Chapter 3: Alpha

1.1K 66 59
                                    

Chapter 3: Alpha

AMOY ng alak, malakas na tugtog, at iba't ibang kulay ng ilaw sa dance floor ang bumungad kay Ken pagkapasok sa loob ng bar.

Walang namang ipinagkaiba sa ibang bar- madilim, maingay, at mausok. Marami ka ring makikitang nagmi-make out sa tabi-tabi.

Dumiretso si Ken sa counter at naupo sa isang stool doon. "One glass of tequila please." Request niya sa bartender. Nakasuot ito ng all clean white shirts, bow ties, braces at smart black trousers. Very sophisticated ang looks bagay na bagay sa bartender.

"Here you go sir." Nakangiting sabi ng bartender nang iabot sa kaniya ang glass of tequila. Nagpasalamat naman siya dito.

Napapapikit siya habang tinutungga ang alak. Gumuguhit kasi ito sa kaniyang lalamunan. This is not his first time uminom ng ganitong alak pero kapag umiinom siya nito parang first time niya lagi. Sa tapang ba naman ng alak na ito.

"Hey handsome boy!" Lumapit sa kaniya ang isang babae. Nakasuot ito ng mesh top na bulgar ang hinaharap at nakasuot ng pekpek short. Daig pa nitong nakahubad sa paningin niya. Isinakbit ng babae ang magkabilang kamay sa leeg niya.

Tiningnan ni Ken mula ulo hanggang paa ang babae at ngumiti, "Sorry I'm not into girls." Nakangisi niyang sabi sabay kindat sa babae.

Mabilis na inalis ng babae ang mga kamay nito kay Ken pagkasabi niya ng katagang iyon. Masama ang tingin habang papaalis ang babae. Napatawa siya ng bahagya.

Yes! He's not into girls because he is gay but a discreet one. Tanging siya lang, ate niya, at ang dalawa niyang matalik na kaibigan ang nakakaalam. He is a closet guy. Hindi mo mahahalata sa kilos at anyo niya. Sa gwapo niyang iyan mahahalata mo pa bang lalaki ang gusto niya?

BOTTOMS up ang ginawa ni Ken sa pangatlong tagay niya ng tequila. "Whooh!" Sigaw niya nang gumuhit sa lalamunan niya ang alak.

Pagkababa ng maliit na baso sa counter ay naramdaman na niya ang pangangapal ng mukha at pag-ikot ng kaniyang paningin.

Sinubukan niyang manood sa dance floor ng mga nagsasayaw, sumasabay sa indayog ng malakas at nakakabinging tugtog pero parang mas lalo lang siyang nahihilo.

Napahawak siya sa sintido niya at madahang hinilot hilot ito. Lasing na talaga siya. Napapangiti pa sya dahil sa kaalamang napakababa talaga ng tolerance niya pagdating sa alak. Bago pa siya magkalat sa bar ay nagdesisyon na siyang lumabas.

Umalis siyang gumegewang gewang sa kaniyang pwesto. Panay ang paghingi niya ng 'sorry' sa kung sinomang nasasagi niya. Kahit na umiikot ang paningin alam naman niyang kaya niya ang sarili. Sa katunayan ay hindi naman ito ang unang pagkakataon na uminom siya mag-isa. Madalas kasi ay kasama niya ang barkada niya sa tuwing pupunta siya sa bar. Ngayon ay parang gusto niya muling mapag-isa kaya nagtungo siya dito at uminom mag-isa.

Pagkalabas sa bar ay agad siyang nag-abang ng taxi. Alas tres na ng madaling araw kaya sigurado siyang pahirapan na naman ang pag-aabang niya ng sasakyan papauwi sa condo unit niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ng paghihintay ay may taxi na huminto sa harapan niya. Pero ang nakakapagtaka ay iba ang kulay ng sasakyan, malayong malayo sa kulay ng taxi. Gayunpaman ay isinawalang bahala na lang niya ito dahil hilong-hilo na talaga siya at gusto na niyang magpahinga.

"Sa Honorata St. lang po." Pilit niyang itinuwid ang kaniyang mga salita. Pagkasabi niya nun ay pumikit na siya. Sigurado naman na gigisingin siya ng driver kung makatulog naman siya.

Maya-maya ay naramdaman ni Ken na huminto na ang sinasakyan niya. Dahil sa sobrang kalasingan at hilo ay hindi na niya nakayanan pang imulat ang kaniyang mga mata. Gising ang diwa niya ngunit hindi naman umaayon ang katawan niya.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now