Chapter 45.

8 3 0
                                    

JANICE POV.

" Lady Janice.. please wag kang umalis, mayayari kami kay Master Dark!." Tarantang sabi nila Kim..

" Ano ba!? Aalis ako kung gusto ko! Kung tanggalin nyaman ako edi tanggalin! Mga motherfucker layas!." Inis na sabi ko at nag pupumiglas pa..

" Lady Janice please, Nakakatakot magalit si Master Dark." Pag mamakaawa ni Kim sakin..

Marahas kong kinalas ang sarili ko sa kanila at nag tagumpay ako, tiningnan ko sila ng napaka sama kaya napaatras sila.

" Subukan nyopang kapitan ako, hindi ako mag dadalawang isip na pag bali baliin ang mga buto nyo." Seryosong sabi ko, hindi na sila nakaimik pa at hinila kona paalis si Yuki.

Ng makalabas, sumakay na kami sa Taxing dumaan, tahimik lang si Yuki sa tabi ko.

" Sabihin mo kay Jeff, umorder ng isang case ng beer, pag punta natin don gusto konang uminom." Seryosong sabi ko na agad naman nyang ginawa.

Tumingin ako sa labas, napapikit ako ng mariin ng kumirot ang puso ko, naaalala ko nanaman yung isang araw, putang inang secretary yan, gusto kosyang patayin.

Pinigilan kong maiyak, hindi ko alam kung may nangyare nanga ba sa kanila, sa ngayon, ayoko munang isipin yon.

Ng makarating kami sa Star Bar kung saan lagi akong nag pupunta pag nalulungkot..

Pumasok na kami sa loob, agad naman rin naming nakita si Jeff sa malapit sa counter, umupo ako at kinuha ang isang beer at nilagok..

" May problema bayang si Janice?." Takang tanong ni Jeff..

" Ewan ko, hindi ko naman sya makausap ng maayos kahapon, tas ngayon para syang dragon." Sabi ni Yuki.

Pabaksak kong binaba ang bote na ikina tingin nila..

" Bakit?." Tanong ko..

" May problema ba Janice? Muka kang problemado e." Sabi ni jeff kaya napa tawa ako.

" Hindi naman, ayos lang ako, medyo bored lang kaya mainit ang ulo ko kanina." Sabi ko..

" Kamusta naman kayo don? Ayos lang ba kayo?." Tanong nya, ngumiti naman ako ng pagka tamis tamis sa kanya.

" Ok lang, masaya, pero mas masaya dito sa labas, hindi ako makagawa ng kalokohan don sa loob, ni wala akong makaaway, hindi sanay ang katawan kong hindi nasasaktan." Sabi ko..

" Janice, mas ok ngadon e, wala kang nakakaaway, tyaka iwas narin don sa taong gustong pumat__."

" Shut up Yuki!." Bulyaw ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

" Bakit ba!? Totoo naman ah!." Balik na bulyaw nya sakin.

" Kailangan ko ang taong yon." Sabi ko..

" Ano? At bakit? Papatay__."

" Tang ina mo! Manahimik ka!." Sabi ko..

" Guys.. tigil na wag kayo mag away." Sabi ni Jeff..

Inis na kumuha si Yuki ng bote at nilagok rin, kaya napa iling nalang si jeff..

" Guys.. nandito tayo para mag bonding, wag kayo mag away." Sabi ni Jeff..

" Sure." Sabi ko at uminom ulit.

" Mag kwento naman kayo, tagal rin nating di nag kita." Sabi nya.

" Masaya naman, pumunta kami sa lugar ng parents ni Dark, mabait sila, talagang feel mo na welcome ka." Sabi ko.

" Feeling konga, totoo kona silang pamilya, sobrang saya ko ng mafeel na para akong mag nanay at tatay, hindi kona maisip kung kelan ko huling naramdaman yon sa magulang ko." Sabi ko..

" Buti naman kung ganon, masaya ako na masaya kayo, e ikaw Yuki? Kamusta naman?." Sabi ni Jeff..

" Same.. masaya nga don, para kaming buong pamilya kung mag turingan, medyo nakakalungkot din dahil hindi ka namin kasama." Sabi ni Yuki, kaya bahagyang natawa si Jeff.

" Ano kaba? Wag kayong malulungkot pag wala ako, mag kikita parin naman tayo." Sabi nya, ngumiti ako at tumayo, niyakap kosya na ikina gulat nya.

" I miss you giraffe." Malambing na sabi ko at niyakap sya ng mahigpit..

" Huy Janice.. lasing kana ba?." Sabi nya at pilit akong nilalayo sa kanya, umiling ako.

" Miss nga kita, di moba kami namiss?." Sabi ko at naupo na ng ayos sa tabi nya.

" Syempre namiss ko kayo, matagal na tayong mag kakaibigan e." Sabi nya kaya napa ngiti ako.

Uminom lang kami habang masayang nag kekwentuhan, ni hindi konga namalayan na nakakalimang bote na ako.

" Cheers!." Ngiting sabi ko at sabay sabay naming pinag dikit ang mga bote namin.

" Hmm! Sarap!." Sabi ko habang pinupunasan ang labi ko..

" Ang tagal narin simula ng makapag inom tayo." Sabi ni Yuki..

" Oo nga e, nakakamiss talaga." Sabi naman ni Jeff..

" Iba kasi pag kasama talaga ang kaibigan, mas loyal kaya ang kaibigan." Sabi ko..

" Bakit? Di ba loyal sayo si Dark?." Tanong ni Yuki, napa sinok naman ako.

" Ewan ko!." Sabi ko at tinungo ang ulo sa mesa, nahihilo narin kasi ako.

" Teka ano? Bakit sila naba ng boss nya?." Takang tanong ni Jeff..

" Oo jeff.. nagulat nga ako dahil sila na e." Sabi naman ni Yuki, inangat ko ang ulo ko at napasandal sa upuan.

" Bakit!? Inggit kalang e!." Maingay na sabi ko dahil sa kalasingan, ok lang yon, maingay rin naman dito sa bar gawa ng tugtog.

" Sus! Bahala kayo sa buhay nyo!." Sabi ni Yuki at uminom ulit, kumuha pako ng isa pang bote at uminom, napa sandal ako sa balikat ni Jeff dahil sa sakit ng ulo, feeling korin na umiikot na ang paligid ko.

" Lasing kana Janice, wag kana kayang uminom?." Sabi ni Jeff at kukunin sana yung kapit kong bote ng ilayo ko.

" Ayos lang ako." Sabi ko at naupo ng maayos, napa tungo ako, humikab rin ako dahil parang nakakaramdam na ako ng antok.

" Gusto kopang uminom!." Sabi ko at nilagok pa ang hawak kong bote.

Ng mababa ko ang bote, bigla akong sininok kaya napatawa ako, para akong tanga na tumatawa dahil lang sininok ako.

" Hindi kona kaya." Sabi ni Yuki na nakapatong na ang ulo sa mesa.

" Mahina ka pala e." Sabi ko, kukuha pa sana ako ng isa ng may humablot ng braso ko, napa tingin ako sa taong yon, nanlalabo ang mga mata ko kaya napa kurap kurap ako para makita kung sinong nasa harapan ko.

" What are you doing to yourself?." Malamig na sabi nito, pinikit ko ang mga mata ko, hindi kona kailangan kilalanin pa.

Hindi pako nakakapag salita ng hinigit nanya ako palabas ng bar.

The Darkness King 1(5D)Where stories live. Discover now