Chapter 18: The Gang War

417 16 1
                                    

Chapter 18: The Gang War

MAINGAT na nagmamasid ang Phoenix Gang sa hideout ng Dark Raven habang hinihintay ang hudyat kay Bronx. Sapagkat siya ang utak ng gang at siya lang ang magaling pagdating sa teknolohiya kaya sya ang magmomonitor sa lugar.

Napakatahimik. Tanging huni lamang ng panggabing insekto at ibon ang maririnig mo sa lugar. Nagkubli sila sa mga mayayabong na damo at matataas na puno iniiwasang lumikha ng anumang ingay.

Dalawang tao lamang ang nagbabantay sa entrada ng hideout. Tanging sila lamang ang nasa labas  at wala ka ng mababakas na anino ng ibang myembro ng Dark Raven. Sigurado sila na nasa loob lamang ang mga ito.

Maya maya ay lumabas ang dalawang lalaki at pinalitan ang kaninang nagbabantay. Nagsindi muna ang mga ito ng sigarilyo bago umupo sa maliit na bench malapit sa gate. Base sa buka ng bibig ng mga ito ay nagkukwentuhan ang mga ito. Kung minsan pa ay maririnig mo sa kanila ang mahinang tawa na umi-echo sa lugar.

Umilaw na ang relos ng bawat isa. Ibig sabihin ay nagbigay na ng hudyat si Bronx upang sumugod na sila.

Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Alpha at Seth direkta sa dalawang bantay. Silent gun ang  ginamit nila upang hindi  lumikha ng anumang ingay. Sumandal silang pareho sa wall ng magkabiling gilid ng gate.

Tumango si Alpha ng isang beses kay Seth upang magbigay ng command na dahan-dahang buksan ang gate. Nakuha naman ni Seth ang gusto nitong iparating. "Don't worry guys. It's clear." Wika ni Bronx na nasa kuta lamang nila nagmamasid sa ginagawa nila. Nagsign si Alpha kay Eryx na pumasok na sa loob na agad naman nitong nirelay sa iba.

Pagkapasok sa loob ay grupo silang naghiwa-hiwalay - grupo ni Seth sa bandang kanan at grupo naman ni Eryx sa bandang kaliwa, sila naman ni Viper sa bandang gitna. Malaki at malawak ang hide-out. Walang kahit na anong gamit maliban sa mga nakatenggang mga drums ng gasolina.

"Alpha," Tawag ni Bronx sa kabilang linya.

"Yes Bronx?" Mahinang sagot ni Alpha habang iniikot ang paningin at maigting na nakahawak sa kanyang baril.

"Based on my observation earlier at that front door, the two men entered. I think they have a secret passage there." Ani ni Bronx at sinubukan icheck kung may CCTV sa loob ngunit wala syang nakita. "Walang CCTV sa loob kaya hindi ko masigurado sa inyo na nasa loob nga sila. Be careful!" Napakunot ang noo ni Alpha sa sinabing iyon ni Bronx. May namuong palaisipan sa kanya.

"Fuck!" Wika niya ngunit huli na ang lahat dahil nabuksan na ng isa sa mga tauhan niya ang sinasabing pinto. Agad na lumabas ang hindi mabilang na miyembro ng Dark Raven Gang.

Nakatutok ang baril ay dahan dahan silang umatras. Napansin niya rin ang grupo ni Eryx at Seth na papalapit sa kanila. Ngayon ay pinapalibutan na sila ng kalaban. Sinasabi nga ba niya. Tama ang nasa isip niya. Alam ng kalaban na susugod sila.

"Shit!" Mura ni Bronx sa kabilang linya. Hindi niya ito inaasahan. Kanina lamang sa pagmomonitor niya ay wala namang bakas ni anino nilang lahat. Agad niyang tinawagan ang iba pa nilang members maging ang Royal Eagle Mafia. Hindi nya maaaring pabayaan ang mga kasama.

"Alpha, mukhang nagulat ka?" Sabay sabay silang tumunghay sa lalaking nakamaskara na nasa itaas na parte ng silid. Tumawa ito ng malakas ngunit malamig lamang itong tinitigan ng binata. Nasa mid 40's na siguro ito  base sa tindig nito."Oh my God giniginaw ako." Pang-iinsulto pa nito bago ito bumaba sa hagdanan na tumatawa-tawa. "Poor Phoenix, their group will be erased in the blink of an eye."

"Alpha, our connections are coming soon." Wika ni Bronx. Hindi nagpahalata si Alpha sa halip ay ngumisi ito.

"Are you sure?" Makahulugang tanong ni Alpha sa lalaking nakamaskara. Nagulat si Eryx, Seth at Viper sa sinabi niyang iyon. Lumapit sya ng konti sa lalaki. Agad na tinutukan siya ng baril ng myembro ng Dark Raven ganon din ang Phoenix na tinutukan din ang lalaki. "They say, victory is when they kill the leader of a group and the mess will end. Paano yan kapag namatay ka at namatay ako pareho lang na mabubura ang grupo natin?" Sarkastikong tumawa si Alpha pagkatapos niyang sabihin iyon. Napangisi si Eryx sa binanggit ng kaibigan. Kaya nga hangang hanga sya dito dahil sa talino nito. Sigurado syang may pinaplano ito.

"You have your point Alpha. Matalino! Kaya nga bilib na bilib ako sayo e." Ngising sabi ng lalaki habang sinisindihan ang malaking sigarilyo.

"You are the leader and I'm sure you are aware on our rules." Sabi ni Alpha at pinalagutok ang leeg niya.

"Of course pero hindi naman patas kung ikaw at ako ang maglalaban base sa edad mo at sa edad ko. May ibang magrerepresenta sa akin." Umupo ang lalaki at pumalakpak ng dalawang beses. Lumabas ang isang lalaki na sa tingin niya ay kaedad nya lang din ngunit mas matangkad ito sa kanya at mas malaki ang katawan. Malamig nya lang itong tinitigan. Walang takot na mababakas sa kanyang mukha. "Siya ang magrerepresenta sa akin, si Raven.Kapag natalo mo sya, makakalabas kayo dito ng buhay at asahan nyong hindi na namin kayo guguluhin ngunit kung hindi alam mo na kung ano ang mangyayari." Tumawang muli ang lalaki.

Pumagilid ang lahat para bigyan ng space ang dalawang maglalaban. Pumunta si Alpha at ang nagngangalang Raven sa gitna. Wala sa kanilang dalawa ang gumagalaw dahil parehong nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod.

Patakbong lumapit si Raven kay Alpha at nag-alpas ng malakas na suntok. Mabilis naman itong iniwasan ni Alpha at sinuntok ito sa tagiliran sanhi para mapaatras ang kalaban.

Si Alpha naman ang sumugod sa mga oras na ito. Isang suntok ang pinakawalan niya na sinundan ng malakas na sipa na hindi naman naiwasan ni Raven. Tumalsik ito sa lakas ng impact hanggang sa matumba ito.

Nakangising lumapit si Alpha kay Raven. Hinawakan niya ito sa magkabilang brasi ngunit sa hindi inaasahan ay sinaksak sya nito ng balisong na kutsilyo.

Napaatras si Alpha habang hawak hawak ang tagiliran niya. Pakiramdam niya ay nahihilo na sya at ilang segundo sigurado syang mawawalan siya ng malay.

"Alpha!" Rinig niyang sigaw ni Eryx. Kasabay nito ay ang sunod sunod na baril ng mga silent gun sa likuran ng miyembro ng Dark Raven na pinangunahan ni Bronx. Halos maubos ang mga ito. Samantalang mabilis na lumapit si Eryx kay Alpha para irescue ito.

"Taas ang kamay!" Maigting na wika ni Bronx sa lalaking nakamaskara. Nagsign sya sa mga tauhan nila na pusasan ang mga ito kabilang na dito si Raven.




KANINA pa paikot-ikot sa kwarto nya si Ken. Kung minsan pa ay paulit-ulit niyang binibisita ang cellphone nya. Kanina nya pa kasing hinihintay ang text at chat ni Alpha.

"Ano na kayang nangyari dun?" Kausap niya sa sarili. Nakakaramdam kasi siya ng kaba at hindi siya mapakali.

Huminga siya ng malalim para mabawasan ang kaba sa dibdib niya. "It's okay Ken. Think positive. Uuwi ng buo si Alpha. Yun pa! Masamang damo yun e." Kumbinsi nya sa sarili.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone nya. Mabilis niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Eryx?"

"Alpha is looking for you. Nandito ako sa labas para sunduin ka." Mababakas mo sa boses ni Eryx ang lungkot. Pagkarinig ni Ken sa mga katagang yun ay walang alinlangan siyang lumabas ng condo.

Mabilis siyang nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay ang kaibigan, "Eryx what happened? Nasaan si Alpha?" Sunod sunod na tanong niya sa kaibigan. Matagal ito bago nakasagot.

"Alpha was stabbed." Napasinghap siya sa narinig. "But don't worry, he's doing fine. We took him to the hospital. Hinahanap ka niya kaya sinundo kita dito." Napakagat siya ng labi sa sinabing iyon ni Eryx.

"Alpha..." Sambit niya sa isip nya. "Lord sana okay lang sya." Pinakalma niya ang kanyang sarili habang nasa byahe patungo sa hospital. Base kasi sa kwento pa ni Eryx pagkatapos ni Alpha sambitin ang pangalan niya ay nawalan ito ng malay. Hindi pa nila alam kung kailan ito magigising. Kaya nag-aalala sya para sa nobyo.





"Please wait for me, Alpha. Malapit na ako."

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now