Chapter 5: Dark Raven

877 47 45
                                    

Chapter 5: Dark Raven

DALAWANG araw na ang nakalipas mula nang maaksidente si Ken. At sa dalawang araw ding iyon ay hindi umalis sa tabi nito si Kaiser. Matiyaga nitong hinihintay na bumalik ang ulirat ng binata.

Ayon sa kanilang private doctor maayos na ang lagay ni Ken. Wala namang nakitang komplikasyon sa binata tanging sugat at gasgas lamang sa ulo, mukha at braso ang natamo nito. Ngunit ang ipinagtataka nila ngayon ay kung bakit hindi pa bumabalik ang malay nito. Hindi pa ito nagigising.

Sa condo unit niya dinala si Ken nang maaksidente ito. Pinapunta na lang niya ang private doctor niya upang gamutin at suriin ito. Gustuhin man niyang sa hospital ito dalhin ngunit mas mahalaga ang seguridad nito.

"Hey sleepy head, wake up!" Wika niya habang nakatitig sa mukha ni Ken. May bendahe ito sa kaliwang ulo at may konting gasgas sa mga pisngi nito. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at matamang pinisil. "I promise when you wake up I will stay by your side." Nakangiting sabi niya at muling pinisil ang kamay nito.

"Alpha," Lumingon siya kay Eryx habang nakapamulsang palapit sa pwesto niya, "Hinihintay ka na nila sa sala." Wika niya habang nakatingin sa nakahigang si Ken, "Ako muna magbabantay sa kaniya." Tinapik ni Eryx ang braso ng kaibigan. Ilang segundo ring tumitig si Kaiser kay Ken bago nagdesisyong tumayo.

Pagkalabas ng kwarto ay nadatnan niya si Bronx at Seth na seryosong nag-uusap sa sala ng condo unit niya. Tutok ang tingin ng mga ito sa laptop, may kung anong bagay na sinusuri. Lumingon ang mga ito kay Kaiser ng maramdaman nilang papalapit siya. Umupo siya sa sofa kaharap ng dalawa.

"Kai, look at this." Iniharap ni Bronx ang laptop kay Kaiser upang ipakita ang larawang kanina pa nila sinusuri. Isa itong itim na singsing na gawa sa black silver. May nakakurba o nakaukit ditong pamilyar na uri ng ibon, a raven.

"Nakuha namin iyan sa mga bangkay ng mga lalaking humahabol kay Ken." Paliwanag naman ni Seth at inilabas ang maliit na box na nanggaling sa ilalim ng mesa. Binuksan niya ito at inilabas ang mga nasabing singsing.

Kinuha ni Kaiser ang isang singsing at pinakatitigan ito. Ilang segundo rin niya itong sinuri hanggang may mapansin siya dito.

Agad siyang bumaling sa laptop at iginalaw ang cursor nito upang i-zoom ang image. Nakita niya ang dalawang salita na nakaukit sa parteng shank ng ring. Medyo maliit ito kaya hindi mo mapapansin.

'Dark Raven', mahinang basa niya pero sapat na marinig ng dalawang kaibigan niya. Mabilis ang mga itong lumapit sa kaniya. Sa bandang kanan si Bronx at sa bandang kaliwa naman niya si Seth.

"We hadn't noticed that earlier." Ani ni Seth. Inagaw ni Bronx ang laptop kay Kaiser at may kung ano-anong pinindot doon.

"All data is stored and its files are protected." Ipinakita ni Bronx ang walang mga lamang files. Kahit information ay walang nakalagay dito.

"Baka may iba pa d'yan. Kalikutin mo pa." Utos ni Seth. Tumango lamang si Bronx. Siya lang kasi ang maraming alam pagdating dito. Hangang nanood lamang sina Sethat Kaiser sa ginagawa ng kaibigan.

"What the! Sh*t!" Napamura siya, "I tried to hack their data but the security was too strong. My laptop was unable to replicate it so it was down." Paliwanag ni Bronx.

Namagitan sa kanilang tatlo ang katahimikan. Pare-pareho silang nag-iisip. "I don't think those behind it are unusual. We need to be careful. Bronx try to find more information about Dark Raven." Command ni Kaiser.

"Yes Alpha." Tumango lamang si Kaiser.

"Seth ikaw na ang bahalang magpaliwanag nito sa committee." Baling naman ni Kaiser kay Seth. Tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.

"Alpha!" Sabay-sabay silang napalingon kay Eryx. Sobrang lapit lang ng distansya ng kwarto mula sa sala ay hiningal ito. "S-Si K-Ken gising na." Sabi nito habang sapu-sapo ang dibdib niya. Mabilis na tumayo si Kaiser at patakbong tinungo ang silid.

"Alpha waited for his Luna to wake up." Birong sabi ni Seth sanhi para mapatawa ang dalawa. Sumunod sila sa loob ng kwarto.

"Eryx please call the doctor and tell him Ken is awake." Natatarantang utos ni Kaiser sa kaibigan. Agad naman siyang sinunod ni Eryx. "Ken may masakit pa ba sayo? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng tubig? Do you hear me?" Sunod sunod na tanong ng binata kay Ken.

Sinubukang umupo ni Ken ngunit hindi niya kinaya kaya inalalayan siya ni Kaiser. Napahawak siya sa bandang ulo niya na may bendahe. Kumirot kasi iyon ng bahagya. "Nauuhaw ako." Wika nito. Agad namang nagsalin si Kaiser ng tubig sa baso at dahan-dahang pinainom si Ken.

"Anong nangyari?" Nagkatinginan silang lahat sa tanong na iyon ni Ken. Nagtaka sila kung bakit hindi nito naaalala.

"You don't know what happened to you?" Umiling si Ken sa tanong na iyon ni Seth. Sinubukan rin niyang alalahanin pero wala talaga siyang maalala. Napangiwi siya ng makaramdam ng konting kirot sa ulo niya na may bendahe.

"Magpahinga ka muna saka mo na lang alalahanin yun kapag okay ka na." Concern na sabi ni Kaiser nang mapansin ang simpleng pagngiwi nito. Inalalayan nitong muli na makahiga ito. "Hindi ka ba nagugutom?" Umiling lamang siya.

Pagkalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang tinawagan nilang doctor. Agad nitong sinuri ang katawan ni Ken. "His vital sign was good compared to the first day." Ani nito.

"Pero doc bakit hindi niya maaalala yung nangyari sa kaniya?" Tanong ni Eryx. Nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa.

"It's because of his traumatic head injury kaya nagkaroon s'ya ng temporary memory loss at hindi niya maalala ang nangyari sa kanya. Wag kayo mag-alala oras o araw lang babalik na rin mga ala-ala niya." Paliwanag ng doctor sa kanila. May kung ano pang ininject ang doctor kay Ken bago ito lumabas ng kwarto kasabay nina Bronx, Seth, at Eryx.

"Ano ba talagang nangyari saken?" Mayuming tanong ni Ken kay Kaiser. Umupo naman ang binata sa tabi niya. Huminga muna ito ng malalim at tinitigan siya sa kaniyang mata. Ilang segundo rin ang itinagal ng naging titigan nilang iyon.

"Gusto mo talagang malaman?" Tumango si Ken bilang sagot, "You were in an accident and you were two days unconscious." Hindi makapaniwala si Ken sa narinig niya mula dito. Sinubukan niya muling alalahanin ang sinasabing aksidente ng kausap ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya maalala. Two days din pala siyang in a comma state.

"How did I get here?"

"We save you and I brought you here." Napakunot ang noo ni Ken sa naging sagot na iyon ni Kaiser. Marami na namang katanungan ang namuo sa kaniyang isipan. Hindi niya inaasahan na sa pangalawa nilang pagkikita ng binata ay sa ganitong set up. Magsasalita pa sana siyang muli ngunit inunahan siya ni Kaiser. Nahalata kasi ng binata sa ekpresyon ng mukha nito na marami itong gustong itanong.

"Let's say you are my responsibility. I have the duty to protect you."

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now