang kumot at kinumutan ito. Inalis muna niya ang laptop at in-shutdown ito bago naupo sa tabi ng Ken. "I will do everything to protect and defend you." Hinalikan ni Kaiser sa noo si Ken. Nung gumalaw si Ken ay agad na napatayo si Kaiser. Unti-unting nagmulat ang mata ni Ken.

"Alpha nanjan ka na pala? Anong oras ka dumating?" Tanong ni Ken at dahan dahang umupo.

"I've been here for awhile. Actually I was watching you earlier while sleeping. Ang cute mo palang matulog?" Pilyong biro ni Kaiser.

"Alam mo ikaw? Ki-aga aga." Sinamaan niya ng tingin ang kaharap. Napatawa naman si Kaiser. "Antok yan matulog ka na nga!" Tumango si Kaiser bilang sagot. Ngunit nang mapansin ni Ken ang galos nito sa braso at mukha ay agad niya itong pinigilan. Hinawakan niya ang kamay na ito.

"Ano yang nasa pisngi at mga braso mo? Mga galos ba yan?" Tumayo si Ken at hinarap si Kaiser. "Tell me, nakipagrambulan na naman ba kayo?" Daig pa niyang jowa kung magsermon.

"Look babe I'm fine! So don't worry." Ken rolled his eyes.

"Babe mo muka mo at ito ba masakit?" Pinisil ni Ken ang braso at sinundot gamit ang daliri ang pisngi ni Kaiser.

"F*ck!" Mura ni Kaiser.

"Oh ano yan ba ang masakit? Umupo ka jan!" Pagalit at naiinis na utos niya.  Kinuha niya ang first aid kit sa drawer at ipinatong ito sa mesa. Kumuha siya ng konting bulak at nilagyan ng betadine. Inuna niyang lagyan ang mga braso ng binata bago ang mukha nito. Panay naman ang reklamo ni Kaiser sa hapdi na nararamdam sa t'wing dumadampi ang bulak sa kaniyang galos.

Tumingin siya kay Ken na focus sa paggagamot sa kaniya. Napangiti siya ngunit napansin ito ng binata. "Oh bakit ka ngumingiti jan? Nababaliw ka na rin ba?"

"This is the first time someone has treated me and it feels good." Natigil siya sa mga sinabi ni Kaiser. Tama ba ang kaniyang mga narinig? Naramdaman na naman ni Ken na bumibilis ang tibok ng puso niya.

'Heart kalma, makisama ka please!' Wika niya sa isip.

Idiniin ni Ken ang bulak sa galos ni Kaiser kaya dumaing ito. Bumaling si Ken sa first aid kit at nagkunwaring inaayos nito. Huminga siya ng malalim. Mas magandang pigilan niya ang kaniyang sarili bago pa siya magsisi.

"Ken what's wrong? May nasabi ba akong mali?" Tanong ni Kaiser at lumapit sa nakatalikod na si Ken. Ramdam na ramdam ni Ken ang init sa kaniyang katawan.

"Pwede ba wag mo nga akong paglaruan!" Pasigaw na sabi ni Ken at umalis dala-dala ang first aid kit. Naiwang kunot ang noo ni Kaiser. Hindi niya maintindihan kung anong sinabi nito.

"What do you mean by that?" Habol na tanong ni Kaiser papuntang sala. Napahinto silang dalawa ng mapansin na nakaupo sa sala ang tatlo niyang kaibigan - si Seth, Bronx at Eryx.

"Wait kanina pa kayo dito?" Tanong ni Kaiser. Tumango naman silang tatlo. "So nakita nyo lahat ng yun?" Tumango silang muli, "F*ck!"

"Bibig mo!" Hampas ni Ken sa braso ni Kaiser.

"Don't worry bro wala kaming pagsasabihan ng romantic side mo." Sabay sabay na tumawa ang tatlo sa sinabi ni Eryx samantalang tiningnan lamang sila ng masama ni Kaiser.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Pag-iibang tanong ni Ken bago umupo sa katabing sofa ng tatlo. Nung mapadako ang tingin kay Kaiser ay inirapan niya ito.

"Kami ang dapat magtanong. Bakit di pa kayo nagreready?" Tanong ni Seth.

"Ready?" Takang taka si Ken.

"Teka hindi ba sinabi sayo ni Alpha?" Tanong ni Bronx. Umiling si Ken.

"Ang alin ba?" Tumingin siya kay Kaiser na iniiwas naman ang tingin at sumipol sipol.

"Were going in a trip. Pupunta tayong Batangas." Sagot ni Eryx. "Alpha di mo ba sinabi sa kaniya?" Umiling si Alpha.

Mabilis na tumayo si Ken samantalang tumakbo naman pabalik ng kwarto si Alpha. "Alphaaa!!!" Sigaw ni Ken sanhi para mapailing ang tatlo.

"Bakit di mo sinabi saken?" Tanong ni Ken habang hinahabol pa rin si Alpha.

"Bakit? Nagtanong kaba!?"

"Walang hiya ka!" Rinig na rinig sila sa sala.

"Naglaro ang mga bata." Komento ni Bronx kaya sabay sabay na naman silang napatawa.

_____ ❣️ _____

A/N

Please vote and comment. Thank you ❣️

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now