JANICE POV.
Kinikilig akong nag lalakad pababa, shet ka Janice! Ikaw na talaga! Shet ganda ko, biruin nyo yon, hinarana ako ng isang Dark Vlades, shet!
" Hoy bruha!." Tawag sakin ni Clara kaya tiningnan kosya, naka kunot ang noo nya ng lumapit sakin at tinaasan pako ng kilay..
" Abot langit ang ngiti ah, anong meron?." Takang tanong nya.
" Syempre, ako kaya ang angel ng langit." Pag yayabang ko.
" Ewan sayo, tara nga." Sabi nya at hinigit ako papunta sa sofa at naupo kami.
" Ano ba?." Inis na sabi ko at binawi ang braso ko.
" Tantanan mo muna ako sa kasungitan mo Janice, mag kwento kana."
" About saan?." Tanong ko kaya napa irap ang mala globo nyang mga mata na ang sarap tusukin.
" About sa inyo ni master dark, duh! Ano? May something ba sa inyo?."
" Wala no, bat mo naisip e wala ka namang isip." Sabi ko.
" Lintek talaga bunganga mo no? Mag kwento kana kasi." Pangungulit nyapa kaya napa irap ako.
" Ano bang pinupunto mong hayop ka?." Inis na sabi ko.
" Alala mo nung nag grocery kayo ni master dark? Pag uwi nyo naka pulupot yung braso nya sa bewang mo, o! With the m! And g! Omg! Pano mo ipapaliwanag yon!?." Kinikilig na sabi nya.
" Ganito kasi yon." Sabi ko kaya bahagya pasyang lumapit dahil sa excitement.
" May braso sya kaya napulupot nya." Sabi ko na ikina sama ng tingin nya.
" Pilosopo ka talaga! Maging seryoso kanga!." Bulyaw nya sakin.
" Bat naman kita seseryosohin? Jowa ba kita?." Barang sabi ko na ikina irap nya.
" Kwento mona kasi, parang timang e."
" Pag may 31 na sa February, tyaka ko ikekwento." Ngising sabi ko.
" Heh! Tigilan moko sa mga katarantaduhan mong salita! Sabihin mona kasi!."
" Oh.. wag kang iiyak." Sabi ko na ikina simangot nanya, natawa naman ako.
" Joke lang, sige nanga sasabihin kona." Sabi ko kaya napa ngiti sya.
Kinwento kona sa kanya lahat, pati narin nung makauwi ako pag tapos ng isang linggo, dahil sa pag kuha sakin ni Red.
Pag tapos kong mag kwento, manghang mangha sya na parang tanga.
" Astig mo naman!." Puri nya.
" Fetus palang alam kona." Pag yayabang ko na ikina iling nya naman.
" Osya sige, alis nako at may gagawin pa pala ako." Sabi nya kaya tumango lang ako at tiningnan syang papaalis.
KINABUKASAN, maaga akong gumising para pumunta na sa bahay ni kurt, kahit pa pinag bawalan na ako ni dark na lumapit sa kaibigan ko.
Tatakas nalang ako, bahala na mamaya pag uwi ko, mag papalusot nalang ako.
Patakbo akong lumabas ng mansyon ni Dark, hinarang naman ako ng mga guard's nya.
" Saan kapo pupunta lady Janice?." Magalang na tanong nila.
" May kikitain lang." Sabi ko at dadaan na sana ng pigilan nila ako.
" Sino po lady Janice? Ihahatid napo namin kayo." Sabi nya, tangina, lagi nalang may ganitong eksena, laging may humaharang sakin tas mag tatanong.
" Wag na."
" Alam poba to ni master dark?." Tanong nila, pag ako di nakapag timpi sa dami ng tanong nila, baka maupakan kona to.
" Bat ba ang dami nyong tanong? Umay naba kayo? Kasi ako umay na umay na sa pag mumuka nyo." Iritang sabi ko.
" Pasensya napo lady Janice, ginagawa lang po namin ang trabaho namin."
" Pupunta ako kay Red." Pag sisinungaling ko..
" Alam poba to ni mast__."
" Tang ina! Paulit ulit, padadaanin nyoko o isusumbong ko kayo kay dark? Papagulpi korin kayo sa jowa ni Red na si Decker." Pananakot ko sa kanila na mukang epektibo naman kaya yumuko sila at tumabi, napa ngisi naman ako dahil don.
" Tatabi din pala kayong mga duwag." Sabi ko at pacool na nag lakad sa gitna nila, ng mapansing malayo layo nako, agad nakong nanakbo at baka sabihin pa nila kay dark.
Sumakay ako ng taxi, syempre, gaya ng dati, utang ulit, sinabi kona ang location at naka hinga ng maluwag.
" Buti at naka takas." Sabi ko at napa hagikgik pa sa saya, ng maka rating agad na akong bumaba at tiningnan ang bahay ni Kurt..
Bukas yung ilaw kaya alam kong nasa loob sya, agad nakong pumasok ng walang katok katok at nakita syang nasa sofa nag kakape.
" Hey babes." Malambing na sabi ko at lumapit sa kanya na ikina tingin nya..
" Don't call me babes." Sabi nya, naupo ako malapit sa kanya kaya lumayo sya, tangina talaga neto aba.
" Saan si Gemini?." Tanong ko.
" Anong balak mo pag magaling na si Gemini?." Tanong nya at hindi pinansin ang tanong ko, sira ulo talaga.
" Pag magaling nasya at nabayaran kona si Dark, aalis na ako at mamumuhay ulit kasama si Gemini." Sabi ko kaya natahimik sya, hindi ko mabasa ang emosyon nya, naka tingin lang sya sakin.
" Ako naman sagutin mo, nasaan si Gemini? Maayos naba sya?." Tanong ko pero hindi nanaman sya nag salita.
" Hoy kurt! Tinatanong kita!." Bulyaw ko sa kanya kaya umiwas sya ng tingin.
" Medyo ayos ayos nasya." Nag aalin langan ang sagot nya kaya nag taka ako.
" E nasan sya?." Takang tanong ko, takang taka nako sa kinikilos nya ah, nag aalala na tuloy ako kay Gemini.
" Nasa health care pasya."
" Gusto kosyang makit__."
" Hinde pede." Sagot nya na ikina kunot ng noo ko, bakit? Maayos ayos naman na sya ah? Bakit hinde pede?
" Bakit?."
" Binabantayan sya don ng naayos at inaalagaan, pero may isa lang silang sinabi."
" Ano yon?." Kina kabahang sabi ko.
" Pedi syang mamatay kung ilalabas agad sya, dahil may virus syang nalanghap, kaya hindi pa pweding dalawin si Gemini, pag naka recover nasya at masigla na, pedi nasyang iuwi, tatawagan kita pag may nasabi na sila." Paliwanag nya na ikina lungkot ko.
Gemini, baby ko.. pasensya na dahil hindi muna tayo mag kikita at mag kakalayo pa tayo ng matagal, I miss you.. Tumayo ako kaya tumayo rin sya.
" Kumain kana ba?." Tanong ko pero umiling sya.
" Sige mag luluto ako, gutom narin ako e." Sabi ko at pumasok na sa kusina para mag kalikot sa ref..
Ng may makuha na ako ay agad narin akong nag luto, napa tingin ako kay kurt na naka upo sa upuan habang nag ccp, ngumiti ako ng palihim at nag focus na sa niluluto ko.
YOU ARE READING
The Darkness King 1(5D)
FanfictionTHE DARKNESS KING CAN'T LOSE THE HEART.. When the Darkness king spoke, and say the word 'mine', what will you gonna do? Should you let him own you and control you from everything around you? Would you let him be so possessive and harm people who bl...