Chapter 3.

9 3 0
                                    

JANICE POV.

" Hi babe!." Tawag ko kay Kurt ng maka pasok, yayakapin kona sana ito ng lumayo sya, napa simangot ako.

" Duh arte! Parang di kaibigan ano? 2 year's na tayong mag kaibigan pero ayaw mo parin mag payakap, ano gay kaba?." Tanong ko na ikina kunot ng noo nya.

" Puntahan mo nalang si Gemini." Sabi nya kaya inirapan kosya, hinagis ko sa kanya yung isang plastic bag na ang laman ay favorite food nya.

" Tyaka kana mag pasalamat pag taong lupa kana." Sabi ko habang papalapit kay Gemini.

" Hi baby! Miss moko no? Syempre naman, sino bang di makakamiss sa gaya ko?." Sabi ko at binuhat sya at niyapos.

" Arf! Arf!." Natuwa naman ako ng tumahol sya at naka ngising tiningnan si kurt na naka upo na.

" Miss nya ako, ikaw miss moko?." Pang aasar ko sa kanya, pero mukang nabaliktad lang dahil ako pa naasar sa kanya.

Bakit ba hindi tumatalab yung mga pang aasar ko sa kanya? Robot bato? Tangina, ni ayaw nga mag pahawak kahit konting dikit ayaw.

" Ayos kalang kurt? Tangina pumapangit kana." Natatawang sabi ko, ah, sige, ayaw mo palang mainis ah.

Agad akong tumalon patabi sa kanya pero agad syang lumayo, pero lumapit ako, pero lumayo ulit, isa akong sakit sa ulo nung baby palang ako, kaya mas makulit ako ngayon.

" Tangina mo!." Bulyaw ko ng tumayo nasya at iniwan ako dito, hanep na lalaking yon, kala mo pinag lihi sa sama ng loob.

" Gemini, pangit nya talaga ano?." Sabi ko, ng tumahol ito napa ngisi naman ako at hinimas ang balahibo nya.

" Tama yan, ganyan nga, sakin kalang kakampi kasi maganda ako." Sabi ko, napa tingin ako kay kurt ng mag lapag ito ng tray na may pagkain.

" Kian na." Sabi nya sabay labas, napa iling nalang ako at kinain na ang hinanda nya, kahit na ganon sya ay may kabaitan parin namang natitira sa loob nya, pero konti lang.

Naalala ko, paubos na pera ko, baka may alam si kurt na pedi kong pag pasukan, matalino naman ang ungas nayon e.

" KURT!!." Sigaw ko kaya bigla nalang syang pumasok at hinarap ako.

" What?."

" Wash your face before you spokeneng English ok?." Sabi ko na ikina kunot ng noo nya.

" Joke lang, may alam kabang peding pasukan ko? Para laging may masarap na pang kain tong si Gemini, hindi peding hindi to kakain." Sabi ko, tinitigan nyalang ako, gago natulala sa ganda ko haha..

" Ano nafall kana sa karisma ko?." Pang aasar ko sa kanya na ikina iling nyalang.

" Ano na?." Naiinip na tanong ko, tagal sumagot parang tanga.

" Meron akong alam, pero baka hindi mo kayanin, at siguradong hindi mo tatangapin, pero malaki ang kikitain mo kung sakaling don ka." Sabi nya.

" Bat ano bayon?." Takang tanong ko, naupo sya malayo sakin, parang tanga nag uusap kami tapos ang layo nya.

" Nag hahanap sila personal maid, kada isang bwan may 100,000 kana agad." Sabi nya na ikina ngiwi ko, aba jackpot nako kung nag kataon.

" Ayos naman pala yung kita, kaso ano? Personal maid? Tangina, sa ganda kong to magiging yaya lang ako?." Hindi makapaniwalang sabi ko at nag flip hair pa.

" Wala kana bang ibang alam?." Tanong ko, umaling naman sya..

" Yun lang ang alam ko, tyaka yung pag sisilbihan modon, hindi pa nakakauwi, pero maganda kung may experience kana para hindi sayo magalit yung boss mo." Sabi nya.

" Baka bigwasan kopa boss ko pag nagalit yon." Sabi ko.

" Wag kang barumbado don, baka hindi ka mag tagal."

" Lolo mo." Sabi ko, lumamig naman ang tingin nya kaya binilatan kolang sya.

" Bahala kana sa buhay mo kung ayaw mo." Sabi nya sabay tayo, papaalis na sana sya ng binato kosya ng unan kaya inis syang humarap sakin.

" May sapak kaba sa utak? Ikaw kaya mag maid." Sabi ko at inirapan sya.

" Dito na muna ako tutulog hanggat wala pang trabaho, baka maubos kolang pag kain ko sa bahay kung mag iistay pako don." Sabi ko at pumasok sa kwarto kung saan ako natutulog pag napunta ako dito.

" Gemini, diba ang magandang tulad ko hindi dapat yaya ang trabaho? Dapat nga nasa mga office ako, o kaya secret agent nalang para malaki pa sweldo, kaso wala pakong mahanap na ganon, tanginang buhay." Sabi ko habang kinakausap si Gemini na naka tingin lang sakin habang malikot ang buntot.

" Hanap nalang ako bukas, bonding muna tayo." Sabi ko, ng tumahol sya napa ngisi ako.

" Ano sabi mo? Maganda ako? Syempre naman, ako na ang pinaka magandang amo mo kaya be proud." Sabi ko sabay tawa.

Dumapa ako at nilaro laro sya, kung tumatae lang talaga ako ng pera hindi kona kailangan problemahin ang gastusin, tangenang buhay kasi yan.

" Gemini, ibenta nalang kaya kita? Tapos nakawin nalang kita ulit." Sabi ko sabay tawa dahil sa naisip, napa iling ako sa kalokohang naiisip ko.

" Arf! Arf!." Sabi nya, ngumiti ako at pinat sya..

" Syempre, joke lang yon, ikaw kaya ang nag iisang baby ko, pag walang wala nalang talaga akong makain ikaw nalang kakatayin ko." Sabi ko.

Tanginang to, kala mo naman naintindihan yung sinabi ko at nag puppy eyes pa.

" Tigilan moko pandak, sayaw ka nalang." Sabi ko at kinuha ang dalawang braso nya at itinayo, iginiling giling kopa kaya napa hagikgik ako.

" Ang cute mo talaga." Gigil na sabi ko at inamoy sya, aba, alagang alaga at mabango, lagi siguro tong naliligo, aba very good pala kung ganon.

" Janice, tara kain na." Sabi ni Kurt ng hindi manlang kuma katok at basta nalang pumapasok.

" Kelan kaba magiging tao? Mas matalino pa sayo yung robot marunong kumatok." Sabi ko, pero hindi nya ako pinansin at umalis na, napa irap nalang ako.

Kung nerewrestling ko kaya yung kupal nayon ng tumino, aba grabe nayan ah, sa dalawang taon na mag kaibigan kami parang gusto ko nalang syang ilibing, ni hindi nga makatawa kahit isang pilit na ngiti di magawa, tao paba yung kaibigan ko? Tangina baka mamaya multo na pala kausap ko.

" Janice bilisan mona!." Bulyaw nya, tinamo? Ayos talaga tong bestfriend ko.

" Oo na nandyan na!." Balik na bulyaw ko sa kanya bago kunin si Gemini sa kama.

The Darkness King 1(5D)Where stories live. Discover now