Chapter 9.

9 3 0
                                    

JANICE POV.

Pag tapos kong bugbugin si Chorus ay iniwan kona sila at kinuha ang pinamili ko..

Pinupunasan kopa ang dugong dumadaloy sa muka ko, lintek ayaw tumigil..

" WHAA!!." Sigaw ng babae kaya nag labasan yung iba para makichismis, nagulat rin sila ng makita ako, napa irap ako.

" Anong reaction yan? Ngayon lang kayo nakakita ng dugo? oa nyo ah." Sabi ko at inabot kay Clara ang plastic bag, lalampasan kona sana sya ng kapitan nya ang braso ko..

" Teka.. anong nangyare sayo? Grabe pag durugo ng ulo mo, nabangga kaba?." Alalang tanong nya, inagaw ko naman ang braso ko.

" Kinagat ako ng cobra, kaya kinagat korin." Sabi ko bago sila iwan don.

LUMIPAS ang mga araw at wala nakong ginawa kundi ang mag linis at mangutang, syempre, saan paba ako kukuha ng pera?

" Uy.. tingnan mo may alikabok pa, ayaw ni master ng may alikabok kahit konti." Sabi ni Clara kaya inirapan kosya.

" Anong gusto mong gawin ko dito dilaan ko? Tyaka wala naman yang si boss, wag kayong maarte." Sabi ko at pinag patuloy ang ginagawa.

" Kahit na, paano kung nandito na? Nakakatakot magalit yon maniwala ka." Sabi nya..

" Ano bang pake ko sa taong yon? Ginagawa ko naman ang trabaho ko, kung kulang parin edi linisin nyo ulit." Sabi ko at tinalikuran nasya.

Nag linis nalang ako at pumunta sa kusina para uminom, nakakapagod talaga mag linis dito sa mansyon, masyadong malaki..

Ng matapos akong uminom ay nilagay kona sa lababo, ows, ang linis, wala talagang alikabok..

Hinugasan kona ang baso na ginamit ko at bumalik na ulit sa pag lilinis, namimiss kona sila lalo na si Gemini, kamusta na kaya yon sila? Ni hindi manlang ako tawagan psh.

" Oh ano yan?." Taas kilay na sabi ko kay Clara ng makita syang pinupunasan ang nalinis kona.

" Sabi ko naman sayo, bawal dito ang may alikabok, nako, kung ako sayo pag iigihin ko pag lilinis para di mapa alis."

" Oh? Iiyaka kana nan?." Sabi ko, napa hilot sya sa sentido nya na para bang stress na stress..

" Tamana yang mga linyahan mo, sumasakit ulo ko."

" Panong masakit?."

" Ewan sayo." Sabi nya at iniwan ako kaya napa tawa nalang ako, iiling iling na pinunasan ko nalang ulit yung bintana, arte eh, ayaw pa ng linis ko.

Pag tapos kong maayos na ang lahat ay naupo muna ako at kinapitan ang labi ko, shit, lala palang manapak ng mga ungas, pati pisngi ko masakit pa e..

Hinihimas kolang ang pisngi kong may pasa ng lapitan ako ng isang babae, eto yung tumawag kay Leona..

" Hi kaibigan ni Leonardo." Sabi ko, bahagya naman syang natawa.

" My name is kim, tara kain na muna." Pag aaya nya, tinaasan kosya ng kilay, aba himala, mabait kaibigan ni Leona, boring..

" Wag na baka may lason pa pag kain ko." Sabi ko..

" Wala yon, tara na." Sabi nya at hinigit ako, tinaboy ko naman sya, masyado syang feeling close e.

Pag pasok namin sa kusina ay nandito na ang lahat, naupo na kami at kumain.

Tahimik lang ako dahil ang sarap ng ulam, pakbet galing sa pwet, kinabet sa muka ni Leona na feeling mabaet, shet!.

Joke lang, masarap talaga yung pakbet, sino kaya nag luto? kinulang lang sa isang magic sarap, mas masarap parin talaga luto ko.

" Tangina!." Bulalas ko ng mapatingin sa sabaw kong sinigang, kaya napa tingin sila.

" Bakit?." Takang tanong ni Clara, ngumisi ako bago tingnan si Leona na bored na naka tingin sakin.

" Sinigang, para sa maasim na si leona, sing lansa ng isda." Sabi ko na ikina kunot ng noo nya, tumawa sila kim kaya tinaasan ko sila ng kilay.

" May nakakatawa mga ungas?." Tanong ko, umiling sila.

" Wala, kumain ka nalang, kung ano ano pang sinasabi mo." Sabi ni Kim at natatawa paring kumain.

" Sana mabilaukan ka." Sabi ko, agad naman akong napahalkhak ng mabilaukan nga si kim..

" Bobo.. karma ka ngayon no! Tawa pa!." Sabi ko at todo pang tumawa, napa iling nalang sila at pinag patuloy ang pag kain.

Syempre pag tapos ay nag pahinga muna at ginawa narin ang trabaho, hindi naman pala sila ganon kaasim, nakikipag kwentuhan pa sakin, tapos kinekwento nila kung gaano kasama ang ugali ng boss namin. Ows.

" Anong bang dapat gawin pag naka uwi na yon?." Tukoy ko sa boss namin.

" Una sa lahat, babatiin mosya ng welcome home master, master lagi ang itatawag mo sa kanya, at wag kang sasagot sagot." Sabi nya kaya napapatango ako.

" Pedi korin basyang sabihan ng maasim? Tutal mas bagay sa kanya sing asim ng kilikili nya." Sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

" Tama kanang bruha ka, subukan molang at tanggal ka agad." Sabi nya kaya inirapan kosya.

" Gumalang ka." Sabi naman ni kim na ngingiti ngiti pa, tinaasan kosya ng kilay.

" Ano yan? Ngiting aso kana ba?." Biglang nag tawanan sila kaya napa simangot si Kim.

" Baka ikaw mag ngiting aso dyan pag nakita mo si master." Ngising sabi nya.

" Baka ikaw mag laway, wag mona akong idamay." Sabi ko at inirapan sya kaya nag tawanan nanaman sila.

" Hoy! Kung alam molang, baka umatras yang dila mo." Ngising sabi nya..

" Tigilan moko tangina mo." Sabi ko, tumayo nako at nag unat ng katawan.

" Ano? May gagawin paba? Gusto ko munang matulog." Sabi ko, ang aga ko kasing nagising kanina, ay male pala, ang aga nila akong ginising, dapat daw ay masanay nako, baka sila'y maupakan ko, pasalamat talaga sila at kaya ko mag pigil.

" Nako ang tamad talaga." Rinig kong sabi ni leona.

" Bakit inggit ka? Gumaya ka." Sabi ko, inirapan nya naman ako, wow.. ayos talaga tong babaeng to, siguro kung wala to wala akong mapag titripan, meron pala, nandito naman sila kim.

" Meron pang isang gagawin." Sabi ni Kim at nginisian pa ako.

" Sige gawin nyona." Sabi ko at aalis na sana ng mag salita pa si Kim.

" Ikaw ang gagawa non." Sabi nya.

" Ano bayon?." Tanong ko.

" Dahil masarap ka mag luto, ikaw ang mag luluto." Sabi nya, tinaasan kosya ng kilay.

" Bakit naman? Tamad nyo." Sabi ko at iniwan na sila.

The Darkness King 1(5D)Where stories live. Discover now