Chapter 23: Behind The Story

303 17 18
                                    

Chapter 23: Behind The Story

"Kai parang gulat na gulat ka yata?" Nang-iinsultong tanong ni Seth habang nakangisi. Lumapit ito kay Ken at ikiniskis ang dulo ng baril sa pisngi nito. Umiiyak na umiwas si Ken sa ginagawa nito. Ikinuyom ni Kaiser ang kaniyang mga palad.

"Seth why are you doing this?" Malamig na tanong ni Kaiser.

"Why am I doing this?" Hindi sumagot si Kaiser. Lumapit sa kaniya si Seth habang pinupunasan ang hawak niyang baril. "Edi ba ako dapat ang nasa posisyon mo inagaw mo lang?" Ngumisi si Kaiser. Hindi niya lubos maisip na ito lang ang dahilan ng kaibigan kung bakit pinasok ang kaguluhang ito.

"Is that your only reason? Napakababaw." Nagngitngit sa galit si Seth sa sinabi nito. Sinuntok nito sa pisngi si Kaiser sanhi para maout balance ang binata. Tinadyakan pa nito ito sa tiyan. Nabitiwan ni Kaiser ang hawak na karton at lumabas doon ang medallion. Kukunin na sana niya ngunit naunahan siya ng tauhan ni Seth. Pinilit niyang tumayo habang sapu-sapo ang kaniyang tiyan. Pinunasan niya ang konting dugo na tumulo sa gilid ng labi niya. Nagpumiglas si Ken sa kinatatayuan niya. Umiling lamang si Kaiser kay Ken para sabihing okay lang siya.

"Seth, hindi ko inagaw sayo ang pagiging Alpha." Pagpapaliwanag niya. Inihinto ni Seth ang pagsuri sa medallion na hawak hawak niya at bumaling sa kaniya.

"Hindi inagaw? Ako ang nanalo sa paligsahan noon ngunit ikaw ang hinirang na Alpha ng Phoenix. Palibhasa pabor sayo si Uno kaya ikaw ang pinili." Napakunot ang noo ni Kai. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay hindi pa rin pala tanggap ng kaibigan niya ang pagkatalo.

6 years ago...

"Gangsters are you ready?" Tanong ng Caporegimes sa nakahilirang gangster sa harapan niya.

"Yes captain!" Sigaw na sagot ng lahat. Nagsigawan naman lahat ng tao na nasa Arena. Chinicheer ang gustong kalahok. Ngayon kasi gaganapin ang paligsahan kung sino ang karapatdapat na hiranging Alpha ng Phoenix Gang.

"Sa paligsahang ito masusukat ang galing, talino, lakas, at ang puso ng totoong Alpha. Kung sino ang makakapag-abot sa akin ng medallion na nagsisimbolo sa gang ay siyang mananalo. Ang kalahok na lalampas sa line ng battle field ay automatic talo na." Tinanggal niya ang pulang tela na nagtatakip sa salaming kahon na naglalaman ng medallion. Lumabas na rin ang dalawang malalaking tao na akala mo'y higante na magbabantay sa medallion. Ito ang magsisilbing pagsubok sa mga kalahok. Sumenyas ang kapitan na patunugin na ang gong hudyat na simula na ang paligsahan.

Mabilis na nag-unahan ang mga kalahok patungo sa medallion. Agad nagbigay ang mga ito ng atake sa dalawang taong nagbabantay. Sa sobrang laki ng katawan ng mga ito ay tila bang hindi ang mga ito tinatablan.

May iilan na rin sumuko. Ngunit may limang nananatiling nakatayo ng matatag - sina Kaiser, Seth, Bronx, Eryx, at si Viper.

"Grabe namang mga tao na ito daig pang mga bato ang katawan. Hindi tumatalab ang mga suntok natin. Sumasakit na ang kamao ko." Reklamo ni Eryx.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now