Chapter 2.

14 3 0
                                    

JANICE POV.

" Pre mamaya kana bumangon." Sabi ko kay Chorus at sinipa sya sa muka, agad kong tinakbo ang ibang kalaban at sabay itong iniuntog sa pader.

" Leader nyo mahina, kayo langgam." Sabi ko ng makitang wala ng malay yung dalawa.

May kumapit sa braso ko, pero mabilis ang naging kilos ko at naibalibag kona agad sya, hindi pako nakuntento at pinilipit pa patalikod yung braso nya kaya napa sigaw sya sa sakit.

" Moan baby moan." Pang aasar ko..

" Tangina tamana pag lalaro Janice." Sabi ni Yuki kaya napa simangot ako na parang nasaktan sa sinabi nya.

" Sakit mo sa mata." Sabi ko..

Agad konang pinatulog sa isang suntok yung kalaban, shet! Napa unat ako ng makita ang back up nila Chorus, sabi na at meron mga tarantado.

" Bring it on baby." Sabi ko at mabilis silang pinatumba isa isa, may binalian ako ng braso at may hinagis rin kung saan..

" Aray!." Napa tingin ako kay Yuki ng dumaing ito, kapit na pala sya ni Cactus, kala ko mamaya pa gising ng sleeping handsome.

" Pre mamaya kana sumingit, masyado kanang pabibo." Sabi ko at sinapak yung mag tatangkang suntukin ako.

" Hey babe.. nakakaselos bakit mosya kinakapitan?." Sabi ko, sinamaan ako ng tingin ni Yuki.

" Janice! Stop playing around and be serious for Pete's sake!." Bulyaw sakin ni Yuki habang nasasaktan.

" Panong stop?." Pang aasar ko, binatukan ako ni Jeff ng makalapit nasya sa tabi ko.

" Tensyonado ang face ng giraffe ko." Sabi ko..

" Stop this, tulungan na natin si Yuki Janice." Seryosong sabi nya, hindi manlang sya kumagat sa joke ko, tarantado binalewala ako, di koyon matatanggap.

" Edi tulungan." Sabi ko at sumunod na kay Jeff, agad na hinagis samin ni Chorus si Yuki dahilan para matumba si jeff, naka ilag kasi ako.

" Welcome." Sabi ko kay Yuki na ikina sama ng tingin nya, nag banat ako ng buto bago harapin si Chorus.

" Alam ko namang malakas ka, pero mas legit ako kasi ako ang original." Sabi ko at malakas syang tinadyakan sa sikmura, lumapit ako sa kanya ng naka pamulsa bago itulak patumba ang katawan nya gamit ang paa ko.

" Tangina, hindi kapa ba nadala? Pang ilang talo mona ba? Talagang gusto mong natatalo ka ng isang magandang gaya ko ano?." Natatawang sabi ko, ng mapansin kikilos nasya ay diniinan ko ang pag kakaapak sa dibdib nya at ngumisi.

" Favorite na tuloy kita, tangina ang gwapo mong nilalang kaso may pag ka sablay sa utak." Naiiling na sabi ko.

" Damn you bitch!."

" Bakla ampota." Sabi ko at pinag sasampal ang pisngi nya dahilan para mas magalit sya, agad nyang tinabig ang binti ko dahilan para mahulog ako sa sahig at sya naman ngayon ang bumawi, tinadyakan nya ang sikmura ko ng napaka lakas kaya napa ubo ako.

" Papatayin na kita!." Gigil na sabi nya, ngumisi ako.

" Try mo, masamang damo yata to." Pang aasar kopa, sasapalin na sana nya ako ng may unang sumapak sa kanya..

" Janice tamana to." Seryosong sabi ni Jeff at sya na ang bumugbog kay Chorus kaya nanood nalang ako, wow gandang palabas neto hahaha..

" Hanep, kaya mo naman pala Mr Pampers e." Sabi ko, ng wala ng malay si Chorus sinamaan nya ako ng tingin at tinayo ako.

" Tamana nato Janice, kung hindi kalang rin mag seseryoso wag kanang lumaban." Sabi nya, hindi naman ako natinag sa sinabi nya at ngumisi pa.

" Alam kong maganda ak__."

" Cut it off Janice." Malamig na sabi nya.

" Kung malamig ka hot naman ako." Sabi ko bago sila iwan don, kala nya siguro ay madadala nya ako sa ganong astahan nya, pwes nag kakamali sya pwe!

NG maka uwi na ako sa bahay ay nahiga na ako, napa kapit ako sa tyan ko ng kumulo ito.

" Hanep, iba talaga pag maganda, magugutumin." Sabi ko at pumunta sa kusina para mag hanap ng pag kain, kaso ubos na, alangan namang yung alaga kong ipis kainin ko, tanga lang?

Lumabas ako para mamili ng pagkain sa groceries store, nag hanap ako ng pang iistock korin.

Matapos mamili ng kung ano ano ay nag lakad nako pauwi, trip kolang, napa tigil ako sa pag lalakad ng may biglang tumawag kaya sinagot ko agad.

" Hello babe?."

" Kelan kaba pupunta dito? Yung anak mo miss kana." Sabi nya kaya napa ngiti ako.

" Bukas, pupunta ako dyan, dadalan korin ng pasalubong si Gemini, anong ginagawa nya?." Tanong ko, kay kurt lang talaga ako matinong mag salita at baka palayasin nya ang anak namin.

" Nag lalaro, sige na tinanong lang kita." Sabi nya sabay end ng call, sya lang talaga ang ganyan sakin, kulang nalang ako na mismo mag handa ng kabaong nya sa sobrang pag ka irita ko sa kanya.

Umuwi na ako sa bahay at inayos ang pinamili kong pag kain, siguro yung paborito nalang na food ni Gemini ang bibilin ko sa kanya.

Nag luto narin ako para makakain na, pag tapos ko mag luto ay kumain narin ako, masyado na kasing gabi, at buti nalang wala akong na encounter napangit sa labas..

Pag tapos kong kumain ay napag pasyahan ko munang tumambay sa labas para mag pahangin, hindi ko manlang maramdaman ang pagod, kelan bako makakatagpo ng taong kaya akong patumbahin? Pero mukang wala ng ganon tao, ang boring naman pala kung ganon.

Napa lingon ako sa di kalayuan, kung saan madilim, parang may naramdaman akong naka tingin sakin, putangina, pag talaga may stalker ako baka mapatay koyon..

Tumayo nako at hindi nalang pinansin yung naramdaman ko, umakyat nako sa kwarto para makapag linis na ng katawan kahit tinatamad na ako.

Mabilis lang ako nag linis ng katawan pag tapos ay nahiga narin sa kama, ang sarap talagang matulog, pero pano nanga pala yon? Mauubos na ang pera ko, kailangan konang makahanap ng pag kakakitaan psh..

Dibale, maganda naman ako, wala akong di kayang gawin, kaya bukas kona poproblemahin yon.

Niyakap ko ang unan ko dahil komportable akong natutulog ng laging yapos ang unan ko..

Napa hikab pako bago maramdaman ang pag bigat ng hininga ko, bago ako tuluyan maka tulog.

The Darkness King 1(5D)Where stories live. Discover now