Chapter 44.

6 3 0
                                    

JANICE POV.

Limang linggo na ang nakalipas, hindi ako makapag paalam kay Dark na lalabas kami sa isang araw na, pano ako makakapag paalam e hindi kona naaabutan na umuuwi si dark, pag gising at pag tulog wala.

Minsan ngadaw ay hindi alam nila Clara kung umuuwi paba ito, nakakatampo sya, ni hindi manlang ako matext o matawagan, hello! May taong nag iintay sa kanya.

Hindi rin naman sya nag tetext sa text ko, kaya paano ko masasabing aalis ako?

" Huy ano na? Nakapag paalam kana ba?." Tanong ni Yuki.

" Muka bang nakapag paalam na ako? Ni anino nyanga di kona nakikita." Sabi ko.

" Hala! Baka may babae nayang boyfriend mo!." Gulat na sabi nya, napa irap naman ako.

" Malabo yan." Sabi ko.

" Nako Janice, sa tulad nya hindi malabo yon, sa gwapo at yaman ni Dark imposibleng wala, halos mag kandarapa na yata ang mga babae dyan sa boyfriend mo, tas bigla nalang nahulog sayo? Alam ko naman na maganda ka, muka kangang angel e, pero yang si Dark, iba yan, may kapangyarihan yan at ikaw? Ano kaba? Diba wala?." Sabi nya..

" Bat moba pinapamuka sakin na wala akong kapera pera? Oo wala akong pera at kapangyarihan gaya nya, malay mo talagang nahulog lang sya sa charm ko." Sabi ko.

" Ewan sayo, tingnan mo, wala ng paramdam sayo, kung ako sayo mag iisip isip nako." Sabi nya bago ako iwan.

Napa tingin ako sa kawalan dahil sa mga sinabi nya, tama naman sya e, sino ngaba ako? Hindi ako famous gaya ng iba, hindi ako mayaman, ganda lang ang kaya kong ipag laban.

Oo minsan naiisip korin na baka nag bibiro lang si Dark, baka gusto nyalang akong pag laruan, baka niloloko nyalang ako, tyaka panong di ako mag tataka, ayaw nya akong paalisin ng mansyon.

Boyfriend kosya, hanggat kami pa, mag titiwala ako sa kanya, kahit na medyo nakakapag taka yung ipinag uutos nya kila Clara.

Napa tingin ako sa phone ko na kapit kapit ko ng mag vibrate ito, dali dali kong tiningnan at baka si Dark na ito, pero hinde.

He's a big lie Smith, you don't deserve to be happy, break up with Vlades, because he's never been serious on you, he's a big liar..

Sabi nya, napapikit ako ng mariin, dumagdag pa ito sa problema ko, lagi nalang syang nag sasabi ng ganyan, hindi kosya paniniwalaan, boyfriend kolang ang paniniwalaan ko.

Papatayin kona sana ang cp ko ng mag text ulit sya, hindi kona sana papansinin dahil puro lang katarantaduhan ang pinag sasabi nya ng may mabasa ako.

Ram..

I know who killed your brother, Ram Smith right?


Sabi nito, humigpit ang kapit ko sa cp ko at mabilis na nag type ng letra.

Who the hell are you!? Tell me!


Ng masend kona, inintay ko na mag reply sya, talagang mag wawala na ako pag binlock nya ulit ako ng hindi sinasagot ang tanong ko.

I'm your biggest nightmare Janice Smith

Sabi nito bago ako binlock, gigil na gigil kong binaba sa sofa ang phone ko, sino basya? Putang ina! Sino kaba!?

Pinakalma ko ang sarili ko, kahit anong galit ko, hindi koparin sya mapapatay, alam nya kung sino ang pumatay sa kapatid ko, kailangan kong malaman kung sino yon.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Dark, nahiga ako sa kama nya at niyakap ang unan nya, napa hinga ako ng malalim ng maamoy ang mabangong amoy nya.

" Baby.. uwi kana, miss na kita." Sabi ko..

Naka tingin lang ako sa kisame habang iniisip si Dark, nag pagulong gulong rin ako sa kama dahil sa kaboringan.

Tumayo ako at palabas na sana ng mapatingin ako sa closet room ni Dark, dahil wala naman akong gagawin pumasok ako don..

Napaka ganda at amoy na amoy ko si dark dito, parang nakulong ang amoy nya dito, napa tingin ako sa kahon sa taas ng kabinet, naka pad lock rin na maliit..

" Ano naman kaya ang laman non? Mukang importante masyado." Sabi ko, hindi ko nalang pinansin at lumabas na ng kwarto ni Dark, nagulat kaming pareho ni Clara ng mag kabanggaan kami.

" Oh Clara? Saan punta?." Takang tanong ko.

" Nag luto kasi kami ng letche flan, papunta nanga sana ako sa kwarto mo e, bat ka pala nandyan sa kwarto ni master dark?." Tanong nya, kinuha ko naman ang maliit na tray na dala nya.

" Namiss kolang si Master dark, sige salamat dito ah." Ngiting sabi ko, aalis na sana ako ng kapitan ni Clara ang braso ko.

" Bakit?."

" Lady Janice, may problema kaba? Kanina kasi, nakita kitang galit na galit kanina." Sabi nya, pinaka titigan ko muna sya bago nag iwas ng tingin.

" Wag mokong intindihin, ayos lang ako." Sabi ko at iniwan nasya, pumasok na ako sa kwarto ko at nilapag ang tray sa mesa, nahiga ako sa sofa at tumingin sa kisame.


He's a big lie Smith


he's a big liar..


Napapikit ako ng mariin ng maalala ang sinabi ng gagong yon, hindi ko alam kung maniniwala ba ako, isa syang misteryosong tao na may alam sa buhay ko..

Pero kung sakali ngang nag sisinungaling sakin si Dark at hindi nya ako mahal, wala akong magagawa, pero kung nag loko sya, papatayin ko muna yung babae nya.

Napa hinga ako ng malalim dahil sa mga iniisip, hindi naman ako mag kakaganito kung nag paparamdam sya, pero hinde e, para akong na ghost.

Kinuha ko ang cp ko, susubukan ko ulit syang tawagan, dinail kona ang number nya, at nag ring narin sa wakas, napa ngiti ako ng sagutin nya.

" Hel___."

" Hello?."

Napa tigil ako ng marinig ang boses nayon, nangunot ang noo ko, bakit nya hawak ang phone ng boyfriend ko?

" Bakit nasayo ang phone ni Dark?." Kunot noong tanong ko sa kanya.

" Ops.. sorry, tulog pa kasi si sweetheart, why? Pedi mo naman sabihin sakin ang sasabihin mo." Sabi nya, parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi nya.

" Pakausap kay Dark." Sabi ko..

" Per___ Alina.. let's go, may gagawin pa tayo.. Ok! Wait me there." Sabi ni Alina..

" You here what my sweetheart said? May gagawin pa kami, wag kamunang istorbo."

Sabi nya bago patayin ang call, napatulala ako, don sya natulog? Narinig ko? Narinig ko ang boses nya.

Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mata ko, fuck shit..

The Darkness King 1(5D)Where stories live. Discover now