Chapter 24: Proposal

435 17 6
                                    

Chapter 24: Proposal

"Ken umalis ka na dito! Umalis ka na baka maabutan ka pa nila!" Nanghihinang sabi ni Alpha kay Ken. Hawak hawak nito ng tagiliran niyang duguan dahil sa tama ng baril.

"No! Hindi kita iiwanan dito." Umiiyak na sambit ni Ken, "We promised that we will end this together. Kaya kahit anong mangyari hindi kita iiwanan dito hanggang kamatayan man." Pagkabi niya nun ay inalalayan niya ang kasintahan para makalabas at makaalis sa lugar na iyon. Madilim. Hindi pamilyar sa kaniya.

Nang maaaninag ang liwanag sa labas nabawasan ang takot ni Ken. Sa wakas ay makakaalis na rin sila sa nakakatakot na lugar na iyon.

"Yuhooo...where are you guys?" Tumawa ito ng malakas sanhi para kilabutan si Ken. Daig pa nitong demonyo sa nakakatakot na tawa nito, "Hindi kayo makakaalis dito ng buhay." Muli na naman itong tumawa kaya mas binilisan pa ni Ken ang lakad niya habang akay akay si Alpha.

Malapit na sila sa pintuan ay bigla niyang nabitiwan si Alpha sa lakas ng impact ng baril na tumama sa likuran ng kasintahan. "Alpha!" Sigaw niya. Sunod sunod na tumulo ang luha niya, "Someboday help us! Alpha!" Patuloy na tangis niya.

"Ken...Ken..." Tawag ng kung sino sa kung saan ay hindi niya alam.

"Please help us!" Iyak pa rin niya.

"Hey! Wake up!" Habol hiningang nagmulat si Ken. "Binabangungot ka. Okay ka lang ba?" Tumango lamang siya sa lalaking kaharap.

Wooh! Ang samang panaginip naman nun, sabi niya sa isip.

"Gusto mo ng tubig?" Umiling lamang siya.

Nang bumalik siya sa kaniyang wisyo at nanlaki ang mata niya. "W-Wait! I'm not dreaming right?" Tanong niya sa lalaking kaharap. Kinurot kurot pa niya ang pisngi nito. Nang marealize na hindi talaga siya nanaginip ay dinambahan niya ng yakap ang lalaki.

"Easy! My back hurts." Daing ni Alpha. "Hindi halatang namiss mo ako ah." Biro ng binata ngunit tumulo ang luha ni Ken.

"Sorry." Paghingi niya ng tawad.

"Hey, hey, sshhh don't cry. Ang mahalaga ay okay ka." Hanggang ngayon ay siya pa rin ang iniisip nito.

"Kung hindi lang san naging matigas ang ulo ko at pinakinggan ko ang paliwanag mo. Hindi sana aabot sa ganito. Kasalanan ko." Pinunasan ni Alpha ang mga luha ni Ken na tumulo sa pisngi nito. "Mom and Dad explained everything and I judged you all guys kahit na alam ko na inaalala nyo lang ang kaligtasan ko. I'm so sorry."

"Shhh it's alright. I'm here right beside you. Kicking pa rin." Tumawa ng bahagya si Alpha.

"Kicking ka jan! Almost one month kang walang malay." Hinampas ni Ken si Alpha sa balikat nito sanhi para dumaing ang kasintahan. "Sorry." Hinila ni Alpha si Ken at masiil na hinalikan sa labi.

"I miss you." Wika ni Alpha at hinalikan ulit. Ilang minuto nilang pinagsaluhan ang matamis at marupok na halik. Kung wala lang sila sa hospital ay baka siguro iba na ang ginawa nila.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now