Chapter 4: Accident

1K 50 31
                                    

Chapter 4: Accident

"HINDI nagkataon ang pagpunta ng Black Knight sa Blackswan bar upang ihatid sa may-ari ang mga droga kundi planado ang lahat."

Nasa isang mahalagang pagpupulong si Bronx kasama ang Alpha, Beta, si Eryx at ang ibang miyembro ng Phoenix na may katungkulan ding katulad nila.

"Ang ibig mo bang sabihin ay setup lang ang lahat?" Nagtatakang tanong ni Blaze, head advisor ng Phoenix sanhi para bumaling lahat sa kaniya ang atensyon ng mga kasama niya at dahilan din ng pagbuo ng ingay sa loob ng silid. "Anong iba pang sadya nila kung hindi ang mga droga?" Dagdag pa nito.

"They used drugs to distract us." Seryosong wika ni Kaiser na sa isang iglap lang ay tumahimik agad ang buong silid, "They planned to divert our attention to carry out their plan to capture Uno's son." Sapat na ang sinabi ni Kaiser para masagot ang katanungan ng lahat.

"That means Uno's son is in danger." Ani naman ni Seth. "Viper mayroon na bang update sa mga captives?" Baling niya sa head council o tagalitis ng Phoenix.

"Beta as of now ay isinasagawa pa rin namin ang paglilitis. Hanggang ngayon ay pinapaamin pa namin sila kung sino ang utak ng pangyayaring ito." Tumango lamang si Seth sa naging sagot ni Viper ngunit sigurado naman siyang makukuha nito ang sagot. Expert kasi si Viper sa ganitong mga bagay dahil wala siyang pinapapalampas. Hindi niya titigilan ang mga captives hanggang umamin kahit pa malagutan ang mga ito ng hininga.

"What's our plan now?" Tanong ni Jhoyce habang pinupunasan ang hawak niyang baril. Siya ang head supplier ng gang. Grupo nila ang nagsusuplay ng baril, weapons, at iba pang kailangan ng miyembro ng gang. Siya rin ang kasintahan ng Beta na si Seth kaya ganon na lamang ang titig ng binata dito. She mouthed 'why' nang mapansin ang kasintahan. Ngumiti lamang si Seth sanhi para mapairap si Jhoyce.

"Once we find out who is the mastermind we are going to execute the plan." Bumaling naman lahat ng mata kay Eryx. Walang nagsasalita sapagkat naghihintay sila sa susunod nitong sasabihin. Umayos siya ng upo sa swivel chair at pignagkrus ang dalawang kamay. "We will attack them. We will show who they are against."

Phoenix is ranked number one not only here in the Philippines but worldwide. A gang where a coward goes to hide. Nobody tries to fight them because they can't. No one dares.



HILA-HILA ni Ken ang maliit na maletang dadalhin ni Jane pabalik ng Thailand habang naglalakad patungong departure area. Inannounce na kasi na limang minuto na lamang ay sasakay na ng eroplano ang mga passengers.

"Be careful brother. Please take care of yourself. If you have any needs just call me." Jane said while caressing his cheeks. Kahit na sanay na siyang mag-isa hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. "I will miss you little bro. I promise if I don't have enough work I'll visit you again."

Tumango si Ken at ngumiti para itago ang lungkot. He knew he wasn't okay. "I will miss you ate." Mabilis niyang niyakap ang nakatatandang kapatid. Agad niyang pinunasan ang luha na tumulo sa kaliwa niyang pisngi. Sa totoo lang ay ayaw na niyang umalis muli ang kapatid.

Nag-announce na ang airport employee na kailangan ng sumakay ng mga passenger sa eroplano. Hinalikan muna ni Ken sa pisngi ang ate niya bilang pamamaalam bago ihatid ng tingin.

Nang nawala na sa paningin ni Ken ang kapatid ay lumabas na siya ng airport. Dumiretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Habang nagdadrive ay binuhay niya ang radio ng sasakyan niya. "And I would do anything for love." Sabay niya sa kantang 'I would do anything for love' ng Meatloaf.

Nang makarating sa high way, napansin niya sa side mirror ng kaniyang sasakyan ang dalawang itim na kotse na nasa likuran niya.

Itinabi niya ng konti ang kaniyang sasakyan upang paunahin at bigyan ng daan ang mga ito. Ngunit parang hindi yata nakukuha ng mga ito ang kaniyang ipinupunto.

Napairap na lang siya at binilisan ang pagpapatakbo. "Kung ayaw nila, edi wag!" Inis na sabi niya sa sarili.

Napansin niyang nakisabay sa bilis ng kaniyang sasakyan ang mga sasakyang nasa likuran niya. Nakaramdam siya lalo ng inis.

Pagkatingin niyang muli sa side mirror nakita niya na wala palang plate number ang dalawang kotse. Napakunot ang noo niya. "Are they crazy?" Dinoble niya ang speed ng sasakyan. Mabuti na lamang ay batikan din siya pagdating sa pagmamaneho ng sasakyan.

He knew it was not by chance. He knew they were following him.

Binuksan niya ang map ng kotse niya. Naghanap siya ng eskinita na pwedeng pasukan upang lituhin ang mga sumusunod sa kaniya.

Nang may nakita na siya ay agad niyang iniba ang kaniyang direksyon. Hindi ito inaasahan ng dalawang kotse kaya lumampas ang mga ito. "Yes!" Tagumpay na sigaw niya. Kahit alam niyang delikado for some reasons parang nakaramdam siya ng tuwa. He never been experience this kind of adventure.

Maya-maya ay napalaki ang mata niya ng mapansing papasalubong sa kaniya ang dalawang kotse kanina. Agad siyang lumiko upang umiwas sa mga ito. Medyo maliit ang eskinitang ito kompara sa eskinita kanina. Sa sobrang kipot ng daan ay nahahagip niya ang mga basura na nasa gilid ng daan. Napapailing siya sa kaisipan na pagkatapos ng pangyayaring ito ay sa carwash siya babagsak.

"Wooh! That was close!" Natatawang sabi niya. Na-eenjoy talaga niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Salamat sa ate niya dahil tinuruan siya nito ng husto magdrive. Nagamit niya ang skills niya.

Pagdating niya ay nakasunod na naman sa kaniya ang dalawang kotse. Tumingin siyang muli sa map. Wala ng ibang eskinita na pwedeng likuan. Sa highway muli ang labas ng tinutumpok niyang direksyon.

Tinapakan niya ang accelerator para dagdagan muli ang speed ng sasakyan niya sanhi para marating niya agad ang highway.

Sa hindi inaasahan, hindi niya napansin ang isang trailer truck. Mabilis kinabig ang preno ngunit huli na ang lahat. Nahagip nito ang unahan ng kaniyang sasakyan.

Parang nabingi si Ken sa bilis ng pangyayari. Naramdaman niya ang kirot sa kaniyang ulo at ang pagdaloy ng mainit na likidong tumulo mula sa kaniyang ulo pababa sa pisngi niya.

Nakaramdam siya ng hilo kaya napapikit siya. Alam niyang sa susunod na segundo ay mawawalan na siya ng malay.

Sa sobrang kirot ay ninanais na niyang matulog ngunit mga minuto lang ang lumipas narinig niya ang sunod sunod na putok ng baril. Gusto niyang tingnan kung anong nangyayari ngunit hindi na niya magawa pang imulat ang kaniyang mga mata.

'Ito na ba ang huli kong buhay?'

Pagkatapos ng putukan ay naramdaman ni Ken na bumukas ang pinto ng sasakyan niya. "Ken!" Pamilyar sa kaniya ang boses ng lalaking tumawag sa kaniya. Mababakas mo sa tono nito ang pag-aalala.

Maya-maya ay nasalat niya na may kamay na dahan-dahang bumubuhat sa kanya palabas ng kotse. He carry him in a bridal style. Lumapat ang ulo niya sa dibdib nito sanhi para marinig nito ang bilis ng tibok ng puso nito. Sumiksik din sa ilong niya ang mabangong amoy nito. Sinubukan niyang imulat ang kaniyang mga mata upang maaninag kung sino ang lalaking tumulong sa kaniya.




"A-Alpha..." Nahihirapang salita niya. Ramdan niyang may tumulong luha sa pisngi niya.










"You're safe my Luna." Huling salitang narinig niya sa lalaki bago ito mawalan ng malay.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now